Chapter XXX

1.4K 100 47
                                    


       Laurente Mansion

       Manghang mangha si Pipo sa kanyang nasisilayan sa loob ng malapalasyong mansion ng mga Laurente. Hindi niya akalain na makakapasok siya sa ganito kagarang pamamahay sa tanang buhay niya.

      "Grabe pala talaga kayaman ang totoo mong tatay... Kaya hindi talaga imposible na hawak niya ang mga magulang mo." basag ni Pipo sa tahimik nilang pagakyat ni Luke sa hagdan ng mansion.

      Nasipat sila ng tagapamahala ng mansion at nanlaki ang mata nito nang makilala nito si Luke. Agad niyang tinawag ang mga maids at napayukod naman ang mga ito. Mabilis nitong binuksan ang malaking pinto ng mansion at malayang pumasok sa loob si Luke habang nagdadalawang isip pa si Pipo dahil sa karangyaang nasasaksihan niya.

      "Sabihin mo sa amo mo na nadito ako.. Kailangan naming magkausap ng masinsinan." utos ni Luke sa tagapamahala ng mansion at agad naman itong sumunod sa utos niya.

     Ngayon lang din nakita ni Pipo na ganun katapang si Luke at hindi niya pa nakita ang ganitong bahagi ng pagkatao nito. Marahil ngayon lang ito lumabas dahil sa nalaman nitong katotohanan.

      "Pre--- Kalma ka lang.. Kanina pa nakakuyom 'yang mga palad mo."

      "Hindi ko kayang kumalma sa ganitong sitwasyon Pipo--- Alam mong nandito ako para sa mga magulang ko. At kung hawak man niya si Mama at Papa, tama lang na ipakita ko sa kanya ang galit ko."

     Hindi sila naghintay ng matagal dahil dumating sa foyer ng mansion si Simon at nakatapis pa ito ng bathrobe at halatang kakatapos lamang maligo.

      Agad niya namang nilapitan si Luke upang ngitian at subukang yakapin pero nilayo nito ang sarili sa kanya.

       "This is a surprise... I didn't know you will be back so soon. Akala ko galit ka sa akin. Looks like you got it all figure out now."

       "Saan mo dinala si Mama at Papa?!" matalim na tanong ni Luke sa kanyang tunay na ama at napangiti lang ito at inutos sa kanyang tagapamahala na ipaghain si Luke ng makakain.

      "We should sit down and talk for a moment, Luke.. You haven't introduced your friend to me yet?"

    At napayukod si Pipo ng kanyang ulo nang magkatinginan sila ni Simon..

     "Ah--- Ako po si Pipo, bestfriend po ni Luke. Nice to meet you po Mr. Laurente." naaasiwang pagpakilala ni Pipo sa kanyang sarili.

     "Nice to meet you too, Pipo.. I just wish that my own son can be kind and nice enough to let me talk to him privately.. If you don't mind?"

     Napailing lang si Pipo nang makita niyang siya ang sinasabihan ng may-ari ng mansion.

    "Hindi aalis si Pipo.. At kung may pag-uusapan tayo, sabihin mo na ngayon din dahil wala akong panahong makipaglaro sa inyo."

     "See--- That's the problem there.. Hindi mo ako magawang irespeto bilang ama mo.."

     Ramdam ni Pipo ang tension sa pagitan ng mag-ama at napagtanto niya na maaring namana nga ni Luke ang ugali niyang iyon sa ama nito. Matapang din ang mukha ni Simon Laurente at isang makisig na lalaki kahit nasa lagpas kwarenta na ang edad nito.

      "Well--- Its true that I have Chona and Oscar with me. And don't worry.. Hindi ko sila sinaktan. They are in a very safe and comfortable place. After all, sila ang nagpalaki at nagalaga sa anak ko.. It would be very ungrateful for me kung papahirapan ko sila."

     "Bakit hawak niyo sila? Para gamitin sa akin? Para maipilit mong tanggapin ko ang apilyedo mo? Ganun ba ang gusto mong mangyari?"

    Napaupo si Simon sa silyang gawa sa ginto at ang pang-upo nito ay mat malambot na pamatong na gawa sa mamahaling bulak at seda. Ngumiti lamang ito sa kanyang anak at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

The Heir (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon