Chapter Six

14 4 1
                                    

Chapter six

Minulat ko ang mata ko nang nakita ko ang phone kong lowbattery na. Nagpatugtog pala ako kagabi kaya nalowbat. Chinarge ko nalang ito at nagunat na.

Nakadantay sakin si Peanut habang si Jelly at Butter ay naglalaro na sa lapag. Pumunta ako sa banyo at ginawa ang morning routines ko. Ang gaan ng pakiramdam ko pagkagising. Lumabas na ko sa banyo nang nakauniform na pero di pa nakasuot nang blue blazer.

"Ma, Alis na po ako. Sa school na lang po ako mag-aalmusal." Paalam ko kay mama. "O, sige. Mag-ingat ka!"
Umalis na ko nang bahay at pumunta na sa University.

Mabuti na lang at maaga akong nagising dahil may research pa ko kasama ang mga ka group ko. Narating ko na ang university at naabutan ko si Ayenne na mukhang kakarating lang sa tambayan namin.

"Hoy, Ange! Bat ang aga mo?"

"May research pa kami." sagot ko.

"Ahh-"
 
"Hep! May di ka pa sinasabi sa'min ni Andra oy!" Pagputol ko sakaniya. Namula si Ayenne at umiwas nang tingin. "S-si Percy ba? Uh, Childhood best friend ko lang iyon."

"Ahh, Sinundo galing sa school? Ahh, lukot yung sleeves halatang may humila! O baka dalawa ang naghila? Hmm." Childhood best friend niya pala yun? Ngayon lang nagkita ganun?

"Antagal naman ni Andra!" Pagiiba niya ng usapan. Nakita ko si Elandra sa likod ni Ayenne. Di niya ata napansin si Andra. Nagtama ang tingin namin ni Andra. Mukhang may pinaplano toh ah?

"Fine! Sige na, eto na! Wag mo sabihin kay Andra ah? Si Sir Payton kasi or slash Proffesor Lagdamua kasi kapatid ni Percy! Tapos sabi niya iwasan ko daw si Percy eh di naman kami nagkikita! Kainis." Pagkukuwento niya nang di nalalaman na nasa likod niya lang si Andra.

"Bat kailangan itago sa akin?! Andaya niyo ah!" Sumimangot si Andra na halatang malapit nang magtampo.
"Oh, bat ako nadamay? Si YenYen lang yun!"

"Ah-eh-- Kasi! Di mo ba pinsan si Percy?! Magkaparehas kayo nang apilyedo eh!" tanong ni YenYen kay Andra. Tumayo na ko at pumasok na sa school dahil late na pala ako sa research namin. Bahala sila magtalo diyan mehehe.

KAKATAPOS lang namin mag research sa library nang sabayan ako ni Gavin. Kagrupo ko. "Woy, Angelique!" Pangungulit niya nanaman sa akin. Kanina pa toh ah!

"Ano nanaman?!"

"Tsk, Sunget."

"Wala naman palang sasabihin eh."

"Luh"

Lumakad na lang ako papalayo at pumunta na sa first class. Naabutan ko doon si Andra na may kachat na kung sino sa phone. Sinilip ko ito nang di niya napapansin.

'Crush;>'

Ay, hala. "Woy sino yan?! Ikaw ah may tinatago ka din samin ah!"

"Hala si Angelique! Woooy basta hala wag mo sabihin kay Aye-"

"Class, get back to your seats." Dating ng Prof. namin.

NAGLALAKAD kami ngayon ni Andra papunta sa Green Hall. Di pa dumadating si Ayenne dahil mas nauna ang time namin sa kaniya nang five minutes.

"Ano na nga kasi yun Andraaa?!" Pangungulit ko sa kaniya. "Iiiih Basta!"

May nagmessage sa phone kaya tinignan ko iyon.

Penter: Hows sleep?

You: Oks lang.

Penter: Did you liked the song?

You: Yeah.

Penter: Sorry, if the cover was by a girl. too gayish.

You: k lang.
Seen 3:48 PM

"Oh, ayan sino yang kachat mo? Ha?! Sumbong kita kay Tita Yunis. Hala ka!"

"No, Alam niya na- Este basta! balakajan."  pagtatangi ko.

"Ay, hala! Alis na ako ah! May dinner pa kami nina Mommy sa tagaytay! Paalam mo ko kay Ayenne!" Pagmamadali niyang sabi. Looks like im alone now.

Naupo na lang ako sa bench na nakaaplibot sa isang malaking pino sa gitna nang malawak na hall. Nagvibrate ang phone ko senyales na may tumatawag.

YenYen Calling...

Sinagot ko ang tawag.

"Hoy Ange? May pupuntahan pa pala ako. Sorry ah!" Sabi niya sa kabilang linya.

"Okay lang. Umalis din si Andra eh. Punta nalang akong mall pampalipas oras. Hehe." Sabi ko.

"Ganon? Sige try kong bilisan puntahan nalang kita don." Binaba niya na ang tawag kaya wala na lang akong magawa kundi maghintay kay Ayenne sa mall.

***

Short update! Kahit lagi namang short! Hehe peaceee. Enjoy! ;>>

Chasing Winds #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon