Chapter XXVII

1.4K 103 45
                                    

   Wildfire Bar

     Ang ingay ng paligid ay hindi alintana ni Pipo habang siya ay naghahatid ng inumin sa isang mesa. Isang linggo na siya sa pagtratrabaho bilang isang waiter sa bar na iyon dahil kailangan niyang dumoble kayod lalo na at malapit na ang final exams at hindi pa niya nabubuong bayaran ang kanyang tuition sa ikalawang semestre ng huling taon niya sa kolehiyo. Alam niyang nakapasok siya sa bar na iyon dahil na rin sa kanyang itsura. Magandang lalaki din si Pipo at may katangkaran. Balingkinitan ang pangangatawan ngunit ang kanyang masayang pagkatao ang talagang nakakaakit sa kanya na kailanman ay hindi nakita sa kanya ng kahit sin man.

   Inilapag niya sa mesa na puro kababaihan ang nakaupo ang dala niyang tray at isa-isa niya itong pinatong sa mesa.

     "Enjoy your drinks, girls." kumindat pa siya bago niya lisanin ang mesa ng mga babae na kinatuwa ng mga ito. Habang humahakbang siya pabalik sa counter ng bar ay nahagip ng kanyang mata ang isang lalaki na nakatitig lang sa kanya.

     Hindi niya tuloy maiwasang mapakamot ng kanyang ulo dahil sa ginagawa niting pagtitig sa kanya. Pero alam niyang isa itong anak mayaman sa dating pa lang nito. At ang pananamit nito. Ngumiti ito sa kanya na nginitian lang din niya pabalik.

    "Ibigay mo 'to dun sa VIP table.. Huwag mong paghintayin 'yun dahil malilintikan tayo kay boss. Kaibigan niya 'yung tao." saad sa kanya ng kasamahan niya nang makabalik na siya sa counter.

    Wala siyang nagawa kundi sumunod sa utos nito dahil maraming guest ang bar nila sa gabing iyon. Mabilis niyang nilagay sa tray ang bote ng vodka na hawak niya. Primera klase iyon at alam niyang VIP nga ang bibigyan niya nito kasi nasa pinakadulong bahagi iyon ng bar. At laking gulat niya na ang lalaking nakatitigan niya pala ang naroon sa VIP Table. 

   "Ah-- Here's your bottle of vodka, Sir.. Please enjoy.." tangi niyang nasabi nang makarating na siya sa mesa nito. Naaasiwa pa siya dahil nakangiti lang ito sa kanya habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa.

    "I've never seen you here before? Bago ka lang ba?" tanong sa kanya ng lalaki na unti-unti na niyang namumukhaan.

    "Ah--- Isang linggo palang ako dito, Sir." tipid na sagot ni Pipo sa lalaking kaharap niya ngayon na inutusan siyang umupo sa tabi nito.

   "Come here--- Sit beside me. I find you interesting." nakangisi nitong saad pero hindi naman tumugon si Pipo at alam niyang hindi iyon parte ng trabaho niya.

   "Waiter po ako dito, Sir.. At gustuhin ko man po, marami akong kailangang gawin. Pero kung kailangan niyo po talaga akong makausap, 1 AM po natatapos ang trabaho ko."

    Natawa naman ang lalaking kaharap ni Pipo dahil sa kanyang sinabi. Hindi nito inaasahan ang magiging sagot nito sa kanya.

    "So you are one of those boys who still knows the word dignity and responsibility.. That's quite amusing. Now I am liking you even more." saad nito na halatang tinamaan na ng alak.

   "Pasensiya na po, Sir.. Kailangan ko na pong bumalik sa aking trabaho." paalam niya dito at tumango lang ito sa kanya.

      Mabilis ang takbo ng oras at pakunti ng pakunti ang tao sa loob ng bar hanggang sa oras na ng pag-uwi ni Pipo. Tiningnan niya ang mesa ng guest nila na pamilyar sa kanya ang mukha. Ngunit wala na ito sa mesa at mukhang may sumundo na nga dito.

    Matapos niyang magpaalam sa guwardiya ay napadaan muna siya sa parking lot ng bar at napansin niya ang isang lalaking nakayukod ang ulo habang nakasandig ito sa kanyang kotse. May kadiliman man ay lama niyang ito ang VIP Guest kanina. Nagtaka siya kung bakit naroon pa ito?

The Heir (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon