•Chapter XVI•

1.6K 122 43
                                    


      Pumasok si Jacob sa loob ng isang maingay at mamahaling bar. Hindi siya sigurado kung tama ba ang pinagdalhan sa kanya ng driver ng taxi pero mukhang ito naman ang sinasabi ng taong tumawag sa kanya na pumunta doon.

      Hinanap ng kanyang mga mata ang taong pakay niya. Sa ingay at dami ng taong nakapalibot sa buong lugar ay nalilito siya kung saan siya pupunta. May sumubok pang lapitan siya at alukin ng alak pero tumanggi siya rito. Linakad niya ang isang naiilawang pasilyo at nagtuloy iyon sa pinakasentrong bahagi ng bar at nakita niya sa wakas ang hinahanap ng kanyang mga mata.

    Sumasayaw ito sa gitna ng maraming tao at halatang lango na ito sa alak. Napailing nalang si Jacob at naglakad patungo sa direksyon nito. Hinatak pa siya ng isang babae para isayaw siya pero tumanggi muli siya rito. Kailangan niyang maialis si Taron mula sa lugar na iyon dahil para na itong wala sa sarili.

    "Taron! Halika na.. Iuuwi na kita sa condo mo." hinablot ni Jacob si Taron ngunit pumalag ito at nang mapagtanto nito na si Jacob ang may hawak sa kanyang kamay ay napangiti ito.

    "Jake--- Jacob? Come on. Lets dance. Samahan mo ako. Sayaw tayo."

     "Taron.. Lasing ka na. Baka kung mapano ka pa. Sabi ng waiter sa akin kanina ka pa umiinom. Tinawagan niya ako sa cellphone ko."

    Tumawa lang si Taron habang nakaakbay ang mga kamay niya sa balikat ni Jacob at sumasayaw ito sa saliw ng nakakaindak na musika.

     "Jimmy always butt in with my business.. Kaya ko ang sarili ko."

     "Lasing ka na.. Kaya uuwi na tayo. Ayokong may masamang mangyari sa'yo."

    Napangiti si Taron sa sinabi ni Jacob. Ngayon niya lang narinig mula sa isang tao ang mga salitang iyon. Jacob was acting like he really cared.

     "Talaga? Ayaw mong may masamang mangyari sa akin? Bakit? Dahil naaawa ka sa akin?"

     Nalukot ang noo ni Jacob nang makita niya ang biglang pagluha ni Taron. Napapatawa pa ito habang umiiyak.

     "Ano ba talagang nangyari sa'yo? Noong nakaraang araw lasing ka rin na pumunta sa condo mo?"

     Umiling lang si Taron saka pinahid ang mga luha niya.

      Hinablot ni Jacob si Taron at dahil sa lakas niya ay hindi na ito nakapalag pa. Pumunta siya sa waiter at sinabi nitong member si Taron ng bar na iyon at wala itong babayaran.

    Nagmadali silang lumabas ng bar at hinanap niya kung saan nakapark ang kotse nito. Marunong din siya magmaneho ng kotse dahil na rin sa trabaho niya sa rice mill na minsan kailangan niya magmaneho ng truck.

     "Akin na ang susi mo.. Ako na magdradrive."

    "Jacob! Please huwag ka nang makialam. You don't have the right to act like you care for me."

     "Taron? Kaibigan kita. Kaya may pakialam ako sa'yo. Noong kailangan ko ang tulong mo, nagdalawang isip ka ba na tulungan ako?"

     Napaupo si Taron sa semento ng parking lot at muling naluha at umupo sa kanyang tabi si Jacob. Gusto nitong malaman kung ano ba talaga ang pinagdadaanan nito.

     "Ano ba kasing nangyayari sa'yo? Iniwan ka ba ng syota mo? May problema ba sa bahay niyo?"

     Umiling lang si Taron at napatingin sa langit. Palagi niya iyong ginagawa para mawala agad ang mga luha sa kanyang mata.

     "I just realized how pathetic I was.. Umasa ako na balang araw makikita niya na nandito ako para sa kanya. Pero ibang tao pala ang mas pipiliin niya. Ayoko nang magpakatanga pa."

The Heir (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon