Chapter Two
"Gaga! Di mo nilabhan?!" Sigaw agad sa akin ni YenYen matapos makitang suot ko pa din ang jacket ni binigay sa akin nang lalaking yun kahapon. "Tungeks, Nilabhan ko eto na! eto na! tatanggalin na!"
"Ange! Palibre Ice Candy! Dali! Ang anghang nang noodles!" Sambit ni Andra.
"Ulols. Dami mo na utang tig-papayb pa!"
Sumimangot siya at kinain na ang Jjampong na nasa cup. "Himala ata ang aga natin ah?" Sabi ni YenYen.
"Wala eh, Sabi ni Daddy late na daw ako di pa pala tsk." Sumimangot uli si Andra pero naglaho din yun."Alam niyo ba kung saan nag-aaral yung nagbigay nang jacket? Para maibalik ko na." Tanong ko sakanila. Umiling lamang si Andra habang si YenYen ay nag-iisip. Nag-iisip pala toh?
"Aha! Parang nakita ko siya sa may Finess Academy! Diyan malapit sa kanto! Isang trycicle lang ata!" Sabi ni Yen.
"Okie. Samahan niyo ko ah! And paano mo pala nalaman?" Tanong ko. Nakakapagtaka lang dahil alam na alam niya kung saan ito nag-aaral.
"We Find Ways!" Hagikgik nito. Tch. Mala-BDO? Di na ko magtataka kung siya na yung nasa commercial.
"Guys, Library muna? May forty-six minutes pa! Lezgo!" Yaya ni Andra.
NAGBABASA kami ngayon nang mga novels, Habang si Ayenne ay nagbabasa nang Doctor and law stuff. Nag-ring na ang bell hudyat na kailangan nang pumasok sa classroom and stuffs.
"Besh! Crush mo oh!" turo sa akin ni Andra kay Klaus na super friendly na crush naming tatlo. Yep. Tatlo! Eh sa sobrang bait sino ba namang di magkakagusto diyan?!
Nahuli niya si Andra na nakatitig sakaniya kaya nilapitan niya ito. Wew. Swerte amp. Nagbasa basa lang ako nang pagkalingon ko ay naglaho nalang bigla sina Klaus at Andra. Nagkatinginan kami ni YenYen at nagkibit-balikat.
"See'ya later!" Ani ni YenYen sa akin. Kumaway lang ako sakaniya at naglakad na ko sa hallway. Magkaibang building kami nina YenYen, Pero ngayon iba schedule ko kaya di ko din makakasabay si Andra na nawawala. Harot.
Pumasok na ko sa room nang may nagtext sa akin.
You Received A Message From:
Elaaaaandra!Ghorl. Samgyup mamaya ah! hihihi. Chinat ko na si Yen.
Sineen ko lamang ito dahil nasa likod ko na ang proffesor. San kaya nang galing yun?
LUMIPAS na ang mahabang araw at sa wakas ay natagpuan na namin si Andra sa Green Hall. Which is a hall na puro bulaklak at halaman. Dito kami madalas tumambay. Bukod sa mga kainan.
Sabay kaming naglalakad ni YenYen patungo kay Andra na nakikipag harutan pa din kay Klaus. Di kami napapansin. Amp. Pumasok ba tong dalawang toh?! Wapake kung crush ko si Klaus erase na iyan!
"Ay! Tengene!"
Ginulat namin yung dalawa at kung makayakap naman tong babaeng toh kala multo kami! "Woi! Pumasok ba kayo?! KeharotHarot!" Sermon agad ni YenYen.
"Shoo! Tara na Andra! Kala ko ba Samgyup?!" Sigaw ko sakaniya.p Nanlaki kaagad ang mata niya at kumaway kay Klaus bago kami kaladkarin papalabas nang University.
"Woi! Aray naman! Akala ko ba may ibabalik pa si Ange?!" Sigaw ni YenYen. "Ay shiyet oo nga pala! Una na kayo doon sa KorePal! Ibabalik ko lang toh!"
Tumakbo na ko papunta sa lalaking nakaupo sa may bench tapat nang stalls. "Woi lalake! Bat ka andito?" tanong ko sakanya.
"Me?!"
"Ay hinde! Si Manong na nagtitinda! Sorreh Manong!"
"Tch sa tingin mo bakit?" Inirapan niya ako. Bakit nga ba?- "Ay! Oo nga pala! Heres your jacket. Sorry minsan hina nang wifi nang utak ko eh. Peace!" Sinabit ko sa leeg niya yung hawakan nang paperbag dahil mahaba ito. Kailangan ko pang tumingkayad dahil matangkad siya. Di ko namalayan na tumayo na ito.
"Okie, Thanks byee!-" aalis na sana ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko. Tinaasan ko siya nang kilay.
"I'll pay for your p-palamig? Yesterday. Sorry." Hinila niya ako papunta sa stall nang palamig. Tinanggal niya muna ang sinabit ko bago bayaran yung binili niya.
"Uh, Thanks! I gotta go na. And by the way, I'm Keiya Angelique Benitez. You can call me Ange!" Pagpapakilala ko sakaniya.
"Pfft. Im Penter. But i wanna call you Angel."
NAKAUPO na kami ngayon sa KorePal which is ay isang korean resto na may samgyupsal. May Black Bean noodles din at Rice cakes na nakalagay sa mesa mayroon sing Soju rito.
"Gurl? Bat antagal mo?!" Pasigaw na sabi ni YenYen. "Chill. Basta" sabi ko nalang. Napa Hala naman si YenYen.
Patapos na kaming kumain at mauuna na ko sakanila dahil ihahatid ko pa sa Condo si Ate bukas nang umaga. "Babyee!" Nagpaalam na ang dalawa dahil halos magkapit-bahay lang ito.
Di ako pinagalitan nina Mama dahil nagpaalam naman na ako. Pagtapos nang semester ay lilipat na ko sa katabing Condo ni Ate. May ipon din naman ako.
Pinakain ko ang tatlo kong aso at ginawa na ang assignments ngunit di pa din ako makatulog. Haayst. Nagtwitter nalang ako sa phone na regalo nang kuya ko.
May nag-notifications kaya chineck ko.
CPenter started following you.
Psh. Siya lang pala.
CPenter: Can't Sleep?
Angee_: Yeah but now i ain't bye nyt.
CPenter: kk nyt.
Unti-unti na kong inantok kaya't natulog na ko.