Le Château BuildingSunod sunod na katok ang narinig ni Jacob mula sa pinto ng unit na pansamantala niyang tinutuluyan. Inayos niya ang mga gamit na pinaglutuan niya ng kanyang pagkain sa gabing iyon bago niya buksan ang pinto.
Napangiti naman siya nang makita niya ang taong nasa pintuan. Si Taron iyon at mukhang nakainom na ito sa kanyang hinuha.
"Taron--- Ahh ano, kakatapos ko lang magluto. Gusto mo bang sabayan ako sa pagkain."
Ngumiti si Taron at pumasok sa loob ng kanyang condominium. Naamoy niya naman ang linutong ulam ni Jacob at hindi niya napigilang pumunta ng kusina.
"Wow-- That smells good. Marunong ka palang magluto?"
Sumunod naman si Jacob sa kusina at nakita humihigop na ng sabaw ng tinolang manok na niluto niya si Taron.
"Ano-- Nanonood kasi ako palagi sa Mama ko kapag nagluluto siya. Tapos sinubukan ko lang gawin ngayon kasi wala naman na akong ibang aasahan kundi sarili ko. Hindi ko din alam kung anong lasa niyan."
"Its good actually.. This will sober me up." nakangiting sabi ni Taron bago humigop ulit ng sabaw.
"Pasensiya na kung nakialam na ako sa mga gamit dito. Tsaka hindi naman ako magtatagal dito. Nakahanap na ako ng trabaho at nakapasa sa mga interview. Mga requirements nalang at ibang mahahalagang papel ang aasikasuhin ko. Makakapasok na ako."
Napatango si Taron at muling humigop sa sabaw ng tinolang manok ni Jacob.
"You can stay here for as long as you want. And I am happy that you found a job right away."
Lumapit naman si Jacob sa mesa at umupo sa harapan ni Taron na wiling wili sa paghigop ng sabaw ng niluto niya.
"Bakit ba ang bait mo sa'kin? Hindi mo pa nga ako kilala pero bakit ang bilis mong magtiwala?"
Napatigil si Taron at linapag niya ang kutsarang hawak niya at napatitig kay Jacob.
"I don't know. Kailangan bang may dahilan para maging mabait ako sa'yo?"
"Hindi mo manlang ba aalamin kung saan ako galing? Anong klaseng pamilya meron ako? Anong nakaraan sa buhay ko?"
Umiling si Taron at napangiti sa sunod-sunod na tanong sa kanya ni Jacob.
"You know.. After what I just witnessed tonight, parang wala na talagang mapagkakatiwalaang tao. Every person has their own deep secret that no one wants to know. At kung masama ka talagang tao, you would have robbed this place and disappear without any trace."
"Umalis ako sa amin kasi nakipagrelasyon ako sa asawa ng amo ko sa aking pinapasukang OJT."
Napalukot ang noo ni Taron sa narinig niya mula kay Jacob. Handa si Jacob na ilahad sa bagong kaibigan ang katotohanan sa buhay niya.
"Para sa pera kaya pinasok ko ang bagay na 'yun. Ayoko nang manatili sa lugar namin. Gusto kong may mapatunayan sa pamilya ko. Sa mga magulang ko. Para makita nila na kaya kong umangat sa buhay na hindi nila ako kinokompara kahit kanino."
"Yeah--- We all have our own struggles. But its tiring you know? Patunayan mo ang sarili mo para sa ano? Para sa pride? Our crushed ego?"
Hindi naman nakasagot si Jacob at nanatiling nakatingin lang kay Taron. Ilalapit na sana nito ang kamay nito sa kanya pero nilayo niya ang mga ito. Nakaramdam naman ng pagkahiya si Taron sa kanyang ginawa.
BINABASA MO ANG
The Heir (BL)
RomanceAng mundong ginagalawan ni Winchester Del Mundo ay puno ng panlilinlang at masalimuot na nakaraan. Ang kayamanan at kapangyarihan na kanyang pinakaiingatan ay may pilit na sisira at aagaw mula sa kanya. The Heir (BL) Written By: MrAoiKun Date: 202...