Chapter Fifteen

22 3 5
                                        

Chapter Fifteen

Triny kong bumangon sa higaan pero nakaramdam lang ako ng sakit ng ulo kaya't pinalipas ko muna ito bago tuluyang bumangon. I feel sick, Pero papasok pa ko. I have a long quiz today. Pumunta ako sa banyo at na-ligo ng maligamgam  para di ako lamigin.

Matapos kong ma-ligo ay ginawa ko  na ang skin care ko na ako lang din gumawa para tipid. Tumungo na ko sa kusina para kumain, Naabutan ko si Ate na nag-babasa ng diyaryo. "Gising ka na pala, Mag-almusal ka na." Aya sakin ni Ate.

Tumango ako at na-upo, Nag-sandok  na ko  ng sangag at kumuha ng tortang talong. Matapos kong kumain ay niligpit ko na ito sa lababo.

"Parang ang tamlay mo?" Tanong sakin  ni ate. Lumapit siya sa'kin at hinipo ang noo ko.  "May lagnat ka, Hala  wag ka muna kaya pumasok?" Nag-aalala niyang sabi sa'kin. "'Di puwede ate, May 'quiz' kami. Lagnat lang naman toh." Pag-mamatigas ko.

"Hay  naku! Bahala  ka, Pag nalaman  ni  mama  ako malalagot eh."  Pag-mamaktol niya. Tumango na lamang ako at nag-ayos bago magpaalam.

NAKARATING ako sa university ng maaga at wala pa ang mga kaibigan ko kaya't nauna na ko sa library para mag-review. Kumuha ako ng libro para sa quiz namin pero di ako maka-concentrate ng maayos. Argh! Mababagsak ako nito!

Dahil sa pag-kairita ay sinara ko na lamang ang libro at natulog.

"Aray nurse! May galit ka ata sa talampakan ko ah! Chill ka lang, Hehe peace." Di ko mawari ang emotion ni Andra. Baliw na ata toh, Parang galit na medyo jejemon? Tsk.

Maka-tulog nga uli, sarap na ng tulog ko eh-- Nurse? Shet.. Anmeron?

Bumangon ako at nasa clinic nga ko ng school. "Luh gagawa ko here?" Tanong ko sa nurse na guwapo na mukhang pinang-gigilan ang talampakan ni Andra, Habang si Ayenne naman ay kumakain ng fudgee bar at yakult.

"Gising ka na pala Ange." Sabi ni Yenyen na  biglang sinaksak ang buong fudgee bar sa bibig na ikaningiwi ko. Okay na din ba sila ni Andra? Sana nasabi niya yung tunay na reason kay Andra kahit di ako ang mauna basta mag-kaayosbkang sila. "Di ako naka-quiz hala, Bagsak ako." Pagkagat ko sa hintuturo ko.

"Dumugo ilong mo kanina habang natutulog ka, Antaas din ng lagnat mo." Explain ni Andra na may band-age ba ang talampakan.
Tumango ako hinipo ang noo. Medyo masakit nga ang ulo ko, Barado din ilong ko.

"Haaist, Eh ikaw 'nyare sayo?" Tanong ko kay  Andra. Lampa nanaman siguro toh kaya ganyan. "Nadulas sa hagdan, Nag-ala final destination. May pakalat kalat kasi na thumbtacks, Buti na lang di na tetano." Explain ni Yenyen. Sakit 'nun uy.

"Pano ako uuwi nito?" Tanong ko.

"Wow! Pano naman ako?" Balik na tanong ni Andra. "Pasundo ka, Dami mo helpers bhie." Sagot ni Yenyen. "Tawagan ko lang si Ate, Sabihin ko baka maaga akong maka-uwi. Baka sabihin nun nag-cutting ako. Tsk." Lumabas na ko ng clinic at dinial ang phone ni ate.

"Oh?"

"Ate, Maaga akong uuwi andiyan ka?"

"Hala, Mag-oovertime pa ko eh. Sorry, Ano ba nangyari? Di ba apat major mo ngayon?" Tanong niya.

"May lagnat ako--", Bago pa man ako mag-salita ay binungangaan niya na ko. In-end call ko na lang kasi dagdag sakit sa ulo.

"Aish, Uwi na'ko. Nahihilo na talaga ako, Magca-cab na lang ako." Kinuha ko ang bag ko at nag-excuse sa professor namin. 'Buti naman ay absent ang isang terror teacher namin dahil nanganak na daw, Congrats Na lang.

Hinatid ako nina Yenyen at Andra sa tapat ng   gate ng Acad. "Bye! Ingat na lang." Paalam nila sa'kin, Nilakad ko pa ang kanto kung saan ang sakayan ng mga Taxi. Nadaanan ko pa si Penter na mukhang nag-aabang din pero pinabayaan ko na lang.
'Di sana ako mag-kakalagnat kung di pa siya nag-pa dinner dinner!

Pumara na ko ng cab bago pako mahimatay dito sa daan. Tuluyan na kong naka-idlip pagkasara ko ng pinto.

Buti na lang di ako kinidnap ni manong driver habang tulog ako. Nagising na lamang ako nung huminto na ang cab sa condo building. Nag-bayad na 'ko at kinuha na ang sukli 'tsaka na ko tumuloy sa building.

Agad akong napahilata sa maliit na couch pag-kapasok ko ng condo "Angelique?" Tawag mula sa labas ng condo. Tsk, sino nanaman 'yun? Binuksan ko na ang pintuan at tumambad sa harapan ko si Penter na may hawak na goto. Gagawa nito here?

"Ows?" Pagod kong sambit.

"Gusto mo?" Pag-iinggit sakin ni Penter sa hawak niyang pagkain. Wala pa pala akong lunch mukhang masarap yun eh, Mukhang mainit-init pa. Kukunin ko na sana ng--

"Luh, Asa ka!--Aray!" Binatukan ko nga tsaka sinaraduhan ng pinto, epal siya kamo.

"Angelique sorna! Pinadala ako dito ng ate mo may fever ka raw." Bigla na lang siyang pumasok sa loob kaya wala na kong nagawa. "Di na ko bata, Si ate talaga parang boang." Kainis, baka mas lalo lang sumakit ulo ko dito sa isang toh. Kulang ba siya sa pera kaya nag-ala babysitter siya?

"Pagod ako, dun muna ako sa kuwarto ko. Salamat." Tamad kong sabi, Dumeretso na ko sa maliit kong kuwarto pero maganda yung pagkakadisenyo ko. "Woy! Di ka man lang ba magpapalit? Ang init ng uniform niyo, Tanggalin mo naman kahit blaser mo." Dinig kong sigaw niya pagkasara ko ng pintuan.

Tuluyan na kong naka-tulog matapos kong tanggalin ang sapatos di ko na natanggal yung blaser.



NA-GISING ako sa amoy ng kape. May lagnat pala ako. Basang tuwalya ang nahawakan ko imbis na mainit kong noo, Nag-sleep walking nanaman ba ko?! Oh may tao sa bahay ko? Di naman marunong si ate mag-timple ng kape puro 3in1 lang--- Andito pala si Penter.

Ano ba toh! Ang kapal ng kumot, di pa ko nag-papalit ng damit pero wala na kong blazer na suot, Pakielamero talaga! Thanks nalang hihi.

Triny kong tumayo pero nahilo lang ako kaya nahiga na lang. "Gising ka na pala?" Pumasok siya at nag-lapag ng hot brew coffee, na may kasamang goto na minicrowave at gamot. "Andito ka pa pala?" Balik kong tanong. Di niya ko pinansin kundi sinubuan niya ko ng goto.

"Sherep."

"Huh? May sinasabi ka?" Nag-tatakang tanong ni Penter. Umiling ako at uminom ng kape, Shet ang pait mapapangiwi ka na lang. "Di yan sayo." Pinitik niya yung noo ko. "K."

Naubos ko na yung goto at naka-inom na din ako ng gamot. "Di daw makaka-uwi ate mo, may sleepover ng kaibigan nila. Uuwi na ko pag tulog ka na." Tumango ako at bumalik sa pag-tulog.

Nagising ako ng 2am, Medyo okay na ang pakiramdam ko. Nahagip ng mata ko si Penter na mahimbing na natutulog sa bean bag. Naka-on ang maliit na speakers at tumutugtog doon ang kantang 'Slow dancing in the dark' ni Joji.

[Play music on top]

Ang silbing liwanag lang ay ang fairy lights sa likod ng beanbag na inuupuan ni Penter at ang buwan na sumisilip sa bintana. Tulog na tulog ang baby? Ang himbing niya pag tulog, parang anghel.

Ang tangos ng ilong niya, yung mahahaba nyang mga pilik-mata. Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sakaniya. Kengenes.

Can't you see?
I don't wanna slow dance,
In the dark~
Dark~

Lumapit pa ko sakaniya at mas lalo siyang pinag-masdan.

Di na ko na-gulat ng biglang bumukas ang mga mata niya at binanggit ang pangalan ko.

"Angelique."






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Winds #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon