Chapter 2

2.1K 36 21
                                    

Chapter 2:
Chariza POV
Pinilit kong ikalma ang sarili ko kahit dumaloy ang takot sa buong katawan ko. Hinila kasi ako bigla kanina ng isang lalaki na di ko naman kilala. Pero siguro parte lang ito ng trabaho ko.

Kaagad akong umiling ng may ialok sya sa aking alak. Di ako umiinom ng alak eh.

"Uminom ka na Chariza" muli nyang alok. Umiling uli ako at tinanggihan yung alok nya.

"Di nga po ako umiinom, kuya Cleo" tanggi ko. Tinawag ko syang kuya kasi mukhang mas matanda naman sya sa akin. Nangibit sya agad doon sa tawag ko. Bakit kaya?

"Isa lang Chariza" sabay abot na naman nya noong alak. Kinuha ko agad yung alak at nilagok iyon para tumigil na sya. Bigla syang napangisi doon sa ginawa ko.

Patuloy lang kami sa pag-inom ni kuya Cleo hanggang sa umikot na ang paningin ko. Nahihilo ako ngayon kaya kaagad akong napahawak sa balikat nya. Pinilit kong tumayo para hanapin si Mica, uuwi na kami. Pero na-out balance ako at naramdaman ko na lang ang sarili kong babagsak.

Inihanda ko ang sarili ko pero biglang may pumulupot na braso sa likod ko at sinalo ako. Binuhat nya ko agad saka nagsimulang maglakad.

Inaninaw ko ang mukha nya and my heart beat so fast ng ngumiti sya. Ang gwapo pala talaga ni ni kuya Cleo. I smiled at him hanggang sa maramdaman ko na lang na palabas na kami noong bar.

"S-saan p-po tayo?"

"Saan mo ba gusto?" simple nyang sagot sabay kindat sa akin. Mahina akong napatawa dahil doon sa ginawa nya na kinangiti naman nya.

Nagpatuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa makarating sa isang lugar. Makaraan ang ilang segundo ay naramdaman ko na lang ang sarili kong nakaupo sa malambot na bangko ng kotse nya. Umikot sya sa kabilang bahagi at tumabi sa may akin.

"Pumunta po tayo sa lugar na may pera?" bigla kong sabi sa kanya. Bigla nyang pinatong yung kamay nya sa kamay ko at pinisil iyon.

"Magkano ba kailangan mo?" nag-angat ako ng tingin kaya nakita ko ang gwapo nyang mukha na seryosong nakatingin sa akin.

"D-Dalawang milyon po" ngumiti lang sya sa sagot ko saka nagsimulang paandarin yung kotse.

Ilang minuto lang ay tumigil yung kotse nya sa harap ng isang gusali. Sobrang taas nito at sobrang ganda. Bumaba sya agad ng kotse nya saka patakbong umikot sa pwesto ko. Pinagbuksan nya ko ng pinto at inalalayang bumaba.

Nangangatog ang tuhod kong tumayo sa tabi nya. He face at me saka biglang hinawakan ang kamay ko.

"May p-pera po d-dyan?" nahihiya kong tanong. Tumungo ako dahil sa hiya pero yun naman talaga ang habol ko eh kaya lumuwas ako ng syudad.

"All this time kasama mo na yung pera" natatawa nyang sabi kaya kaagad akong nag-angat ng tingin at nanlalaki ang matang tumitig sa kanya.

"P-pera po kayo?" nagtataka kong tanong sabay kurot sa pisngi nya. Di naman sya papel o bakal ah.

Tumawa sya bigla dahil doon sa ginawa ko. Nagsimula syang maglakad kaya dali dali akong sumabay sa kanya. Sobrang umiikot pa rin ang paningin ko kaya nagpaikis-ikis ang mga hakbang ko.

"Lasing ka nga" natatawa nyang sabi pero bago pa ko makasagot ay umangat na yung paa ko sa semento. Binuhat nya ko na parang brides carry.

Nagpatuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa loob noong gusali. Diretso kaming pumasok sa loob noong magic room saka sya may pinindot doon. Ilang saglit lang ay sumara na yung pinto. Makaraan ang ilang minuto ay bumukas ito at nasa ibang lugar na kami.

Lumabas sya agad mula doon habang buhat buhat ako. Tinungo nya yung isang pinto at may kung anong pinindot doon para bumukas. Pumasok kami sa loob noon saka nya iyon isinara. Ipinatong nya ko agad doon sa malambot na bangko. Basta bulak na bangko yata yun.

"Ano ba ang gusto mong gawin?" nag-isip agad ako ng dapat naming gawin. Ano nga ba?

Tumingin ako sa kanya ngunit parang pinipilit nyang wag tumingin sa akin. Hinawakan ko bigla yung kamay nya at hinila papunta sa tabi ko. Nag-iwas agad sya ng tingin ng mapasulyap sa may paa ko. Doon nga ba?

"I-ilang taon ka na ba?" biglang tanong nya habang nakaiwas ng tingin. Bakit naman nya natanong.

"Bente na po ko" sumulyap sya sa akin at tiningnan yung mukha ko. Kaagad din syang nag-iwas ng tingin ng magtama ang mga mata namin.

"Ikaw ba kuya Cleo?" nanlalaki ang mata nyang tumingin sa akin. Nangunot agad yung noo nya ng makita na seryoso ako.

"Di mo ko kilala?" sabay turo nya sa sarili nya.

Umiling ako na lalong kinalaki ng mga mata nya. Ano naman kung di ko sya kilala.

"Hindi nga po bakit?"

"Really?" nanlalaki pa rin ang mata nyang tanong.

Tumango ako saka pasimpleng ngumiti. Umupo sya agad ng maayos at tumitig sa mga mata ko. Ginulo nya yung buhok nya na parang di alam kung saan sisimulan yung sasabihin.

"Twenty-years old na ko" seryosong sabi nya. Tumango ako sa kanya bilang sagot.

"Where do you live?" tumango uli ako doon sa tanong nya kahit di ko naman naintindihan.

"I said where do you live?" nakangiti nyang tanong. Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya na tinatanong kung ano yung ibig sabihin nya.

"A-ano p-po b-ba y-yun?" nauutal kong tanong dahil sa hiya. Nahihiya akong tumungo dahil di ko naiintindihan yung sinabi nya. Dahil di naman ako nakapag-aral o naka-pasok sa eskwela dahil sa hirap ng buhay namin.

"I said..... Ahm, Sabi ko saan ka nakatira?"

Ngumiti ako sa kanya at sinabi yung baranggay, bayan at probinsya namin. Tumango sya habang nakikinig sa akin. Napatingin ako sa mukha nya at muli nagwala na naman ang puso ko. Sobrang bilis nito kaysa sa normal.

"Malayo ba yungsa inyo?" tanong nya uli saka direktang humarap sa akin.

"Opo..... Malayo, Linang yun eh" nanatili lang syang nakatitig sa akin habang nagkwekwento ako.

Patuloy lang kami sa pag-uusap at pag-kwekwento ng mga buhay namin. Tumitig lang sya sa mata ko na kinailang ko. Kaagad kong iniiwas ang mukha ko pero hinawakan nya yun at iniharap sa kanya.

"Di ko alam kung ano ang nangyayari sa akin" seryosong sabi nya. Hindi ko iniiwas ang tingin ko at nakipagtitigan sa kanya.

*****
-Dreamcatcher_ABZ

My Possessive Gay Actor (Possessive Gay Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon