Rodriguez CompoundNakauwi si Pipo matapos ang kanyang naging mapusong usapan nila ng kanyang bagong kakilala. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil para itong batang paslit kapag nalalasing. Hinatid niya ito sa isang malapit na hotel dahil hindi na ito pwedeng magmaneho at mukhang ayaw din naman itong umuwi sa kanilang pamamahay. Inabutan na siya ng alas tres ng umaga bago marating ang kanyang boarding house at nagulat pa siya nang makita niya si Luke na nasa labas at umiinom ng beer.
Mabilis siyang naglakad at nilapitan ang kaibigan sa labas ng kanilang boarding house."Mabigat din siguro ang problema mo at maguumaga na umiinom ka pa rin." salubong ni Pipo sa kanyang kaibigan at tinabihan ito sa pag-upo.
"Nag-away ba kayo ni Winchester? At hindi mo pa nga nasasabi sa akin kung bakit nawala ka ng ilang araw. Nag-alala kaya ako sa'yo."
Huminga ng malalim si Luke bago ulit tumunga sa boteng hawak niya.
"Ang sakit sa pakiramdam na malaman mo ang buong katotohanan. Katotohanan na sana hindi nalang naungkat. Para akong lumulutang ngunit mabigat ang puso ko."
"Pre? Easy ka lang.. Ano ba kasing nangyari? Bakit parang ang bigat naman ng mga binibitawan mong salita."
Hinarap ni Luke ang kaibigan at tinitigan ito sa kanyang mata. Kita naman ni Pipo ang kalungkutan ng kanyang kaibigan.
"Sa dami ng tao sa mundong ito, ako talaga ang napiling ipanganak sa isang angkan na walang ibang pinahahalagahan kundi pera at impluwensiya."
Hindi pa rin maintindihan ni Pipo ang sinasabi ng kanyang kaibigan.
"Nalaman ko ngayong araw na ako ang anak ni Simon Laurente. Ang nawawalang anak ni Simon Laurente."
Pinanlakihan ng mata si Pipo dahil alam niyang isa sa mga nagmamay-ari ng DLM Group ay ang pamilya ng mga Laurente.
"Ikaw ang anak ni Simon Laurente? Paanong ikaw? Paanong nangyari 'yun?"
Ikwenento ni Luke kay Pipo lahat ng kanyang nalaman. At nang matapos siya ay lutang din si Pipo na hindi na rin siya makasalita sa mga nabunyag sa kanya.
"Kaya ako nasasaktan ngayon kasi hindi ko inaasahan na ililihim sa akin ni Winchester na alam na niya pala ang totoo sa pagkatao ko. Iniisip niya siguro na kapag nalaman kong ako ang anak ni Simon Laurente ay magtatatalon ako sa tuwa dahil sa wakas isa na akong anak mayaman."
"Luke--- Hindi ganun ang pagkakaintindi ko sa ginawa ni Win sa'yo. Siguro naunahan lang siya ng takot kaya hindi niya sayo sinabi agad. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon mo. Tsaka hindi niya din naman ginusto na malaman niyang ikaw pala ang anak ni Simon Laurente."
Napaiwas ng tingin si Luke kay Pipo at muling uminom sa bote.
"Inalok pa niya ako ng kasal para patunayan sa akin na wala siyang pakialam sa kayamanan. Na mas mahalaga ang nararamdaman niya para sa akin kesa sa kompanya. Paano ko pag siya paniniwalaan?"
"Kailangan mo siyang bigyan ng pagkakataon na patunayan niya sayo na sincere siya sa hangarin niya. Ayaw mo nun? Ikakasal ka sa taong mahal na mahal mo. Pre--- Alam kong mahal mo si Winchester. At pahihirapan niyo lang ang isa't-isa kung hindi niyo pipiliing magpatawad."
Tinapik ni Pipo ang balikat ng kaibigan at nagpaalam na dito upang magpahinga na. Naiwan si Luke na iniisip pa rin ang sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan.
Agad niyang hinugot sa kanyang bulsa ang maliit na kahon at binuksan niya iyon. Nangingislap ang singsing na may nakalagay na isang maliit na diamante sa gitna nito. Singsing na kasyang kasya sa kamay ni Luke nang isukat niya ito.
BINABASA MO ANG
The Heir (BL)
RomanceAng mundong ginagalawan ni Winchester Del Mundo ay puno ng panlilinlang at masalimuot na nakaraan. Ang kayamanan at kapangyarihan na kanyang pinakaiingatan ay may pilit na sisira at aagaw mula sa kanya. The Heir (BL) Written By: MrAoiKun Date: 202...