Chapter Twelve

9 3 9
                                    

Chapter Twelve

"Oh, Sino yung kausap ni YenYen?" tanong ko kay Andra. "Ahh, Ewan ko? New friend ata. Sa pagkakalam ko friend niya din yan nung High school" sagot ni Andra habang kumakain ng sitsiriya.

That girl seems familliar though.

"Woi Yenyen, Andito na ko." tawag ko sakaniya. Tinignan niya lang ako at kumaway tsaka siya nagpatuloy sa pakikipag-usap. Maya-maya ay lumapit siya samin kasama ang bago niyang kaibigan.

"Uh Ange, Andra. Si Allanie nga pala, Allanie si Ange, at si Andra." pakilala samin ni YenYen. Kinawayan lang kami ni Allanie at nahuli ko siyang umirap kay Andra. The f*ck?

Binigyan ko lang siya ng pekeng ngiti at nagpaalam na sakanila habang hila hila hila ko si Andra. "Pasok na tayo?" sabi ko ng nasa harapan na namin ang  building namin.

Tango lamang ang binigay niya sakin at tinapon na ang balat ng sitsiriya. "Iba pakiramdam ko sa Allanie na iyon." Andra said finally breaking the silence as we walk upstairs. Parehas na pala kami ng naiisip.

"Yeah, i understand naman sa part ni YenYen ang magkaroon  ng ibang kaibigan." Sabi ko, Sana nga lang 'di bad influence.

NASA cafeteria na kami ngayon ni Andra kumakain habang nakatanaw kay YenYen na nakikipagkuwentuhan ito sa bagong kaibigan.

Maya-maya ay may inabot na mga libro at mga notebooks si Allanie kay YenYen. Kailan pa naging supplier ng school materials si Yen?

"Anmeron? ba't kayo nakatitig sa'kin?" Kuryos na tanong ni Yen samin na di namin namalayan na nasa harap na pala namin.

"Uhh coincidence lang natulala kami sayo kasi mukha kang utot." Hagikgik ni Andra dahilan para mabatukan siya ng libro ni YenYen.

"Anyways, ano yang dala mo?" Tanong ko sa mga libro niyang dala.

"U-uh wala! Pinahiram niya lang ako ng libro! May quiz kasi kami bukas." Kasunod non ay isang pekeng tawa at mukha pang natatae.

Tumango-tango kami ni Andra at natayo na. "Tara? Uwi na tayo vacant na ko eh." sabi ko sakanila. Tumango naman sila at naglakad na kami. Maya-maya ay may tumawag sa telepono ni Yenyen dahilan para magmadali siyang magpaalam sa'min.

NAKAUWI na ko galing sa University at nagpapalit na ko ng damit. "Angeliquee!" Tawag sa'kin ni ate mula sa Kitchen ng condo. "Po?"

"Bilhan mo nga ko ng Carrots, Patatas, at Bell-pepper sa Grocery at magluluto ako ng Kaldereta." Utos niya sa'kin. Kinuha ko naman ang pambili at nagsuot ng Pastel Pink na cap.

Lumabas na ko sa Condominium Building at naglakad patungo sa malapit na Grocery store. Pero bago ko pa man iyon nadaanan ay may nakita akong babaeng pasuray-suray ang lakad sa daan. Ayenne?! No, imposible.

Nilapitan ko ang babae at natuklasan na si YenYen nga ito. She smells like liquor. "Hoy Ayenne!" sigaw ko sakaniya." at hinawakan sa magkabilang-balikat. "Bitawan mo nga ko!" Lasing niyang sabi. She's wearing a Black leather skirt with see-trough shirt sa ilalim nito ay isang black velvet tube.

Ibang-iba kay YenYen.

"Ano ba! Iuuwi na kita, Tignan mo lasing ka pa!" Sigaw ko pabalik.

"What do you f*cking care Angelique?! You're just my friend!" Sigaw niya sa'kin. My heart dropped but that didn't stop me from helping her.

"Wheres Allanie? I need to pass her the assignment i made for her." Wala sa ulirat niyang sabi. So those books were homeworks? Wow, what a friend.

"C'mon Yen! Wag na matigas ang ulo!" Sigaw ko sakaniya. "Just let me be! Ano? Kailangan ba pag-aalis ako lagi kayong kasama ni Andra?!" Hinila ko na Lang siya papunta sa loob ng building na halos nasa harapan Lang namin.

Dinala ko siya paakyat sa elevator at kalaunan ay nakatulog ito. Pumasok na kami sa loob ng Condo. Nagulat pa si Ate dahil akay-akay ko si Ayenne.

"Anyare diyan?!" Gulat niyang wika.
"I found her drunk on the streets." Pagod kong sagot. Napa 'O' naman si ate at tinulungan akong ihiga siya sa sofa.

"Hala palitan ko Lang toh Ng damit, pakibantayan Ng niluluto." Utos sakin ni ate. Tumangi na lamang ako at dinial Ang numero ni Andra habang hinahalo ang Kaldereta.

"Oh Ange, bakit?" Sagot niya sa kabilang linya.

"Andito si Ayenne sa condo lasing." Sabi ko sakaniya. "Eh? Taraga? O sige, punta ako diyan isasabay ko na Lang pauwi si Yen." Sagot niya sa'kin. Binaba ko na Ang linya at nagpatuloy sa paghalo habang si ate ay bumili Ng mga sangkap na di ko pa nabili.

Nag-luto na din ako ng instant noodles para Kay Ayenne. Maya-maya ay may nag-doorbell. Binuksan ko na Ang pinto at nadatnan ko si ate kasabay si Elandra.

Pumasok na silang dalawa at si ate ay bumalik sa pag-luluto. "I-uwi ko na toh sakanila ah? Sabihin mo sa'kin bukas Ang nangyari."

"Pakainin mo muna siya nitong noodles." Sabi ko sakaniya. Sumang-ayon naman Ito at ginising so YenYen. Pinakain ni Andra si YenYen at tumungo na sa pinto pero bago pa man sila maka-alis ay kumindat sa'kin si Andra na pinapahiwatig na i-kuwento ko sakaniya Ang nangyari.

   •••
Sorry late update! Huhu

Chasing Winds #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon