Chapter Five
"B-bakit po?" Tanong ko kay mama na nakangiti nang nakakaloko habang nakasandal sa lababo. "Ikaw ah! May boyfriend ka na!" Parang sinisili yung puwet ni mama dahil kinikilig ito. Ehh?! Boyfrieeend?!
"No! Ma- Hinatid niya lang ako! Si ate kasi di ako pinasundo. Kaya ayun hinatid niya po ako." Ngumuso ako dahil napagtitripan ako dito sa bahay. Ma-issue si mama! Sana di ako isumbong kay papa!
"Tologo ba? Awtsuu! O, sige puwede ka mag-boyfriend pero dapat yung kaya kang buhayin at pakainin! Naintindihan mo ba ako?!" Galit na ani ni mama. Kanina parang kinikilig pa toh ah? "O-opo"
"Beri gud, O siya hatid mo na yun labas." Pagtaboy niya sa akin. Haays, wala nga kong boyfriend at hindi ako magkakaroon nun!
Nakasimangot akong pumunta sa kinaroroonan ni Penter na kulang na lang ay kausapin ang pagkain dahil sa pagkabored. Nakakunot ang noo niya na kaniyang madalas na reaction.
"Tara na, Penter." Tumayo naman siya at nag-ayos. Hinatid ko siya sa may Kotse niya. "Goodnight and thanks Penter sa uh, Paghatid."
"Yeah you're welcome, See you. Goodnight." Nagpaalam na siya at sumakay na sa kaniyang kotse. Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumingon pa siya sa akin at nagtama ang aming tingin bago pinaharurot ang kotse.
Naglakad ako nang mabilis para habulin ang dalawa kong kaibigan na papasok na nang gate. "Elandra!, Ayenne! Woy! Antay lang!" Sigaw ko sakanila. Pinagtitinginan ako nang mga estudyante dahil sa matinis kong boses, Pero binalewala ko nalang iyon.
"Late ka ah? Anmeron?" tanong sa akin ni YenYen.
"Kaya nga, bakit kaya? Hmmm?" Tinignan ako ni Elandra na nakapalumbaba. "W-wala tara na!" Chineck muna nang guard iyong bag namin bago kami pinapasok.
"Babush na! Kita nalang tayo sa tambayan natin!" Humiwalay na sa'min bago pumunta sa kanilang building.
"Wooy, Ange! Bat ka nga kasi late?!" Pangungulit sa'kin ni Andra na di mapakali pag di nakakakuha nang sagot. Papaano kasi ay di ako nakatulog kagabi dahil dun sa Penter na iyon sa di malamang dahilan.
"Wala nga nalimutan ko lang gawin yung essay sa Physics." Pagsisinungaling ko.
"Ay, Oo nga pala! Hala. Puwede ba yun ipasa bukas?!"
"Don't know." tipid kong sagot.
PUMASOK na kami sa room at halos lahat nang classmates namin ay nakatingin sa amin. Eh?
"Woy, Angelique. Kaano-ano mo si Corbyn Penter Silvestre?! Kyaaah! Pakilala mo kami!" Tili nang mga babae sa class. Lahat nang classmates kong babae ay mababait at di maissue. And im thankful for that. Except sa isa. Si Ashley.
"Friend lang? Basta di kami close. Natapunan niya lang ako dati."
"Ahh, Okay" Pero di sila tumigil hanggang sa dumating na yung Prof. namin.
NAKAUPO kami ngayon sa labas nang school. Like what we usually did. Kumakain kami ngayon nang kikiam at fishball.
"YenYen, Penge pa ako isa. Kulang pa sa akin eh." Hingi ni Andra kay YenYen na mamaya maya ay magdedebate na.
"Iih! Dami dami mo pera diyan eh."
"Para bukas naman toh! Papagalitan ako ni mommy. Titignan niya na naman wallet ko para kunin yung Suki Card niya tapos makikita niya pera kong ubos tapos-"
"Ayenne? Tawag ka ni Proffesor Lagdamua." Lapit sa amin ni Nico. "Huh? Okay?" Binilin niya sa amin yung bag niya bago pumunta sa office.
"Napapansin mo Ange? Laging kay Ayenne nakapokus si Prof. Lagdamua. Sanaol nga eh! Ang guwapo! Tapos twenty-four palang!" Pagchismis ni Andra.
"Onti lang. Baka naman may kailangan lang si sir?" Pagsagot ko sakaniya.
Maya-maya ay dumating na din si YenYen na parang galing sa giyera. "Niyare sayo Yen? Yung sleeves mo sa pulso. May humila ba sa'yo?" tanong ko sakaniya.
Bago pa siya makasagot ay nasa likod niya na yung lalaki na palaging kasama ni Penter.
"Ayenne, Sabay ka na sa akin."
"O-oo na! Bye guys explain na lang ako bukas! Sorry!" Nagmamadali siyang tumakbo pero nahabol din naman nang best friend ni Penter tapos ay di na namin nakita. Sumakay na ata sa kotse.
Aalis na dapat kami ni Elandra nang lapitan kami ni Proffesor Lagdamua. Huh? "Wheres Miss Fierro?" tanong niya sa amin ni Andra.
Bat niya hinahanap si Andra? Di niya ba kausap kanina? "Di po ba pumunta sa inyo, Prof.? Kakaalis lang po." Sabi ni Andra. Tumango lamang si Prof. at umalis na.
Nagkatinginan kami ni Andra at sabay nagkibit-balikat.
NAKAUWI na ko sa bahay at ngayon ay nakatunganga ako sa desk sa kuwarto ko. Maya-maya ay may nagchat sa akin sa messenger.
Penter: Can't sleep?
You: Yeah.
Penter: Same.
You: Ikaw di ka pa matutulog?
Penter: Not yet unless you hear this.
Penter sent a Linked Attachment.
Nahiga ako sa kama bago ko iyon pindutin at pakinggan. Renèe Dominique Leavin' On a Jetplane.
All My Bags Are Packed And Ready To Go
Im Standing Here Outside Your Door
I hate to wake you up to say goodbye
The dawn is breakin
Its early morn'
The taxis waitin
He's blowing his hornOnti-onti akong inantok habang pinakikinggan ang napakagandang musika sa tenga. What a beautiful song for a couple.
Cause im leaving on a jetplane
Dont know when i'll be back again.
Oh babe, i hate to goTuluyan na kong nilamon nang antok dahil sa kantang nakakakalma. Pero mayroong isang tanong sa aking isip. Paano kaya kung mangyari ang nasa lyrics? Aalis ang lalaki. Onti onting sumara ang talukap nang aking mata.