Chapter Fourteen

23 3 5
                                    

Angelique and Penter on the side (Gawa yan ni Cess App nigamit niya) kekekek

~~~~~
Chapter Fourteen

"I'm very sorry Angelique, Please forgive me." Ayenne said pleading. Tumikhim si Penter at nagpaalam na mag-babanyo lang. "Maupo ka.." Iwas mata kong sabi. Naupo naman siya pero nakatingin lamang siya sa pinag-kainan.

"Are you okay?" Mahinhin kong tanong. "Im very sorry, Angelique. Theres a reason why kung bakit ako nag-kaganon, Di ko pa masasabi kung ano. Maybe pag maayos na ang lahat."

Lumamlam ang mga mata niya at tumayo na para umalis. Natameme lamang ako din tila naguguluhan. Saktong lumabas na din si Penter at lumapit sa'kin.

"Are you alright?" Di ako nakasagaot kaya kinuha niya na ang mga gamit namin at inaya akong umalis. "T-teka yung bayad!" Di pa namin nababayaran! "Dont worry my brother owns that." He chuckled. Nakalma naman ako dun.

Ang yaman pala nila? Pa-libre kay ako araw-araw. Pinag-buksan ako ni Penter ng pinto tsaka siya umikot pa-sakay sa driver's seat.
Tinignan ko ang oras '7:48 PM', Umoonti na ang mga sasakyan.

"Mag-eeight na short cut na lang tayo, May homework ka pa siguro." Nag-aalala niyang sabi.

May dalawang daanan para marating ang Condo isa ay ang short cut na wala gaanong sasakyan at ang 'long cut' naman ay ang nornal na route.

Nag-patuloy siya sa pag-mamaneho at tinahak ang daan patungo sa short cut. In-on niya ang stereo at tumugtog ang kanta ni UNIQUE na Midnight Sky, One of my favourite songs!

Everytime, In my mind
Im telling myself
Should i be?
Who will be?
The man who will hold your hand.

Whenever i close my eyes,
I can see your lovely smile.
And open it again,
And then i see, The midnight sky.

Di ko napansin na napapa-sabay na pala si Penter sa pag-kanta. He likes this song too? I think we have the same taste of music.

Wishing that i'll be,
The man you'll touch and see.
I'll give my love that can't explain.
We will be running in the rain.
And i will hold your hand.
Hold my hand.
Hmmm, Hmmm.

Tinignan namin ang isa't isa matapos kantahin ang chorus ng kanta. Imma thank Unique after this.

Natapos na ang kanta at biglang nahinto ang kotse sa gitna ng malawak na kalasada, Kami lamang ang nandito na sasakyan maliban sa mga naka-park na mukhang galing sa condominium na dalawa pang kanto bago ito mapuntahan.

"Damn it, The car broke. Wala ng gas." Lumabas si Penter at saktong paglabas niya tsaka umulan ng malakas. I will NOT thank Zeus after this.

Lumabas ako ng kotse at hinila si Penter sa silungan ng lumang tindahan. "Ipa-tila natin ang ulan pag wala pa takbuhin na lang nayin malapit na lang naman na" Tumango ito.

"Are you fine?" Nag-aalala niyang sabi. Tumango ako at naupo sa kahoy na upuan. Triny kong tawagin si ate para sunduin kami dito kaso walang sumasagot. Tulog na siguro dahil sa trabaho.

Biglang kumidlat ng malakas sabay ng malakas na hangin. Tumaas ang mga balahibo ko at namula ang pisnge dahil sa lamig. Tanging uniform lang ang suot ko at medyo basa pa ito.

Nagulat ako ng lumapit si Penter sa'kin at hinubad ang suot na sweater at ipinasuot sa'kin "Mukhang matagal pa bago tumila ang ulan. Takbuhin na lang natin akong bahala sa'yo. Sumang-ayon naman ako, Ayokong abutin ng madaling araw kaka-intay may quiz pa kami bukas.

Tumayo na ko at inayos ang sweater na may logo na 'Amsterdam' malaki ito sakin at halos masakop na nito ang palda ko. "Tara? Takbuhin na natin." Aya ko sakanya. Kitang-kita mula dito ang Condominium Building. Tumango siya. Inakbayan niya ko at tinakpan ang ulo ko gamit ang kamay niya at nagsimula na kaming tumakbo patungo sa Building. 

Nabasa ang medyas ko dahil bahagyang bumaha ang kalsada, Buti na lang required mag heels sa university.

Sa wakas  ay narating na namin ang Condominium Building may nakaukit na 'Silvestre Bldg.' Sa maliit na bilugang kahoy na naka-sabit sa itaas ng pinto. Tumigil muna kami sa harap ng entrance at pina-kalma ang sarili sa pag-takbo bago pumasok sa loob. Ni-greet kami ng guard bago magpatuloy sa elevator at pumunta sa aming floor. "Di ka pa pupunta sa unit mo?" Nagtatakang tanong ko.

"Hatid muna kita." Tumango ako bahagyang namula ng di ko namalayan na naka-akbay pa rin siya sakin. Para akong binudburan ng blush-on dahil sa sobrang pula ng pisnge ko. Gawsh ang harot mo Penter! Sana di niya makita itsura ko sa salamin ng elevator, jeez. 

"Are you alright?" Nagtataka niyang tanong. Bago pa man ako maka-sagot ay saktong bumukas na ang elevator sa 12th floor. Tsaka niya lang tinanggal ang pagkaka-akbay sakin ng marating na namin ang harap ng Unit door. Bago pa man niya pindutin ang doorbell ay nahuli ko siyang ngumiti, and my heart fluttered at his smile.

Nag-bukas na ang pinto at bumungad sa amin si ate na mukhang nagising. Biglang nanlaki ang mata niya ng makita si Penter at hinila agad siya papasok, muntik pa kong kalimutan papasukin. "Oh, Bat basang-basa kayo?" tanong ni ate samin habang binibigay ang tuyong towel samin.
"Naabutan po kami ng ulan." Sagot ni Penter. "Ganun ba? Naku, basang-basa ka. Wala kaming extra t-shirt eh." Kakamot-kamot na sabi ni ate. "Okay lang po, Uuwi na lang po ako sa unit ko. Sige po. Alis na po ako, Salamat!"  Paalam ni Penter sa'min bago pa man niya isara ang pinto ay kumindat siya sa'kin. Nevermind, Thanks Zeus.

Chasing Winds #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon