Chapter XXXIII

1.5K 101 54
                                    


      Laurente Mansion

       Nagising si Luke sa isang malambot na kama. Agad siyang bumangon at tiningnan ang kanyang sarili sa malaking salaman sa harapan ng kanyang kama. Giniya niya ang mata niya sa paligid ng silid na iyon. Napakalaki kumpara sa lahat ng silid na natulugan niya. Hindi niya alam kung bakit niya piniling dito matulog.

     "Chona and Oscar will be here tomorrow so why don't you stay the night in your room. Dito ka na rin naman matutulog starting tonight. This is your home. Dito ka nararapat, Luke"

      Tumungo siya sa banyo upang gawin magsipilyo at maghilamos at nang lumabas siya sa kanyang kwarto ay isang Achilles na nakahalukipkip at nakangiti sa kanyang harapan ang sumalubong.

     "I wasn't able to introduce myself to you properly yesterday.. But I'm Achilles.. Lets just say I am your brother. At kakampi mo ako."

     Tumango lang si Luke kay Achilles at giniya niya pa ang mata niya sa paligid ng mansion.

      "Nakakalungkot siguro ang buhay mo sa bahay na'to.. Halos wala kang makita kundi mga ilaw at mga flower vase na puno ng bulaklak."

    Napangiti si Achilles sa tinuran ni Luke at tumango lang ito.

     "Idagdag mo pa na halimaw ang mga nakatira sa bahay na ito.. At yun ang ayokong mangyari sa'yo. That's why I'm asking you to never agree on what Dad will tell you to do."

     "Sa tingin mo ba gusto ko ang ginawa ko? Hindi ko ginustong magkahiwalay kami ni Winchester. Mahal ko siya. Pero kung ang kapalit naman nun ay ang mawalay sakin ng tuluyan ang pamilya ko, hindi ko masisigurong magiging masaya ako sa naging desisyon ko."

     Tinapik ni Achilles ang balikat ni Luke at sumang-ayon sa sinabi nito.

     "I know... That's why you have to start resisting.. Hindi magtatagal at matatapos din ang lahat ng 'to. Dad will pay for all the things that he has done."

     "May binabalak ka bang gawin? Dahil kung meron man, nakahanda akong tumulong.. Hindi ko hahayaan na kontrolin ni Simon Laurente ang buhay ko."

     Ngumiti lang si Achilles at tinalikuran na si Luke.

     "I'm sure everything will be over soon... Kailangan mo lang magtiwala.. And what you have to do, is make sure Dad can't get what he wants."

     Bumaba si Achilles at naiwan si Luke na napapaisip. Sigurado siyang may ginagawang hakbang si Winchester at hindi siya mapanatag kapag naiisip niyang hindi niya malaman ang iniisip ng kanyang minamahal.

     Nang makababa si Luke nang tuluyan ay naabutan niya si Chona at Oscar sa living room kasama si Pipo.

      Agad namang napatayo ang mag-asawa at yinakap nila ng mahigpit ang anak. Napaluha si Chona habang hinahaplos niya ang mukha ng kanyang anak.

      "Diyos ko... Akala ko hindi na tayo magkikita Luke.. Patawarin mo kami anak... Patawarin mo kami kung wala kaming nagawa upang ilayo ka kay Simon.."

     Umiling lang si Luke sa kanyang ina at pinahid niya ang luha nito.

     "Huwag na kayong mag-alala. Hindi ko na hahayaan pang may gawin siya sa inyo... Hindi ko kayo pababayaan. Pinangako ko 'yan sa inyo."

     "Si Jacob--- Nakausap mo na ba siya anak? Kumusta siya? Sigurado akong nag-aalala na sa amin ang kapatid mo."

      Tumango lang si Luke habanh pinapakalma niya ang kanyang ina.

       "Maayos lang si Jacob... Papunta na 'yun dito sa mansion."

       Nagyakapan ang pamilya at hindi naman naiwasang makiyakap na rin ni Pipo sa mag-anak.

The Heir (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon