Chapter One
Nagising ako sa tumatahol na si Peanut, Butter, At si Jelly. My three dogs! Shiba Inu ang kanilang lahi na regalo nang Lola ko. Tumungo na ko sa banyo at naghanda para sa school.
Pagkatapos maghanda ay pumunta na kong Kusina slash Dining area slash! Living room na may malaking Computer. Maliit lang kasi ang bahay namin at kasiya sa limang tao. may dalawang palapag din ito.
Nadatnan ko si Mama na naghahanda na nang almusal. Suot ko na ang aking unipormeng asul na may tatak na 'Realstone University' Scholar lang ako. Im just typical. Long Wavy Hair with half ponytail. Bronze glasses, and sunflower bracelet.
Kumain na ko nang Scrambled egg at Fried rice."Nak, pagkakain mo gisingin mo na Ate at Kuya mo at malalate na sila sa trabaho." Tumango ako rito at inubos na ang pagkain. "Saka nga pala! Lilipat na sa sabado Ate mo hatid natin siya ah!" Masiglang pahabol pa ni Mama. "Sige, po!" Sagot ko at kinuha ko na ang Yellow Backpack ko at ginising na ang ate ko. Naliligo na si Kuya kaya't di ko na ito kailangang gisingin.
May ari si Papa nang maliit na Repair shop para sa mga iba't ibang makina. May ari naman si Mama nang Sari-Sari Store. Sakto lang pamumuhay namin si ate ay may trabaho na Game Producer habang si kuya naman ay Computer Management. Nagsisimula pa lamang sila.
Umalis na ko at sumakay na ng LRT papuntang University. Tirik na ang araw at siksikan kami sa tren. Di kalaunan ay narating ko na ang University ko.
Nakita ko ang dalawa kong best friend na kumakain nanaman nang Taho sa tapat nang gate. "Hoy Ayenne at Elandra! Di niyo ko inintay!" Ngumuso ako dahil kadalasan ay nauuna silang kumain sa akin.
"Eeh! Si Andra kasi di daw nag almusal kaya heto. Hehe peace na!" paliwanag ni YenYen sakin. "Fine! basta pakopya nang homework sa Physics? Pwease!" Pinungay ko ang mata ko. "Ulol! Sumbong kita kay tita Yunis diyan!"
Naglakad na kami papunta sa Campus at pumunta na kami ni Andra sa classroom. Magkaklase kami ni Andra dahil parehas kami nang course. Habang naglalakad kami ay puro kalokohan naman ang sinasabi ni Andra.
"Ange, Bakit umiikot ang orasan?"
"Bakit?"
"Kasi bilog ito." Tumawa siya nang napakalakas at pinagtitinginan na kami nang mga tao kaya't kinaladkad ko ito patungong classroom.
Hapon na nang matapos na ang mga klase namin."Huy! Mamaya Samgyup tayo!" Yaya sa amin ni Ayenne matapos ang mahabang araw. "May quiz kami bukas eh. Friday nalang?" tanggi ni Andra. Um-oo nalang kami at pumunta na sa nga nakahilerang street foods malapit sa labas nang University.
"Ange, Ano sayo? Sa'kin fishball eh" Pinakita sa'kin ni Andra yung plastic cup na hawak niya na may lamang fishball. "Share mo lang, Andra kain na tayo uy!" Saway ni YenYen dahil malikot ito.
"Tengene!" Iinom sana ako nang palamig nang may bumunggo sa balikat ko kaya natapon ito sa uniform at nasamid ako. Nabitawan ko yung cup na hawak ko at sinimulang punasan yung bandang dibdib.
Tinignang ko yung lalaking nakabunggo sa akin. "Gurl, Okay ka lang?" tanong sakin nang kaibigan ko.
"Uh, Sorry miss nagmamadali kasi yung bro ko. Ah! Takpan mo pala dibdib mo kita kasi.." Sabi niya pero kay Ayenne nakatingin. Pinitik siya sa noo nang kaibigan niya na nakabangga sa akin. Hinubad niya yung suot niyang Adidas na jacket at nilahad sa akin.Padabog ko iyong kinuha at sinuot. "Wow attitude?" bulong niya pero narinig ko naman. Inirapan ko siya at nagpaalam na sa mga kaibigan ko.
UMUWI ako nang malagkit. Naligo kaagad ako sa banyo at nagpalit. Lumabas ako para maghapunan at nadatnan ko si Papa na kakatapos lang din kumain. "Himala, naligo ka ah?" ani ni Papa. "Kaya nga. Anyare 'Nak?" sabat ni mama. "Wala lang po. Natapunan lang po ako ng palamig." sagot ko.
Sinermonan ako ni Mama dahil dagdag labahin kuno daw at bakit di daw ako nag-ingat.
Pinakain ko na ang mga aso ko at sinimulang gawin ang assignments. Haaay, May quiz pa pala bukas! Nagmadali akong kunin yung mga notes ko sa bag at nagsimulang magreview. Unti-Unting sumasara ang nga talukap nang mata ko.