Del Mundo MansionPilit mang panlabanan ni Winchester ang sakit na nararamdaman ay hindi niya iyon magawa. Nakailang lagok na siya sa bote ng whisky na hawak niya pero hindi parin niya maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
Gusto niyang paurungin ang luha niya pero hindi ito sumusunod sa utos ng isipan niya..
"Haaaaaaa!!!" sigaw niya at binasag niya lahat ng inuming nasa counter ng bar at napasalampak siya sa marmol na sahig ng mansion. Nasugatan ang kamay niya dahil sa bubog na nahawakan niya pero wala siyang pakialam. Ang sakit na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon ay walang kapantay..
Natatakot naman ang mga kasambahay na lapitan ang kanilang amo kaya tinawag nila si Tony at agad naman itong nagtungo sa bar ng mansion.
"Winchester!? Anong nangyayari? You're bleeding!" gulat na sambit ni Tony nang marating niya ang bar at nakitang nakasalampak sa sahig si Winchester.
"He--- He rejected it, Tony... He broken up with me." nahihirapan man ay nagawang sabihin ni Winchester ang kanyang nararamdaman kay Tony.
Agad naman siya nitong inalo at yinakap. Hindi na napigil ni Winchester na humagulgol sa iyak. Hindi niya akalain na ganito pala ang masaktan ng sobra.
"I--- I was ready... I was willing to give it all up. Then he--- He just throw away what we shared like it didn't matter to him."
Hindi na sumagot si Tony at sa halip ay hinayaan niy lang ilabas ni Winchester lahat ng sakit na nararamdaman nito.
Agad niyang inutusan ang isang kasambahay na kumuha ng first aid kit at ginamot niya agad ang sugat ni Winchester nang huminahon na ito.
Umupo sila sa couch ng living room at doon na sila naabutan ni Gianna na biglang nagbago ang masayang mukha nang makita niya ang itsura ni Winchester.
"Kuya? What--- What the hell happened?" gulat na tanong ng dalaga at agad namang nilapitan si Winchester.
"He broke all the bottles of liqour in the bar.. Nahawakan niya ang bubog kaya siya nagkasugat."
"I know that's not the real reason.. Is this about Luke? May ginawa ba siya sa'yo." galit na tono ni Gianna dahil bgayon niya lang nakita sa ganitong kalagayan si Winchester.
Tumango lang si Winchester na kinakuyom ng palad ni Gianna.
"I knew it... Hindi ka talaga paninindigan ng lalaking 'yun... He will still choose his family over you."
"Gianna--- He made his choice.. Its all over now."
Umiling lang si Gianna nang balingan siya ng tingin ni Winchester.
"Kuya?! Naririnig mo ba ang sarili mo? That guy should stood up for you... If he really loves you, he will do everything he can to protect your relationship."
"I said he made his choice! And that choice is to break up with me--- Its crystal clear."
"Tito Simon made him choose over me and his family---And he chosen his family. And he agreed to become a Laurente. That's the end of it."
Hindi na nagsalita pa si Winchester at agad na umakyat sa hagdanan patungo sa kanyang silid. Naiwan si Gianna at Tony na nag-aaalala sa pwedeng gawin ni Winchester. Alam nila kung ano ang kaya nitong gawin kapag nasasaktan.
------------------------------------------------------------------
Laurente Mansion
BINABASA MO ANG
The Heir (BL)
RomanceAng mundong ginagalawan ni Winchester Del Mundo ay puno ng panlilinlang at masalimuot na nakaraan. Ang kayamanan at kapangyarihan na kanyang pinakaiingatan ay may pilit na sisira at aagaw mula sa kanya. The Heir (BL) Written By: MrAoiKun Date: 202...