Chapter ElevenPinindot ko na ang doorbell sa condo namin ni ate. Lumabas na si ate na magulo ang buhok at mukhang kakagising pa lang.
"Alas sais pa lang ah!" Bungad sakin ni ate. Pumasok na lamang ako sa loob at naupo sa dining table.
Lumapit si ate sa lalagyanan ng mga pagkain at naghanap ng puwedeng i-almusal. "Ba't ang aga mo?" Nayayamot na reklamo niya. "May tinapos akong models ng game eh!" Patuloy niya sa pag-rereklamo.
"Sabi ko kay mama gisingin ako ng eight o'clock five ako ginising." Medyo nayayamot ko ding sabi. I looked down at my self. Im obly wearing high waisted pants, and yellow longsleeves shirt. Di na ko nakapag-ayos ng maayos dahil minadali ako ni mama.
"Ganun? Anyways, Ikaw na magluto ng scrambled eggs, Inaantok pa ko." Bumalik siya sa kaniyang kuwarto na tinatamad. Yikes. Looks like i gotta cook this early. Buti na lang lagi akong guton kaya makakaluto ako ng maramihan.
Nagluto ako ng simpleng Fried rice Egg-Omelette, with matching Hot americano coffee. Umupo na ko sa sofa at nag-browse sa twitter. I saw some fights and some celebrity issues.
Inubos ko na ang pagkain at nagligpit. Nag-shower na din ako tumungo sa kuwarto para matulog, When someone chatted me on messenger.
Penter: Where are you?
Me: Condo?
Penter: Im currently not on that building, Next week pa ko uuwi.
Ita-type ko sana ay 'sml' kaso wag na baka masungitan ako.
Me: k.
Penter: Send pic
Me: no, and of what?
What is he talking about? Inaantok na ko.
Penter: Yourself.
Napasigh na lang ako dahil gusto ko ng matulog. Umupo ako at pinatong ang mukha ko sa tuhod, I blowed my cheeks and took a picture of myself.
Me: You sent a picture.
Penter is typing...
Di ko na nakita ang kaniyang chi-nat dahil tuluyan na kong nakatulog.
"Ange!" gising sakin ni ate. "Anoo?" tamad kong sagot. "Tulungan mo kong mag-grocery!" Sabi niya sakin. "Kaya mo na yaaan"
"Ayoko, dali na para sasamahan mo lang!" Sigaw niya sakin. Bumangon na ko at naghilamos habang naghihintay si ate sa sala. Uminom lang ako ng isang basong gatas bago niyaya si Ate
Lumabas na kami ng building at tumungo sa malapit na grocery store.
"Gusto mo bang mag part-time job?" biglaang tanong ni ate habang kumukuhaa ng cart.
"Yes? Puwede naman para di na mahirapan sina mama." Sagot ko.
"The cafe on the ground level of our condo is hiring. Bat di ka mag-try?""Try ko, Sige." Sagot ko. Kailangan ko din naman magtrabaho para dina mahirapan sina ate, mama, papa, kuya para sa akin. Para kahit papano ay ako na gumastos ng pang araw-araw ko.
Tumango na si ate at namili ng pasta product. "Sabi mo uuwi boyfriend mo sa condo?" tanong ko sakaniya dahil minsan niya ng nabanggit na mas una itong uuwi kesa sa akin.
"Its a prank lang yun. Wala akong boyfriend, Sinabi ko lang para masolo ko ng isang linggo ang maliit na condo." Sagot niya sakin. Napatango-tango na lang ako dahil namimili ako ng chocolates.
"Wag na muna bumili ng ganiyan, May babayaran pa ko sa kuryente nina mama pati sa condo." Suway niya sakin ng nakita akong namimili ng tsokolate. Napasimangot na lang ako at binalik sa shelf ang tsokolate.
"Etong 'Hello' na lang mura pa." Suggest niya sakin. Kinuha ko iyon at nilagay sa cart para kahit mura ang namili ko ay mapapakinabangan pa din.
"Tara bayaran na natin toh kasya naman ata sa isang buwan." Yaya niua sakin sumunod naman ako at pumila na. "Hala! Toothpaste pala nakalimutan ko! Teka, diyan ka muna at hahanapin ko pa." Umalis na si ate at iniwan akong mag-isa sa maiksing pila.
Limang minuto na ang nakalipas at ako na ang susunod nang di pa si Ate nakakabalik. Asan na ba yun? Wala sa akin yung pambayad! Kinabahan na ko ng pinatunog na ng kahera ang mga pinamili namin.
"Miss, 3,589 po lahat." Sabi ng kahera sa'kin. Hala, wala pa si ate anong gagawin ko. Nahalata ng kahera na parang wala akong pambayad kaya napasimangot ito.
"I insist." Sabi ng isang lalaki sa likod ko. Who the fuc- Wait, Si Penter ba toh?! Gosh! Saved by the bell- Pero nakakahiya naman!
"Huh?! uhh, Penter wag na! Hehe, Kahiya naman umalis l-lang saglit si ate. Babalik din yun!" Pagpupumilit ko. Umiling naman siya kaagad at naglabas ng credit card sa pitaka.
"Hala, Si ate ghorl. Hiya ka pa! Andami ng nakapila oh!" Sabi ng kahera. Lumingon naman ako at napansing puro babae ang nakapila at parang ang habol ay si Penter.
"S-sige." Napilitan kong sagot. Babayaran din naman ata ni ate pagkabalik diba?! Binayaran na ni Penter ang groceries. At saktong dumating si ate kasama ang mga pinamili na hindi lang toothpaste kundi puro hygiene.
"Ate! Eto pa po!" Masayang wika ni ate nang di namamalayan na may iba ng nagbayad. "A-ate binayaran nito yung groceries natin" Tinuro ko si Penter na parang nagsusumbong.
"Huh sino?- Oh, Hala! Ah-eh-"
"Okay lang po, Ayos lang po yun. Maliit na bagay." Nahihiyang sabi ni Penter habang natataranta niyang sabi. Napakagat ako ng hinlalaki ko ng nakatingin samin ang mga nakapila at mukhang naiinip na.
"Ate, Ilibre na lang natin sa lunch o kaya ipagluto. Naiinip na yung nakapila!" Bulong ko kay ate.
"Hala, Sige. Kilala mo ba yan?" tanong pabalik sakin ni ate. Tumango ako at hinila na palabas ng pila ang dalawa. "Uh Penter, Bilang pagbawi puwede ka bang sumama samin sa Lunch?" Tanong ko sakaniya. "Oh uh, Yeah sure sige." Nakabalik ba siya sa tamang huwisyo at tumango.
"Ate saan tayo kakain?" Bulong ko kay ate. "Uh doon na lang." Turo ni ate sa isang fine dining restaurant. Mura lang dito dahil kakabukas pa lang.
Umupo na kami sa bakanteng upuan at nag-order. "Uh yung mura na lang po." Sabi ni Penter ng tinanong na siya ni ate kung ano ang order niya.
"Kaano-ano mo tong si Gel?" tanong ni ate kay Penter habang nag-aantay ng order. "Uh, Kaibigan lang ate." Ako na ang sumagot dahil baka kung ano pa ang isagot ni Penter.
Napa 'O' naman si ate don at dumating na ang order. Nagkuwentuhan sila don habang nakangisi ng nakakaloko si ate pag tuwing sumusulyap sa'kin si Penter.
"Ahh, Kakabasa niya ng horror novels ayan lumabo mata." Sagot ni Ate kay Penter ng di ko namamalayan na napunta sakin ang usapan. Dahil nakatutok lang ako sa pagkain. Luh.
Natapos na kaming kumain at dumating na ang bill. "1,764 po lahat." Sabi ng babaeng waiter habang nagpapa-cute kay Penter. Naglabas si ate ng pera pero naunahan na siya ni Penter. Napa 'O' ulit si ate at nginitian lang kami ni Penter.
Nakauwi na kami ni ate sa condo na dapat ihahatid kami ni Penter kaso tinanggihan na namin dahil masyado na kaming nakakaabala.
Napasulyap ako kay ate na nakangisi ng nakakaloko sakin habang inaayos ang grocery. Napangiwi ako doon. Creepy. Nag-patuloy na lang ako sa pagluluto at kumain na kami.
