Chapter Eight
"Angeeee!" Nilingon ko si Ayenne na papalapit sa akin na may hawak na invitation sa kaliwang kamay. "Oh? Ano yan?"
"Iniinvite ako ni Percy sa birthday niya! Sama kayo, Please! Pede naman ata kayo kasama eh." Pagyaya niya sa akin. "Sige! Game ako diyan." Pagsulpot bigla ni Andra.
"Sige? Try kong maghalungkat sa aparador ko kung may maisusuot ako tsk. Saan ba? Formal ba or Naka Civillian?" Tanong ko sa kaniya. "Sa bar..-Basta! Sabi niya susunduin niya daw tayo.. Kita nalang daw tayo sa may tapat ng Jabee." Sabi ni YenYen. Jabee ang tawag niya sa may Jollibee psh.
"Okay, Pero.. Ipaalam mo ko kay Mama?" Nahihiya kong sabi. "Opkors. Lagi naman eh." Sabi niya. Bat parang excited na excited siya?
"Me? Di ko ka kailangang magpaalam hihi." Hagikgik ni Andra. May pagkaspoiled kasi ang bruha.
"Oh tara na Ange. Punta na tayo sainyo, Para maipaalam kita kay Tita."
Tumango ako sa kaniya at nagpaalam na kay Elandra na tinanguan lang kami dahil may ka-chat sa phone."Oh, Ayenne napadaan ka?" bungad sa amin ni mama. "Ah- Magandang hapon ho." Ngiti ni YenYen kay mama.
"Heto at magmiryenda na kayo.""Ano nga pala sadya mo rito aber?" Tanong ni mama kay YenYen. "Ipapaalam ko po sana si Angelique mamaya sa party ng friend ko po mamaya sa bar. If puwede?" Paalam ni YenYen kay mama.
"Ganun ba? O sige, basta ba sa isang kundisyon?" Tumango naman si Ayenne at may binulong sakaniya si Mama.
"Bye, Ange! Mamaya sa Jabee ah!?" Pagpapaalam ni Ayenne sa tapat ng gate namin. Kinawayan ko siya at sinarado na ang gate namin.
Ano kaya susuotin ko mamaya? Pumunta ako sa aparador ko at naghalungkat. May nahagilap akong white Denim Jacket, Yellow oversized tee at simpleng Mom Jeans. Okay na siguro toh? Partneran ko na lang ng white sneakers at i-half bun ko na lang yung buhok ko.
NAKITA ko si Ayenne suot ang Peach shirt at denim skirt. Wala pa si Andra?
"Yo, Ange. Papunta na daw si Andra. Pati daw yung susundo sa'tin na si Pent-""Hey guys!" Sulpot bigla ni Andra. Ang suot niya ay isang lacey longsleeved red dress. "Andiyan ka na pala!" Sambit ni YenYen. "Duuh! Anyways sundo natin ba yun?" Turo ni Andra sa kotseng nasa harap na pala namin. BMW yun.
"Guys, kayo nalang sa shotgun seat? Nahihilo ako dun eh." Reklamo ni Ayenne. "Ako din di ako sanay dun. Ikaw nalang Ange?"
"Alright, sige." Di na ko nagreklamo at naglakad na papalapit sa shotgun seat. Binuksan ko na yung pinto pero naisara ko ulit ng malakas. Sh*t! Maling kotse ata. Sino yung naghahalikan dun?!
"Ange?! Nagawamue diyan?! Dito, tungeks." Sigaw sa akin ni Ayenne sa katabing kotse. Tumakbo na ko agad dun dahil baka habulin ako ng nasa loob. "Bat parang nakakita kng multo, Ange?" Umiling na lamang ako sa tanong ni Andra sa akin. Sumakay na lamang ako sa shotgun seat at tumitig sa labas ng bintana. Binalewala ko na lang ang kung sino mang katabi ko ngayon.
"Seatbelt, Missy." Napalingon ako sa katabi kong lalaki nang lumapet siya sa akin at inayos yung seatbelt ko. It's Penter!
"Ehem. PDA." Saad ni Andra sa amin nang nagkatitigan pala kami ng matagal. Napa-iwas kaming dalawa ng tingin at nagpatuloy na lamang siya sa pagda-drive.
Siya pala magsusundo sa'min?!
NAKARATING na kami sa isang bar na private at dito magpapakasaya. Naabutan namin si Percy na may kausap sa table ng kakilala niya at nakikipag-tawanan. "Happy birthday, Percy." Bati ko sakaniya. Umiwas ako ng tingin dahil nalimutan kong bumili ng regalo.
"Hey! Nakarating kayo. Thanks anyways."
Lumapit siya sa akin at bumulong sa akin. "Wheres Ayenne?"Napangisi ako. Nginuso ko sakaniya yung table namin. Lumapit na din ako sa table namin at natabi kay Penter na nakakunot ang noong nakatingin sa amin. Habang naka-akbay sa upuan. Yun nalang ang merong space.
"What were the two of you talking about?" Napakunot ang noo ko ng bumulong siya puno ng aking tebga.
"Someone?""Someone, Huh?" Sarkastiko niyang sabi. Hala galit si ser. "Do you care po ba?" Napairap ako.
"Hell yeah, Babe." Pabulong niyang sabi pero narinig ko pa din.