Chapter Ten

17 4 2
                                    

Chapter Ten

"Angelique! Gumiaing kang bata ka!" Sigaw ni mama sa akin. "'Naantok pa po ako."

"Malalate ka na! Hala ka, sige yan inom pa!" Pag-sermon sa akin mama. "Sinukahan mo pa nga si Penter! Hala, sige! Pumasok ka na sa school!"

"Sakit ng ulo ko.."

"Kaya nga! Maligo ka ng malamig at ihahanda kita ng sabaw!" Umalis na si mama at tumayo naman ako para di na ko tuluyang ma-late. Gaahd! Ansakit talaga ng ulo ko! F*ck hangovers-Wait..

Sinukahan ko s-si Penter kagabi?! Lagot.. Tumakbo na ko kaagad sa banyo at naligo. Di ko na natali ang alon alon kong buhok dahil sa pagmamadali. "Oh, heto sabaw higop ka muna 'nak."

Humigop na ko ng sabaw at nagsuot na ng sapatos. Tuluyan ko ng inubos ang sabaw at nakaginhawa din sa pakiramdam. "Eto pala yung t-shirt ni Penter. Ibalik mo yan sakaniya at maghingi ka ng sorry dahil sinukahana mo siyang bata ka!" Sermon niya uli sa akin.

Kinuha ko na ang paper bag at nagpaalam na kay mama.

DI gaanong maskit ang ulo ko ng nakadating ako sa school ngunit pumipintig pa din ito. Nadatnan ko si Elandra na parang zombie maglakad. "Hoy andra!" tawag ko sakaniya.

"Uy.. Si YenYen?"tanong niya sa akin. Lasing pa ba toh? I think so. "Uh.. Wala pa at-"

"Ange! YenYen! Gosh! Ansakit ng ulo ko!" Hihingal hingal niyang sabi sa amin. Tumakbo ba naman dito. Napalingon siya kay Elandra na gulo gulo ang buhok at parang lasing pa.

"Nyare diyan?" Bulong sakin ni Ayenne. "Lasing pa ata.. Lagot ako kay proffesor nito! Dalhin muna natin sa clinic kaya? Madami ba tong ininum kagabi?" Tanong ko sakaniya.

"Malay ko! Sumasayaw lang ako kagabi bigla ng nawala. Tara dalhin na nga natin hihingi din ako ng gamot sakit pa din ng ulo ko!" Pagrereklamo niya. Tumango ako sakaniya at nagpatulong umalalay kay Andra.

"What happened to Ms. Shean?" tanong ng nurse sa'min pagdating sa clinic. "Umm.. Lasing pa po ata si Andra p-puwede po bang dito muna siya?" Paalam ni YenYen na nag-aalinlangan.

"Susmiyong bata ito! Hala, sige pahigain niyo muna at akong bahala sakaniya." utos niya samin. Sinunod naman namin siya habang kumukuha siya ng tubig.

"Puwede din po ba kaming makihingi ng gamot para sa sakit ng ulo?" Paalam uli ni YenYen. Walang suot na pulbo o mumurahing lipgloss si YenYen dahilan para makita ang features ng kaniyang mukha. She has Bronze skin, Dashing eyes, and thin pink lips. Ang kaniyang buhok ay naka-mermaid curls sa dulo na natural lamang.

"Oh, heto. Mga bata nga naman." Binigay na ng nurse sa'min ang gamot at nagpasalamat kami sakaniya. Lumabas na kami ng clinic at tumungo na sa locker room.

"Ano yang Ge?" turo niya sa paperbag na hawak ko. "Uh.. T-Shirt lang." sabi ko sakaniya. "Weh? Di nga.." Pagpupumilit niya sa akin. "Yep shirt lang toh promise! Anyways, sino nagsundo sayo kagabi and kay Andra? Anyare?" tanong ko sakaniya.

"Malay ko ba. Lasing din ata ako nun.." Sinarado niya na ang pinto ng locker at nagpaalam. Sinara ko na din ang locker ko at tumungo na building namin.

LUMIPAS na ang mahabang oras at nakatayo ako ngayon sa tapat ng building nina Ayenne para sabay naming sunduin si Andra mamaya. Kalauanan ay lumabas na siya.

"Tara na!" Yaya niya sa'kin at nauna ng naglakad.

Narating na namin ang clinic at naabutan ko si Andra na kagigiaing lang at mukhang may ka-text sa phone. Pero ang mukha niya ay parang nag-aalinlangan.

"You good Andra?" Tanong ni Ayenne. "Y-yeah!" sagot niya.

"Heres your handouts. In-excuse kita kanina. Pano ba naman pumasok ka eh lasing ka pa ng onti." Sabi ko sakaniya. "Thanks! Let's go na!" Yaya niya sa'min at naghanda na.

"Thank you nurse Jehya!" Paalam namin. Tinaguan niya lamang kami at nagpatuloy sa pagligpit. Lumabas na kami ng campus at nadatnan namin ang isang lalaking nakasandal sa kotse. Si Penter.

"Sundo mo?" Pang-aasar ni Andra.
"Di! May ibabalik lang ako." sagot ko.
Nanlaki ang mata ni Ayenne at parang  may naisip. Pero agad niya iyong binawi. Nagpaalam na muna ako sakanila at tumungo kay Penter.

Nilahad ko sakaniya ang paperbag at umiwas ng tingin. "S-sorry kagabi."

"It's fine. But..."

"But ano?"

"Bilang pagsorry sa akin. Samahan mo ko lagi mag-early dinner."


•••

Is it maiksi? Huhuhu sorry ngayon lang ako nakabawi ah! Im really sorry talaga! I hope you liked this chapter po! Hihi Smile always!

;>>>

(Thanks to my bro Princess hehe. Nawalan kasi ako ng next scene kaya tinulugan niya ko. I added a little more of scenes para di gaanong gaya ng suggestions niya. Thanks, bro!"

Chasing Winds #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon