Chapter Seven
Kinain ko ang natitirang friessa maliit na bucket nang matanaw ko si Ayenne. Kumaway ako sa kaniya at nakita niya naman ako.
Sayang wala si Elandra. "Kanina ka pa? Sorry ah! Sinundo ko lang yung pamangkin ko sa school niya eh." Pagpapaliwanag niya.
"Okay lang! May dinner daw si Andra mamaya eh malayo daw biyahe." Sabi ko sa kaniya. Tumango lamang siya at nag-order din ng fries. "Ang boring wala tayong matopic!"
"Kaya nga eh." Sagot ko nalang.
"Speaking of topic. Si Penter ba iyon? Sana di niya kasama si Percy!" May binulong siya sa dulo pero di ko narinig. Tumingin ako sa likod at nakita ko nga si Penter na papalapit dito sa binilhan namin ng fries.
"Ayy." Nagawa niya dito?
Nagtama ang paningin namin pero ako unang umiwas ng tingin. "Yen, Tara sa bahay na lang tayo? Or uwi na tayo? May assignment pa ko!" Pagyaya ko sa kaniya. "Huh? Sige" Tumayo naman siya kaagad at kinuha ang bag niya.
Lalabas na sana kami nang bilihan ng french fries nang may humila sa bag ko. "Angelique."
"B-bakit?" Bat ba ko nauutal?
"May alam ka bang bilihan nang recipe book?" Tanong niya. Recipe book? Aanhin niya yun?
"If you're curious on why im asking. HRM course ko." Sabi niya sa akin. Share mo lang? Jok halos parehas kami. "Ahh, Ganun ba? May malapit na bookstore diyan. Don't tell me di mo pa napuntahan?!" Napahawak na lang siya sa kaniyang batok at napaiwas ng tingin.
Hinila ko ang kamay niya papalabas ng kainan. "Woy! Antayin niyo ko! Luh si Ange!" Tatakbo takbong sabi ni YenYen. Halos sumubsob naman si Penter sa pagkakahila ko dahil matangkad ako habang ako ay petite.
Hinilako siya papunta sa isang bookstore at dinala sa Cooking Section. "Heto. Baka mawala ka pa habang naghahanap." Sarkastiko kong sabi. "Thanks." Tipid niyang sagot bago pumili ng bibilhin.
Nakitingin nalang ako sa section na toh dahil tapos ko nang basahin ang lahat ng libro kong pangluto doon. Im planning on starting a cafe after college.
Nakapili na ko nang bibilhin at binayaran na sa may counter. Nakita ko si YenYen na tumitingin sa Med books.
Lumabas na kami ni YenYen sa bookstore. "Asan na si Penter?" Tanong ko kay YenYen ng di ko ito mahagilap. "Malay ko. Di ba kayo magkasama?" tanong niya pabalik.
"Di nagpaalam amputsa" Banas kong sagot. "Yaan mo na. Tara uwi na tayo sakit na nang likod ko." Tumango na lamang ako at lumabas na kami sa mall.
NADATNAN ko si mama na may kausap sa cellphone niya. "Sige po Madam! Idedeliver na lang po diyan ng kakilala ko po!.. Sige Po! Thank You!" binaba na ni mama ang phone at nagpatuloy sa pagluluto.
"Oh nak, Nandito ka na pala. Sandali at malapit na tong ulam natin."
"Sino po pala kausap niyo?" tanong ko kay Mama. "Ah, Si Mrs. Silvestre. Customer ko nak." Tumango na lamang ako at umakyat na sa kuwarto. Silvestre? Familliar ah.
Nagpalit na lamang ako nang pantulog at ginawa ang assignments para kakain na lang ako at matutulog na.
"Nak! Andito na Papa mo! Kumain na tayo!" Tawag sa akin ni Mama. Niligpit ko na ang mga gamit ko at bumaba na.
Kumain na kami ng hapunan at naghugas na ako ng pinggan. Tumungo na ako sa kuwarto at humiga.
Di ako makatulog kaya kinuha ko na ang phone ko nang saktong may nagchat.
Penter: Im reading it rn.
Penter sent a photo.
Sinend niya ang picture ang ng libro na kaniyang binili kanina.
You: owws ok. Di ka nagpaalam kanina -,-
Penter: Sorry hehe.
You: oks lang bye! gn.
Pinatay ko na ang phone at sinubukang matulog pero di pa rin ako makatulog kaya't nagpatugtog ako ng dating sinend sakin ni Penter. Im Leaving On A Jetplane cover by Renèe Dominique. Bago ako makatulog.
Oh, Im leavin' on a jetplane.
Don't Know when i'll be back again.
Oh babe, I hate to go.
![](https://img.wattpad.com/cover/224950776-288-k604294.jpg)