Chapter XXIX

1.4K 104 51
                                    


     Rodriguez Compound

      Naalimpungatan si Luke dahil sa tunog ng kanyang cellphone. May hilo pa siyang nararamdaman dahil pasikat na ang araw ng tuluyan siyang makatulog. Inabot niya sa mesang malapit sa kanyang kama ang kanyang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Si Jacob iyon. Agad niya naman iton sinagot at malakas na boses ni Jacob ang kanyang narinig sa kabilang linya.

     "Mabuti naman at naisip mo nang sagutin ang tawag ko? Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo.."

     "Pasensiya na... Marami lang nangyari kaya inumaga na ako bago makatulog."

     Hindi sumagot si Jacob at narinig ni Luke na huminga pa ito ng malalim bago muling nagsalita.

     "Alam kong mabigat lahat ng nangyayari sa'yo ngayon. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ikaw pala ang anak ng Simon Laurente na 'yun. At alam mo bang hawak niya si Mama at Papa?"

    "Anong hawak niya si Mama at Papa? Nagkita kami ni Mama kahapon nang sabihin niya sa akin ang katotohanan. May kasama siyang babae. Sabi niya abogado daw siya ng tatay ko."

     "Ibig sabihin ko, nasa kamay ng totoo mong tatay si Mama at Papa. At paniguradong gagamitin niya sila upang makuha ka niya. Masiyadong desperado ang tatay mo, Luke."

     Naisip ni Luke na posibleng nakaharap na ni Jacob si Simon at dahil sa napakaraming pumapasok sa isipan niya, hindi niya namalayang posibleng gawin ni Simon lahat ng bagay makuha lamang siya. Pati na idamay ang kanyang mga magulang.

     "Huwag niya lang sasaktan si Mama at si Papa dahil dudurugin ko siya kapag nalaman kong sinaktan niya ang isa man sa kanila."

    "Hindi niya sasaktan si Mama at Papa dahil kapag ginawa niya iyon, pagsisisihan niyang inalam pa niya na ako ang anak niya."

    Binaba ni Jacob ang tawag at agad namang bumangon si Luke sa kanyang kama at agad na pumasok sa banyo.

    Pupungas pungas naman si Pipo nang maramdaman niya ang paggalaw ng kabilang kama at nang idilat niya ang kanyang mata ay isang nagmamadaling Luke ang nakita niyang pumasok sa banyo. Tiningnan niya ang oras. Alas nueve na ng umaga.

     Akala niya normal na ligo ang gagawin ni Luke pero mabilis itong lumabas ng banyo at para itong aligaga.

     "Bakit para atang hinahabol ka ng mga daga? May nangyari nanaman ba?"

     Hindi sinagot ni Luke si Pipo sa halip ay mabilis itong kumuha ng damit sa cabinet nito at madaliang sinuot ang mga iyon.

     "Luke? Natatakot ako sa ginagawa mo ah.. Bakit ka nagmamadali? Sino ba ang hinahabol mo?"

      "Hawak ni Simon Laurente si Mama at Papa.. At alam kong gagamitin niya ang mga magulang ko para mapasunod lang sa gusto niya."

     Napabangon si Pipo sa kama at agad namang dinaluhan ang kaibigan.

      "Sasamahan kita.. Alam ko kapag ganyan ang kinikilos mo, may nangyayaring hindi maganda."

      "Kaya ko na 'tong mag-isa, Pipo.. Hindi mo na kailangan pang madamay."

     Tinapik ni Pipo ang balikat ng matalik niyang kaibigan at ngumiti siya dito.

      "Ano pang silbi ng pagiging bestfriend ko sa'yo kung iiwanan kita sa mga ganitong pagkakataon?"

    Kahit papano ay naibsan ang nararamdaman ni Luke dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan sa kanya. Alam niyang higit kanino man, ito ang maaasahan niya sa gitna ng pagsubok.

The Heir (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon