Chapter 8

1.4K 33 8
                                    

Chapter 8:
Chariza POV
Makaraan ang isang oras. Dali dali kaming lumabas ng banyo. Tinungo ko kaagad yung lalagyan ng damit ko at mabilis na nagbihis. Masaya kong tiningnan si kuya Cleo na nagsusuot ng t-shirt. Marahan akong lumapit sa kanya at niyakap sya mula sa likod. Pansin kong nagulat sya dahil doon sa ginawa ko.

"Mag-buburger na po tayo kuya Cleo?" marahan syang humarap sa akin at inayos ang damit nya.

"Burger ba talaga ang gusto mo?" pasimple akong tumango at nagpapa-awang tumingin sa kanya. Kaagad syang umiwas ng tingin saka kinamot ang ulo nya. May kuto kaya sya, kanina pa kasi sya kamot ng kamot sa ulo pag kausap ako.

"Opo... Burger kasabay noong ginawa natin kanina sa banyo" nanlalaki ang matang tumingin sya sa akin saka humagalpak ng tawa. Nangunot agad ang noo ko at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Bakit po?" nagtataka kong tanong. Pinilit nyang pigilan ang tawang kumakawala sa labi nya saka pasimpleng umiling.

"Pff... W-wala" natatawa nyang tugon. Isinawalang bahala ko na lang yung pigil nyang pagtawa saka marahang ngumiti.

Tumigil sya agad sa pagtawa at hinawakan ang kamay ko. Itinaas ko agad ang paningin ko at nakita syang nakatitig sa akin. May kung anong emosyon sa mata nya na di ko mabasa.

"Tara na" biglang sabi nya na pumukaw sa pag-iisip ko. Kaagad akong tumango saka ngumiti.

"Okey po. Kakain na tayo ng burger?" masaya kong tanong na kinangiti nya kasabay ng mahinang tango.

Lumabas agad kami nitong room nya at sumakay uli doon sa elevator. Ilang saglit lang ay lumabas na kami nitong gusali ag kaagad tinungo yung kotse nya.

Inalalayan nya kong sumakay saka dali dali syang umikot sa drayber sit at pinatakbo yung kotse. Ilang minuto nang walang umiimik sa aming dalawa at di ko sinubukang magsalita. Makaraan ang ilang minuto saka pa lang ako nagkalakas ng loob na magtanong.

"K-kuya C-Cleo saan tayo pupunta?" sumulyap sya sa akin saka muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Sa masarap na burger shop" nagliwanag kaagad ang mukha ko dahil sa sagot nya. Kaagad akong dumukwang saka sya hinalikan sa pisngi.

Muntik na kong mapasubsob ng biglang tumigil yung kotse sa gitna ng kalsada. Kita ko ang pagpapakalma ni kuya Cleo sa sarili nya saka muling tinapakan yung kung ano sa baba para umandar yung sasakyan

"A-ayos k-ka lang ba?" nauutal nyang tanong. Ngumiti ako sa kanya saka marahang tumango.

"Sorry about doon sa nangyari kanikanina lang ha" nagtataka akong napatingin sa kanya ngunit sa kalsada sya nakaharap.

"Bakit po kayo nag-sosorry sakin?"

"Basta pagnagdradrive ako wag... Magsabi ka kung hahalikan mo ko at baka maaksidente tayo ng wala sa oras" tumango ako sa sinabi nya. Bakit naman kaya?

Ilang minuto lang tumigil kami sa harap ng isang tindahan na may malaking burger sa may harap. Mabilis na bumaba si kuya Cleo at patakbong pumunta sa pwesto ko. Binuksan nya agad ang pinto at inalalayan akong bumaba.

Lumingon agad ako sa paligid at kita ko ang gulat sa mga mukha ng nakatingin sa amin. Naglakad agad kami papasok sa loob nang tindahan habang hawak hawak nya ang kamay ko. Mas kita ko ang gulat sa mga mukha ng nandito ng makita sya.

Pumunta agad kami sa isang lamesa malapit sa bintana saka ako naupo doon. Tumabi agad si kuya Cleo sa akin at di pinansin yung mga nakatingin sa amin. Sobrang naiilang na ko sa mga titig nila. Para akong nilulusaw. Parang may kasalanan ako na sobrang talim ng mga mata nila sakin.

