Chapter Three
Nagising ako sa mga tunog nang mga binababang bagahe mula dito sa taas. Tinignan ko ang oras. 7:48 Am. Shet di ko pa naiimpake yung iba kong gamit!
Mag-iimpake ako nang ibang gamit para onti na lang ang dadalhin ko kapag titira na ako mismo sa condo ni Sisteret.
"Gel! Bumangon ka na diyan!" Sigaw ni Mama. "Eto na!"
NAKASAKAY na kami ngayon sa Di kalakihang kotse ni kuya. Siya ang maghahatid sa amin sa Condo. Mayroon nang sariling apartment si kuya malapit sa pinagtatrabo niya. Pagtapos ko palang mag-college kami magpapagawa nang bahay para magulang namin.
"Angel, Sayo yung di kaliitan na kuwarto ah? Tas' akin yung katapat mo." Pagpaplano kaagad ni Ate. "Tch, Ilalagay ko pa lang gamit ko di pa ko lilipat noh!"
"Sunget, Para sure lang. Duh!"
"Hoy, Joaquin! Bat' mo ba kasi kami inunahan ni Angel magkaroon nang apartment? Baliktad?! Ako panganay eh!" pagmamaktol ni ate.
"Kasalanan ko ba?" Palaging cold magsalita si kuya at mahiyain sa mga tao. Habang si ate bubbly at carefree. Unless kung kagigising lang at natalo sa nilalaro niyang Monster Hunter.
"We're here." bumaba na kami at kinuha ang iilang bagahe namin paakyat sa Sixth floor.
Nakapasok na kami sa unit namin at inaayos ang iilang gamit. Bumisita na dito si ate last week at may mga furnitures na galing sa pinag-ipunan niya. Kasama din namin boyfriend ni ate pero sa susunod na linggo pa darating.
"Gel, Alis muna ako ah? Punta lang ako mall baka mamayang gabi na ko darating. Kasama ko friends ko don't worry." Pagpapaalam ni ate bago umalis. Kanina pa umalis si kuya dahil may pupuntahan pa. And now im all alone.
Nanood ako nang mga movies at animes sa living room. Gaahd im hungry nanaman?! Bumaba ako at pumunta sa cafe sa lobby nang condo.
Umorder ako nang Strawberry Oreo Parfait at isang Iced Americano. Wews ang mahal boi! Meh. Ngayon lang naman.
"Hey! Angel!"
"Ay putek!"
Tumawa nang napakalakas ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Tch Fender? Fence? Terrence? Ay basta!
"Bat' ka andito?" Tanong ko ng di tumitingin sakaniya. "Simple. Because my mom owns this?" Feel ko talaga bipolar tong lakaing toh! Unti na lang eh!
"Okay." tipid kong sagot. Sumipsip ako sa straw at nagpatuloy sa pagkain na di nakakabusog. "And i also live here." Nabilaukan ako sa kinakain ko at agad naman akong tinulungan nang lalaking toh. Tae. Parang gusto ko nang mag-back out ah?
"Easy, Woman" Woman amputcha.
"Share mo lang pala?" Nag-aalinlangan kong sagot. "Bat ka nandito?" Shet bat ba ko paulit ulit?!
"Tch, Kasi wala ako doon." Onti nalang talaga mapipikon nato! Angelique! Onti pa pikunin mo!
"Huh? Ano di ko marinig! Haa?!"
"Habadoo" Putcha ako yata napipikon ah! "Bahala ka nga diyang bipolar ka!"
"Fine this is not my normal personality. Cause' i woke up good."
Share mo lang?
Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Eto namang isang toh umupo pa sa harap ko! "I have to go. Bye" di pa ko nakakahakbang ay hinila niya agad ako dahilan para matapon ang Iced Americano sa pants niya.
"Fuck." he muttered a curse. Napalunok naman ako agad nang nabamood agad siya. Wrong idea Angelique.
"Sorry!" tumakbo ako nang mabilis papuntang elevator. Haluh! Okay lang naman iyon diba?! Nakabawi naman ako diba?! Tinapunan niya din kaya ako! Pero shiit!
Bumukas ang pintuan at kasabay non ay ang pagtama nang likod ko sa gilid nang elevator. Ang braso niya ay nakaharang sa magkabilang gilid habang ang mukha niya ay sobrang lapit.
Shiiz! This is it pansit!
"Where are you going?" tanong niya sa malalim na tono.
"Dora is that you?-Este! Elmo's World!- Ay hindi din pala! S-sa unit! Alangan!" Pisteng dila! Kumunot ang noo niya sa mga pinagsasabi ko. Wew infairness ang bango!- No!
"Tss! Look! Tinapunan mo ako! Tas tatakbo ka lang!" Sigaw niya sa akin. Onti na lang ay tutulo na ang luha ko. Malditang iyakin daw ako eh!
"E-eh kasi, Ikaw kaya nauna! Tinapunan mo din ako! Tsaka! H-hinila mo kaya ako!" Tuluyan nang bumagsak ang luha ko dahilan para masuntok ni P-penter ang gilid ko. Hala! Galit?!
"Fuck! Bat ka umiiyak! Fine! Kasalanan ko na! Gosh!, Why are girls like this?!" Umatras pabalik ang luha ko nang maramdamang parang di na gumagalaw ang elevator. Bago pa ako makapagsalita ay sumara na ang ilaw.
"Putcha anyare?!" Nag-panic ako kaagad dahil di ako sanay sa madilim lalo na't may kasama akong lalaki. Hala! Plinano niya ba toh?!
Kinuha ko ang cellphone ko at sabay pa kaming nagbukas nang flashlight. Gaya-Gaya! Huh?
"Now what?! Im regretting that i said its a good day! Fuck!" Sigaw niya. May tinawagan siya sa phone na mukhang tutulong sa amin kaya nagkaroon ako ng pag-asa.
Ilang minuto kaming nakatambay doon nang bumalik na ang ilaw at gumalaw na nang tuluyan ang elevator. Whoo!
"O, Pre? Siya nanaman?!" Tanong nang pamilyar na lalaki pagkabukas nang pinto. "Yeah" tipid niyang sagot.
"Nice! Destiny! Wooh- Bat basa yung crotch mo?! Huy boy illegal iyan!"
Watdapak?! "Alis na ako. Bye and thanks." pagtakas ko muli. "Hey! Aba't-" Di ko na narinig pa muli ang sinabi niya dahil tuluyan na akong nakapasok sa unit namin ni ate.
"San ka galing?" Andito na pala si ate?! "Cafe?.." Sagot ko nang humihingal pa. "Weh?? Tsaka bat di mo ko inuwian?" reklamo niya eh may kinakain pa nga.
Di ko nalang siya pinansin at pumasok na sa kuwarto.
