♤Chapter VI♤

2K 142 38
                                    


   Del Mundo Mansion

    Dinungaw ni Lucy sa bintana ng kanilang kwarto ni Carmelo ang pagpasok ng sasakyan ni Winchester. Pinatay niya ang nakasinding sigarilyo sa ashtray at inayos ang kanyang suot na bestida at tiningnan ang kanyang mukha sa salamin na perpekto ang paglakalagay ng kolorete.

    Kakikitaan pa rin ng kagandahan si Lucy Tolentino sa kanyang edad. Bilang isang real estate broker noon ay dapat presentable siya sa pagharap ng mga kliyente niya. Ngunit isa sa mga kliyente niya ang bumihag talaga ng kanyang puso at ginawa niya ang lahat makuha lang ang pagmamahal nito. Si Carmelo Del Mundo. Ang anak ng pinakamayamang negosyante sa buong bansa. Lahat ng babae ay nais na makuha ang atensiyon ng gwapong tagapagmana ng DLM Group. Ngunit sa kasamaang palad ay mayroon na itong napiling mapangasawa at itinakda itong maikasal sa isang sikat na aktres na si Athena Mullèr.

    Sa ganda at estado ng buhay ni Athena ay walang sinabi ang tulad ni Lucy Tolentino ngunit hindi niya makalimutan ang pag-ibig niya para kay Carmelo Del Mundo. Kaya ginawa niya ang lahat upang mapunta sa kanya ang atensiyon nito.

   Nakababa si Lucy ng hagdanan at sakto lamang ang pagdating ni Winchester sa foyer ng mansion.

   "Pwede ba kitang makausap, anak?" tanong ng ginang sa anak-anakan niya.

    Pinaalis naman ni Winchester si Tony at ang mga maids na nakasunod sa kanya. Naiwan silang dalawa ni Lucy sa foyer at inutusan siya nitong pumunta sila sa patio ng mansion.

    "What is it, Mama?" mahinahong usisa ni Win sa gustong sabihin ng madrasta.

     "Kelan mo ba titigilan na halukayin ang kaso ni Athena? Natapos na ang imbestigasyon 11 years ago, Winchester. Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin matanggap na nagpakamatay si Athena dahil hindi niya matanggap ang kahihiyang binigay niya sa pamilyang ito?"

    Napakuyom ng kamao si Win at hinarap ang kanyang madrasta. Hindi niya mapigilang makaramdam ng galit sa mga sinabi nito.

    "Kahihiyan? Wow.. Isn't it the other way around? Kayo ni Daddy ang sumira sa pamilya namin. Dahil sa inyong dalawa, nagawa ni Mommy ang mga bagay na hindi niya dapat ginawa."

    "Nagpapanggap lang siyang masaya sa piling ng Daddy mo, Winchester. At ako ang totoong minahal ni Carmelo. Hindi pa ba sapat na dahilan 'yun para sabihin kong isa siyang kahihiyan?"

    Linapitan pa niya lalo si Lucy at nanlilisik ang matang tinitigan ito. Linuwagan niya ang masikip niyang necktie at hinubad ang coat ng kanyang office suit.

    "Don't you ever badmouth my mother again or you will regret it the next time. Nandito ka lang sa pamamahay na ito dahil ikaw ang ina ng kapatid ko. You think you are above anyone else just because you married a Del Mundo? Well guess what, stepmother. You married the wrong Del Mundo." sambit pa ni Winchester bago niya iwanan ng tuluyan ang madrasta.

    Napakuyom naman ng kanyang mga kamao si Lucy at pinipigilang mangilid ang luha dahil sa galit na nararamdaman niya. Hanggang kailan siya mamaliitin ng anak ng kanyang asawa? Napataas siya ng kilay at pinahid ang luhang pumatak sa kanyang mata.

    --------------------------------------------------------------------

    Habang binabasa ang isang project proposal ay biglang tumunog ang cellphone ni Win. Isang unknown na numero ang nakita niya sa kanyang screen at may nakasulat doong mensahe.

   "Hello. Si Luke 'to. Salamat sa pagpapapasok mo sa akin sa DLM Tower. Nadagdagan ng customers ang restaurant ni Mamu. :)"

   Hindi naman napigilan ni Win na mapangiti ng mabasa ang mensahe ni Luke. Gusto niya sana itong sagutin pero marami pa siyang gagawin pero rineply niya ito ng maiksi.

The Heir (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon