Chapter 9:
Cleo POV
Out of nowhere di ko alam kung saan galing ang inis at nagawa kong masuntok at masigawan si Alex. Alex is my ex-boyfriend at matagal na kaming hiwalay. Nalaman ko kasing pera lang ang habol nya sakin.Nagawa ko syang masuntok ng malakas. Di ko inaasahang gagawin ko yun. Bigla na lang uminit ang ulo ko kanina. Hindi ko na nakontrol ang galit na nararamdaman ko. At dahil yun sa pagporma ni Alex kay Chariza. Pero hindi lang talaga yun. Noong nakita kong interisado si Chariza kay Alex. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga oras na yun. Selos ba ko? I can't explain it myself.
Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho habang pasulyap sulyap kay Chariza na kanina pa walang imik. Maybe she's scared dahil sa ginawa ko. Di ko rin naman sya masisisi. I can't blame her. It's all my fault.
"S-sorry" nag-angat sya ng tingin saka lumingon sa akin. Nagtatanong ang mata nya. I keep driving kahit medyo namamawis ang palad ko. I'm so nervous. Pano kung galit sya sa akin? Pano kung ayaw na nya sa akin? Ngayon lang ako nagkaganito sa isang tao at ang matindi babae pa. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko and I can't control it. Di ko maikalma ang sarili ko ngayon.
"Bakit po kayo nag-sosorry?" nakabakas ang pagtataka sa mukha nya. Saglit akong sumulyap sa maganda niyang mukha saka ibinalik ang tingin sa kalsada.
"About doon sa nangyari kanina sa burger shop. I'm sorry... M-mukhang natakot k-kita" ngumiti sya saka ibinalik yung paningin sa unahan. May kung ano sa ngiti nya at kumabog ang dibdib ko. Pero ano yun? I can act na si Alex talaga yung may kasalanan. Artista ako at mabilis kong maipapalabas kay Chariza na si Alex talaga ang may kasalanan kaya nasuntok ko sya. Pero ayaw kong magsinungaling sa kanya. She's so important to me. At ayaw kong mawala ang tiwala nya dahil sa isang kasinungalingan.
"A-ayos lang po yun" nanatili syang nakatingin sa unahan at di tumingin sa akin habang sinasabi yun. Galit kaya sya sa akin.
Huminga ako ng malalim saka medyo binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan. Patuloy pa rin akong sumusulyal sa maganda nyang mukha habang nagmamaneho.
"G-galit ka b-ba s-sa a-akin?" nauutal kong tanong. Direkta syang tumingin sa akin. After a while sobrang bilis na nang tibok ng puso ko.
"Hindi po. Bakit?" saglit akong tumingin sa mata nya. Seriousness is painted in her eyes. Agad akong umiling saka ibinalik ang tingin sa daan.
"Wala naman" di sya nag-abalang sumagot. Sikreto akong sumulyap sa kanya na marahang ibinalik ang tingin sa daan. My heart pounding out of my chest dahil kahit tango ay di nya ginawa.
Ikinalma ko ang sarili ko at nagpatuloy sa pagmamaneho. Sumulyap ako sa kanya at saktong sumulyap din sya sa akin dahilan para magtama ang paningin namin. Sabay kaming napaiwas ng tingin. Mas maganda siguro kung sa condo ko na lang sya kakausapin.
"May gusto ka bang puntahan?" basag ko sa nabubuong katahimikan.
Marahan syang tumingin sa akin at mahinang ipinilig ang kanyang ulo. "Wala po" ibinalik nya uli ang paningin sa unahan at paminsan minsan ay sumusulyap sa akin.
Kinakabahan ako sa nangyayari ngayon. Pati sa mga kilos nya. Ang awkward dahil sa katahimikang pumapalibot sa amin. Sana ayos lang ang lahat. Sana di nagbago ang tingin nya sakin.
*****
Chariza POV
Di na sya nagsalita pa kaya nanahimik na lang ako. Tanging katahimikan lang ang namamayani sa aming dalawa. Nanatili lang akong nakatingin sa unahan habang pasulyap sulyap sa direksyon nya.Kita ko ang pag-aalala sa mukha nya at gusto kong alisin yun pero nahihiya ako. Natakot ako sa nangyari sa burger shop kanina pero doon ko lang napatunayan ang nararamdaman ko.
Nagpatuloy lang sya sa pagmamaneho habang pasulyap sulyap sakin. Makaraan ang ilang minuto ay narating na namin ang gusali kung saan sya nakatira. Bumaba agad kami at ilang saglit lang ay narating na namin yung room nya.
Pumasok kami sa loob at sinara nya yung pinto. Bago pa ko makaalis sa harap nya ay nahawakan nya ko braso saka marahang na itinulak pasandal sa pinto. My back hit the cold leaf of the door. Iniharang nya ang kamay nya sa gilid ko. I'm in cage inside his arms and body.
Seryoso syang tumingin sa akin kahit kita ko ang bakas ng takot at pag-aalala sa mukha nya. Lunok laway kong nilabanan ang titig nya at tumingin ng direkta sa mata nya.
"Ano p-pong problema?" di sya umimik. Nanatili syang nakatitig sa mukha ko. May kung anong emosyon sa mata nya na di ko mabasa.
"Ahm... P-padaan n-nga p-po" di nya pinansin ang sinabi ko at di man lang nagpatinag sa pagkakatayo.
Sunod sunod ang malalalim nyang hininga na halatang kinakabahan.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at direkta pa ring tumitig aa mata nya.
"A-aalis n-na po ako" gumuhit bigla ang takot sa mukha nya dahil sa sinabi ko. Pansin ko ang panginginig ng braso nya dahil doon.
"No! Di ka aalis!! Your not going to leave me. Di ako papayag" nangangatal ang boses nyang sabi na puno ng takot.
"D-di po yun ang ibig kong sabihin" pagpapaliwanag ko. Medyo nagbago ang emosyon nya. Lumiwanag iyon at nabawasan ng pag-aalala.
"S-sorry... S-sorry sa l-lahat ng n-nagawa ko. Gagawin ko ang lahat wag mo lang akong iwan" ilang saglit lang ay tumulo ang luha sa mata nya. I wan't to remove that pain from him.
"Ayos na nga po yun kuya Cleo" masaya kong sagot. Pinahid ko agad ang luha sa mata nya at matamis nangumiti.
Nanlaki agad ang mata nya. Matamis syang ngumiti pabalik. Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Tumingkayad ako para maabot ko para maabot ang labi nya. He slowly lean down at mabagal na inilapat ang malambot nyang labi sa labi ko. I can clearly smell his breath at nakakabaliw yun.
Marahan syang nag-angat ng labi at seryosong tumingin sa akin. Natataka akong tumingin sa kanya pero di ko sinubukang magsalita. Hinayaan kong sya ang unang umimik sa aming dalawa.
"D-di ka ba s-sa a-akin g-galit?" nag-aalala nyang tanong. Tumango ako at ngumiti bilang sagot.
"Hindi po" masaya syang ngumiti saka utay utay inilapit ang labi nya sa labi ko at muli akong hinalika. Marahan kong tinugon ang halik nya. Utay utay naglakbay ang kamay nya sa dibdib ko kaya agad kong pinaghiwalay ang labi namin.
"Kuya Cleo mamaya na lang tayo magganyan habang kumakain ng burger. Inaantok na ko" kaagad syang humagalpak ng tawa dahil sa sinabi ko. Marahan syang napakamot sa ulo saka tumango kahit halatang nabitin sya.
"Okey, tulog na muna tayo... Para mamaya maggaganun tayo habang nakain ng burger" ngumiti ako sa sinabi nya.
Sabay kaming pumunta sa kwarto nya at nahiga sa kama. Mahal ko na nga sya. Simula pa lang noong nagkita kami at mapalingon ako sa kanya sa bar. I know it sounds crazy. Nagwala na ang dibdib ko. And I confirm it dahil sa nangyari kanina sa burger shop. Knowing na nagselos sya sakin. Natakot ako pero napatunayan ko ma kaya nya kong ipaglaban.
*****
-Dreamcatcher_ABZ
BINABASA MO ANG
My Possessive Gay Actor (Possessive Gay Series)
RandomA Gay fall to a woman? But not just a gay Mr.Cleo John Kenneth Fuentes. A well-known actor, businessman, bachelor. A perfect man that anyone wants. But what if one day he meet a woman in a bar that make his cock erected for the first time. A One N...