Author's Note
Hello! Uh ang istoryang ito ay pawang
imahinasyon lamang at wala itong
katotohanan! Ang iba ay inspirasyon lamang! Ang istoryang ito ay hindi pa
tapos kaya't suportahan ninyo ako tungo sa daloy nang kuwento! Also, This is unedited so tiisin niyo po ang iilang typos at grammatical error and such dahil phone lang po ang gamit ko! Also don't expect too much on this story cuz' this is my first! Enjoooy!-Angel
Prologue
"Hello, Ange! Ano na? Andami mo nang customer dito! Late ka na girl!"
"Hello Ayenne! Uh pasensiya na ah! Bagong bukas ko pa lang kasi nung nakaraang buwan eh puwede pabantay muna? Wala ka pa namang pasiyente noh?"
"Fine bilisan mo!" Binaba ko na ang linya at nagsimulang pumunta elevator. Pumunta ako sa carpark at sumakay sa Charcoal Black na SUV ko.
NAKARATING na din ako nang Cafè ko na pangalang 'Girasol Cafè' yung ate ko nagpangalan niyan. Ewan ko ba parang ang jeje? Ay, Basta! Atleast may negosyo! Duh.
Pumasok na ko sa staff room at sinuot ang Brown apron. Nakabun na ang buhok ko. Messy bun. Pinapasok ko na ang customer kasabay non ay ang iba kong crew. Nagsimula na kaming mag-assist.
Sa first hour nang cafe ay tumutulong ako sa Kitchen. Pagkatapos ay pupunta akong stockroom para mag organize tsaka didiretso sa office.
"Angelique! One Oreo Parfait please!" Sigaw nung nasa cashier. Angelique ang tawag nila sa akin dahil ayoko nang masyadong pormal. Tinawag ko na ang pangalan nang nag-order nang Parfait. "Percy?!" lumapit sa akin ang pamilyar na lalaki sa aking harapan.
"Oh, Angelique! Wow, lumevel up ah!"
"Tsk! Eto oh!"
"Ay, sunget pa din. Musta si YenYen?"
Tinuro ko kung nasaan si Ayenne na nagtatago gamit ang magazine na baliktad. napa 'o' naman si Percy at nagsimulang humarot. Pero bago siya umalis ay may binigay siya sa aking calling card pero di sakanya nakapangalan.
'Corbyn Penter Silvestre' Gagu! Napasimangot ako bigla nang makita ang pangalan niya.
You Received a Message from:
Ayenne Maldita :>Hoy Walangya ka! Traydor huhu.
You Sent a text to:
Ayenne Maldita :>Tungeks. Balakajan libre nalang kita mamaya nang cheesecake hihi peace! May chika ako.
Nialagay ko na lang ang card sa wallet at nagtrabaho na muli.
Alas-Otso ko sinara ang Cafe at nagsimula ng pumunta sa clinic ni Ayenne. "Girl! You're here na!" tili ni Elandra na kanina pa pala nandito.
"Woi! Ano chika? Dali! Sige ka magtatampo ako!" pagmamadali ni Ayenne na sabik sabik marinig ang kahit anong kwento. Lalo na si Andra.
Ilalahad ko sana ang calling card ni Penter nang mag kumuha nito. Multo?!! Nakatingin lang ako sa kamay ko at di lumingon habang ang dalawang kaibigan ko ay halos lumuwa ang mata sa pagkalaki nang kanilang mata. Multo nga!
Unti-unti akong lumingon at nakita siya. "Shuta.." ani ko sakaniya na nakangiti lamang. "Im back?" Sabi niya nang nakabukas ang dalawang braso na gustong magpayakap.
Naguunahan ang mga luha ko at nagsimulang humakbang papalapit sakaniya. Umatras naman si tanga. Ang ngiti niya ay parang natatae na. Nakakunot ang noo ko habang umiiyak.
"Bat ang tagal mo? Akala ko nakahanap ka na nang iba eh! S-sabi ni tita Alaina!" nanlambot na ako at napayakap nalang sakaniya habang ang mga kaibigan ko ay kumakain na nang popcorn habang nakatingin sa amin.
"Tsk trip trip lang iyon ni Mama. Im here. Don't you miss me?" Yinakap niya ko pabalik at hinaplos ang buhok ko. Nagtama ang tingin namin at hinalikan niya ang noo ko.
"YenYen bebs?- Ay SPG!"
"Shuta ka Percy!" sigaw ni Ayenne at hinatak papalabas.