Ilang saglit lang ay may lumapit na lalaki sa amin saka may iniabot kay kuya Cleo. Umalis din ito kaagad kaya bumalik ang atensyon ko kay kuya Cleo.

"Ano ang gusto mo? Pili ka na dito" utos niya sabay abot noong mukhang libro sa akin.

Kinuha ko agad yung iniaabot nya at tiningnan iyon. Naglaway agad ako ng makita yung mgal larawan ng pagkain mula doon.

"Ito po ang gusto ko" sabay turo ko doon sa isang malaking burger. Ngumiti sya saka tiningnan yung tinuro ko.

"Yan lang ba? Baka may gusto ka pa"

"Pwede pa po ba?" he smile saka pasimpleng tumango.

"Ituro mo lahat ng gusto mo dyan"

Makaraan ang ilang minuto ay dumating uli yung lalaki na may kasama na. Dala nila yung mga tinuro ko kanina. Sobrang dami noon na halos mapuno na yung table namin. Nakangiting sumandal si kuya Cleo at saka kumuha noong burger.

"Kain na" aniya. Mabilis akong kumuha noong burger at kinagat an agad iyon. It's my first time na kumain nito. Ang sarap nya sobra.

Kumuha uli ako ng panibago kahit may laman pa yung bibig ko. Kakagatan ko na sana yung burger ng marinig ko ang hagikhik ni kuya Cleo. Nagtataka akong napatingin sa kanya. Mabilis tumama ang mata ko sa salamin. Nakalobo na yung pisngi ko gawa noong pagkain. Kaagad kong nakita yung natatawang mukha ni kuya Cleo habang nakatitig sa akin.

Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. Napansin ko agad yung mga taong tumatawa habang nakatingin sa akin. Mabagal kong ibinaba yung hawak kong burger saka marahang tumungo.

Namuo agad ang luha sa gilid ng mata ko sa kahihiyan ngunit bago pa pumatak yung luha ko. Itinaas bigla ni kuya Cleo ang mukha ko saka inilapat ang labi nya sa labi ko. Saglit lang yung halik namin pero punong puno iyong ng emosyon.

"Don't mind them. Ang cute mo kaya" naiiyak ko syang hinampas sa balikat na kinatawa lang nya. Kumuha agad ako ng burgerat kinain iyon.

"Kuya Cleo diba sabi mo mas masarap yung ginawa natin sa banyo. Mas masarap kaya ito" gulat syang napatingin sa akin saka mahinang tumawa.

"Okey. Mas masarap yang burger pero masarap pa rin yung ginawa natin kanina" natatawa nyang sagot.

"Edi gawin natin yun ngayon habang kumakain nang burger" pasimple kong sagot saka kumagat doon sa hawak ko. Nanlalaki ang mata nyang tumingin sa akin saka ngumisi.

"Sa bahay na lang Chariza" tumango na lang ako saka muling sumubo ng burger. Patuloy lang ako sa pagkain noong burger nang may lumapit sa amin.

Nagtaas agad ako ng paningin kaya nakita ko yung lalaking nakatayo sa may harap ko. Naglahad sya ng kamay sa akin saka ngumiti.

"Hi miss. I'm Alexander Christopher Montero, kung ako sayo wag mong sayangin yang ganda mo sa kanya at sumamaka na lang sa akin. Yang si Cleo bak—"

Nalunok ko agad yung dila ko ng nakita kong bumagsak yung lalaki nang tumama ang kamao ni kuya Cleo sa mukha nito. Dumudugo ang ilong na tumayo yung lalaki at ng susugurin pa sana sya ni kuya Cleo ng pigilan ko.

"WAG MONG PORMAHAN SI CHARIZA, ALEX!! KUNG AYAW MONG AKO MISMO ANG BUMUTAS SA BUNGO MO, AKIN LANG SI CHARIZA... AKIN LANG. MARK IT" galit na sigaw ni kuya Cleo. Kita ko ang takotsa lahat ng narito. Kahit ako ay kumabog ang dibdib sa kanya dahil sa takot. Sobrang talim ng mata nya at ngayon ko lang sya nakitang ganito.

*****
-Dreamcatcher_ABZ

My Possessive Gay Actor (Possessive Gay Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon