Chapter Four
"Geeel!"
"Putek, Anooo?!"
"Ihatid mo toh sa kapit-bahay, Sabi ni mama maging mabait naman tayo." Sabi ni ate kaya't padabog kong nilagay yung phone ko sa table.
"Nagdadabog ka?!"
"Inde! Nabagsak lang hehe." Wooh! Tikan na! Inabot niya sa akin yung container na naglalaman nang graham cake. Binigay toh sa amin ni mama dumaan kanina dito. Nagdedeliver din siya minsan nang mga graham chuchu.
"Mamaya ka babalik diba? Wag mo na dalhin gamit mo mamaya ah."
"Kaya nga po." Inayos ko lang yung buhok ko sa half-ponytail at di na lang nagsuot nang salamin. 350 lang naman grado ko. Inayos ko ang yellow sweater ko at navy blue dolphin shorts dahil nagulo kanina habang tulog ako. Ngayon pa lang nag-aayos.
Lumabas na ko nang unit at punta sa kaliwang bahagi nang condo. Unoccupied yung sa kanan kaya dito nalang.
Nag-doorbell na ako. "Teka!" sigaw nang isang lalaking boses na parang kagigising lang. Nanlaki ang mata ko nang tuluyan nang bumukas ang pinto. "Putek? Ikaw nanaman!?" sabay naming sigaw.
"Oo, eto oh. Bye" tipid kong sagot at umalis na. Hinila niya yung braso ko papasok sa unit. Kulang nalang bilhin niya yung pulso at braso ko eh! Suot suot niya ang white fitted shirt dahilan para makita ko ang iilang biceps. Suot din niya ang gray sweatshorts.
"Ano na naman? Hinahanap na ako ni ate! Sorry na nga kasi kahapon eh!" Sumimangot ako dahil baka magtaka si ate eh ibibigay ko lang naman yung pagkain dito. "Tch, Thanks samahan mo ako kumain." Binuksan niya ang container at kumuha nang dalawang tinidor.
"Eeh?! Umagang umaga iyan kakainin mo?!" Umagang umaga ba naman kasi! Sakit sa lalamunan niyan bro!
"Edi iyan! nagbigay ka pa kung di ko na kakainin!" Eh?!
"Tsaka para na din masabi ko yung opinyon tungkol sa graham na ginawa mo." Pagpapatuloy niya.
"Di ako gumaw-" Pinutol niya ang linya ko.
"Kulang sa mangga."
"Di nga ako guma-"
"Medyo matabang?"
"Ang tigas!"
Naubos naman.
"Ano nga uli sinasabi mo?" tanong niya sa akin. Suminghap ako. "Di ako gumawa niyan."
"Eh edi sino? Siguro panget yun! Siguro di yun marunong gumawa!" Woah, harsh. Sumbong kita diyan eh.
"Si mama gumawa niyan, Tanga"
"H-huh?! Kabaliktaran lahat nang sinabi ko ah! Promise! Uuy!" Di ko nalang siya pinansin at lumabas na nang unit niya. "Woooy! Sorna!-" Di ko na narinig nang tuluyan ang sinabi niya dahil naisara ko na ang pinto.
Bumalik na ko sa unit namin ni ate at sumalampak sa sofa. "Ano mabai-" pinutol ko ang linya ni ate. "Sobraaa! Grabe! Parang anghel! Puwede na ata magpari eh!" Sarkastiko kong sabi.
"Ay weh? Okie." antipid! Naniwala pa!
HINATID ako ni ate sa lobby dahil may pupuntahan pa siya at mas nauna pa sa akin. Nakalimutan niya atang walang susundo sa akin ah!
Lumabas na lang ako at naghanap nang posibleng masakyan. Ilang minuto akong nag-antay pero wala talaga. May tumigil sa harap ko na black Mercedes Benz. May susunduin ata. Sino kaya? Tumingin tingin ako sa paligid ngunit wala akong mahagilap na iyon ang kanilang sundo.
"Sakay na." Tinuro ko ang sarili ko. Bahagyang nakabukas ang bintana kaya rinig ko ang nagsasalita. Kidnapper ba toh?! Katapusan ko naa!
Ate, wer na yu?!!
Tumalikod nalang ako at nagpanggap na may kausap. Nagulat ako wala na ang selpon ko sa aking kamay. Nananaginip ba ko? Hallucinations lang ba yung phone ko? All this time di pala sila totoo! Waaah!
"Sakay! Dali na para makabawi ako tch." Someone said in a cold baritone voice. Siya nanaman? Hulaan ko hihilain niya nanaman ako. 3.. 2..-
At tuluyan niya na kong hinila papasok sa shotgun seat. Tch.
"Tagal mo eh!" Woah, sino ba kasing nagsabing ihatid niya ko?!
"Saan ba punta mo?" tanong niya. Di ko siya sinagot kundi pinakita nalang ang address namin sa phone notes ko. Im weird hehe.
"Kay'" tipid niyang sagot. Na mukhang napilitan pa.
TAHIMIK lang ang biyahe habang tinatahak niya ang daan papunta sa bahay namin. Alas-tres na pala. Tuluyan na kaming nakarating tapat nang bahay.
"Puwede ba kong pumasok sa bahay niyo? Makikinom lang." paalam niya sa akin. Ngi?! Edi aakalain nila mama na boyfriend ko siya?!
"W-wag na baka may pupuntahan ka pa hehe. Byee!" Umalis na ko sa kotse at sumilip sa gate. Saktong pagkasilip ko ay nakatingin si mama sa kotse na pinanggslingan ko. "Papasukin mo yun!" Pangungulit niya agad.
"Good noon, Ma'am" Tae. Di ko namalayan na nakasunod na ang mokong sa akin. "O, Ijo! Pasok ko at may miryenda dito!" Binuksan ni mama ang gate at mas nauna pang pumasok si Penter sa akin. Wow ah.
Naupo na si penter at walang kurap na kumuha nang cookies na binili sa kanto. Bahay niya toh? Aber. "M-ma, kaibigan ko nga po pala. Nagpumilit po kasing magpahatid!" Tumango lamang ito at nagsalin nang juice sa baso.
"O, iho baka mabilaukan inom muna" Mukhang di napapansin ni mama na napuno niya na ang baso at natatapon na dahil nakangiti siya abot tenga habang nakatitig kay Penter. Ang creepy bro.
"U-uh M-ma'am natatapon na po."
"Ay hala! Oo nga! Teka, Gel sumunod ka sa akin."
"May pag-uusapan tayo!" Yikes. QnA na ba this?
