Auction HouseSabay na naglalakad si Winchester at Luke sa hallway ng magarang auction house na pinuntahan nila. Bago pa man sila makarating doon ay dumaan sila sa clothing brand ng DLM Group na Athena's Helm upang bigyan ng isang pares ng suit and tie si Luke.
Nakaw tingin ang dalawa na tila ba napuno ng kagandahan ang paligid na dinadaanan nila. Nagbubulungan pa ang ilang nakakakita sa kanilang dalawa at ang karamihan ay ngumingiti kay Winchester.
"Winchester.. So you decided to come?" tawag ng isang boses sa dalawang binatang magkasama sa hallway at napabaling dito ng tingin si Winchester.
Isang babaeng nasa kuwarenta pataas na ang edad ang nagmamadaling yumakap at bumeso kay Winchester na nginitian lang naman ng binata.
"Tita Mafrey.. You know you always have my back when it comes to events like this. And I am interested in a particular piece tonight. I hope I will get it."
"Very well.. And I won't be asking you any personal questions so I won't ruin your night. But who is this gorgeous guy you brought with you tonight?" nakangiting tanong ni Mafrey kay Winchester at may panlalagkit ng tingin ang ginawad nito kay Luke.
Linapitan ni Winchester ang babae at binulungan ito na kinapula naman ng pisngi nito at hinampas ng marahan siWinchester.
"Okay--- I get what you mean.. Please! Enjoy the night.. See you around, Luke." sabay beso nito kay Luke at umalis na sa hallway.
Naiwan namang walang alam si Luke sa mga nangyayari habang nakangiti lang si Winchester.
"Anong sinabi mo dun? Bakit parang ang lagkit makatitig sa'kin?" tanong ni Luke kay Win na kinangiti lang ng huli.
"Tita Mafrey is my mom's friend. She is a collector of art pieces and sometimes she resort to archeological findings. She auctions them and that's how she got rich and famous." sagot ni Winchester pero hindi naman nito nasagot ang tanong ni Luke.
"Akala ko panaman dadalhin mo ako sa isang date.. Eh wala naman akong pera? Anong gagawin ko dito?" sunod sunod na tanong ni Luke.
"I need someone by my side.. That's all. And if you want a date. Then we are on a date right now."
Hindi na nakapagsalita pa si Luke at sumunod nalang siya kay Winchester. Pumasok sila sa isang pinto at isang magarang balcony ang tumambad sa kanila. Sa baba nito ay isang ballroom at maraming tao ang nakaupo sa mga upuan at ramdam ni Luke ang karangyaan sa buong lugar.
"Hanep talaga ang mayayaman. Hindi ko pa talaga naranasan ang ganito sa tanang buhay ko."
"I just get ousted as the CEO of DLM Group today." malungkot na saad ni Winchester na kinalaki naman ng mata ni Luke.
"Ousted? Tinanggal ka sa posisyon? Pero bakit? Paanong nangyari 'yun?" tanong ni Luke at ngumiti lang si Winchester ng mapakla.
"I expected that to happen. After all the things that happened in my family. It will take a toll on my reputation." sagot lang ni Winchester at hinawakan ni Luke ang kanyang kamay. Walang nakakakita sa kanila sa parteng iyon ng balkonahe kay malaya silang magagawa ang ganoong bagay.
"Alam mo naman na kahit anong mangyari, nandito ako para sa'yo. Pwedeng mawala lahat sa'yo, pero ako.. Dito lang ako sa tabi mo."
Hindi naman napigilan ni Winchester na makaramdam ng kilig sa sinabi ni Luke. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang kabilis nito pagandahin ang araw niya. Siguro nga mahal na niya talaga ito. Hindi niya gagawin ang mga bagay na ito kung hindi niya mahal ang lalaking nasa tabi niya ngayon.
BINABASA MO ANG
The Heir (BL)
RomanceAng mundong ginagalawan ni Winchester Del Mundo ay puno ng panlilinlang at masalimuot na nakaraan. Ang kayamanan at kapangyarihan na kanyang pinakaiingatan ay may pilit na sisira at aagaw mula sa kanya. The Heir (BL) Written By: MrAoiKun Date: 202...