Laurente MansionPagkapasok ni Luke sa kanyang kwarto ay bumulagta agad sa kanya si Achilles na nakaupo sa kanyang kama at nginitian siya nito. Tumayo ito at binigay sa kanya ang susi ng kotse.
"Winchester wants to see you... Hindi ako pwedeng umalis dito kasi malalaman ng mga bodyguards mo na umalis ka. So I will be your proxy while you are out."
"Bakit pa niya ako gustong makita? Sinusumpa na niya ako ngayon dahil sa ginawa kong pakikipaghiwalay sa kanya."
Umiling si Achilles at kinuha ang kamay ni Luke upang ilahad dito ang susi ng kanyang kotse sabay pang ngiti nito.
"Winchester won't give you up that easily... Alam ko kung paano mag-isip si Win.. That's the thing that I fallen in love with him actually.."
Nalukot ang noo ni Luke sa sinabi ni Achilles... Nagkaroon ba ng relasyon si Winchester at ang binatang kaharap niya ngayon?
"I know what you're thinking pero hindi naging kami ni Win... I was the only one who had that feeling... It was unrequited.. And its all in the past now. Alam kong ikaw talaga ang pumukaw sa natutulog niyang puso.. And believe me, hindi ka basta bastang bibitawan nun.""Ayoko lang isipin niya na hindi siya mahalaga sa akin. Mahal na mahal ko siya. At wala din akong ibang minahal kundi siya. Kaya mahirap sa akin ang ginawa kong desisyon. At kung may pagkakataon man na bawiin ko lahat ng iyon, kahit ano gagawin ko."
"Then you've got the chance already, Luke... Puntahan mo na siya sa address na nakalagay sa GPS ng aking kotse. You know how to drive right?"
Tumango lang si Luke habang nakangiti. Tinapik niya ang balikat ni Achilles. Hindi niya akalain na may tao palang tutulungan siya sa likod ng mahigpit na kamay ni Simon.
"Salamat Achilles--- Hindi ko talaga inaasahan 'to..."
"I just want to make things right. And pay for all the things that I have done. Kundi naman dahil sa akin, hindi ka mahahanap ni Daddy."
Umiling lang si Luke at nginitian si Achilles.
"Nandito na tayo sa ganitong sitwasyon.. Hindi na pagsisisihan ang dapat nating gawin.. Kundi tuluyang magising si Simon sa kanyang kahibangan at pagbayaran niya lahat ng kanyang nagawa."
Agad na tinuro ni Achilles ang sekretong daan ng mansion patungo sa garahe nito... Walang nagbabantay sa garahe at ang kotse naman ay pararaanin agad ng mga guwardiya dahil alam nilang mainitin ang ulo ni Achilles kapag hinaharang ito.
Madali namang nagawa ni Luke ang lahat ng pinagagawa ni Achilles sa kanya at nakarating siya sa garahe na hindi natutunugan. Agad siyang pumasok sa kotse at pinaandar ito. Bumukas ang GPS Map ng kotse at nakita niya roon ang destinasyon ni Winchester. Pinaharurot niya ang sasakyan at tama ang hula niya, hindi siya pinigil ng mga guwardiya.
Napangiti siya habang iniisip na makikita na niya muli si Winchester.
Dinala siya sa isang simbahan ng kotse at pagkababa niya roon ay agad niya namang nakita si Winchester na nakatayo lang sa tabi ng kanyang kotse at tinitingnan ang relo nito.
Napabaling ito ng tingin kay Luke at nagulat pa siya dahil nag-iisa lang ito at wala si Achilles.
Mabilis na tumakbo si Luke at agad na yinakap si Winchester.. Kinabig din siya ng binata at alam niyang palihim itong umiiyak. Hinawakan niya ang buhok nito at marahang sinuklay.
"Sorry... Sorry mahal ko... Patawarin mo ako.. Hindi ko ginustong gawin 'yun.. Alam mong mahal na mahal kita at sa kabila ng lahat, ikaw pa rin... Ikaw pa rin ang mahal ko."
BINABASA MO ANG
The Heir (BL)
Storie d'amoreAng mundong ginagalawan ni Winchester Del Mundo ay puno ng panlilinlang at masalimuot na nakaraan. Ang kayamanan at kapangyarihan na kanyang pinakaiingatan ay may pilit na sisira at aagaw mula sa kanya. The Heir (BL) Written By: MrAoiKun Date: 202...