Chapter 6

1.9K 42 27
                                    

Chapter 6:
Chariza POV
Agad akong tumayo matapos naming kumain. Pumunta agad ako sa kwarto nya para kuhain yung dress na suot ko kagabi. Napatingin agad ako sa pinto ng maramdamang may tao doon. Nakatayo doon si kuya Cleo na titig na titig sa katawan ko. Namumula akong nag-iwas ng tingin at pasimpleng tinakpan yung katawan ko.

"N-nakita ko n-na y-yan" nauutal na sa i ni kuya Cleo at mabilis na umiwas ng tingin. Nanlalaki ang matang tumingin ako sa kanya na kinangisi nya ng malaki.

Dahan dahan syang lumapit sa akin na medyo kinaurong ko. Tumigil sya agad sa harap ko at marahang hinawakan ang likod ko. Nagliyab agad ang pakiramdam ko ng lumapat ang kamay nya doon.

"Ang ganda mo talaga Chariza" umiwas agad ako ng tingin pero nahawakan nya yung pisngi ko at hinarap sa kanya. Marahan nyang inilapit ang labi nya sa labi ko. The sensation travel all over my body dahil lang sa halik na yun.

Marahan kong inilayo ang labi ko bago pa ko madala sa sensasyong dulot ng halik nya. Umiwas ako ng tingin sa mata nyang puno ng pagtataka.

"D-diba p-po dito na k-ko t-titira" ngumisi sya sa tanong ko at hinaplos ang pisngi ko.

"Yes, Why?"

"Kukuhain ko po yung gamit sa bahay ni Mica" tumango sya saka bumitaw sa akin.

"Okey. Sasamahan kita" tumingin sya sa katawan ko na kinaliyab noon.

Lumapit sya uli doon sa cabinet nya saka may kinuha doon. Ano ba ang hinahanap nya. Nilapitan ko yung dress na suot ko kagabi at pinulot yun.

"Your not wearing that" seryosong sabi ni kuya Cleo at masamang tumingin doon sa dress na hawak hawak ko.

"A-ano po a-ang susuutin ko? Alangan pong nakabra at oversized panty ako doon" nangunot agad yung noo nya dahil doon sa sinabi ko.

"No way na maghuhubad ka!! You will wear this one" sabay abot nya noong isang T-shirt na white at plain short sakin. Tumingin ako sa mukha nya at kita ko ang inis mula doon.

Kinuha ko agad yung damit na iniaabot nya at mabilis iyong sinuot. Oversized yung T-shirt pero yung short ay saktong sakto lang sa akin. Tiningnan nya agad ako mula ulo hanggang paa na kinatungo ko. Pansin ko ang pagkurba ng labi nya ng makita ako.

"Cute mo" natatawa nyang sabi. Tiningnan ko agad sya ng masama na kinangisi lang nya.

"Magbihis na rin po kaya kayo" seryoso kong sabi. Tumango agad si kuya Cleo saka sumaludo.

"Yes boss" natatawa nyang sabi saka agad na nagbihis.

Makaraan ang ilang minuto ay lumabas na kami ng kanyang bahay at muling tinungo yung magic room. Lumabas agad kami doon ng tumigil na ito at muling bumukas.

Tinungo agad namin yung kotse nya saka nya ko inalalayang sumakay. Pumunta sya agad doon sa drayber sit saka sinimulan iyong patakbuhin. Sinabi ko agad yung sinabi sa aking sa aking address ni Mica.

"Kuya Cleo....." agad syang lumingon sa akin at binalik muli ang tingin doon sa daan.

"Ano yun?" huminga ako ng malalim at naghanda sa sasabihin ko sa kanya.

"Ano k-kuya Cleo ang t-tawag d-doon sa automatic n-na b-bumubukas yung pinto" nagtataka syang lumingon sa akin na parang di alam yung sinasabi ko.

"Automatic na bumubukas yung pinto?"

"Opo yung pinanggalingan natin bago sumakay ng kotse, maliit lang sya tapos may pinindot ka" lumingon uli sya sa akin habang pinipilit pigilan ang tawa.

"Pfff..... Yung elevator ba?" natatawa nyang tanong. Kinunutan ko sya ng noo na kinatigil nya sa pagtawa.

"Yun po ba yung dinala tayo sa magkaibang lugar"

"Hehe, oo" di ko pinansin yung tawa nya at pinilit ikalama yung sarili ko.

"M-may magic p-po yun?" nahihiya kong tanong. Biglang tumigil yung kotse sa tabi ng kalsada.

"Hahaha..... W-wala. Pffff....." tumatawa nyang sabi habang pumupukpok doon sa manebela. Agad ko syang binatukan na mas kinatawa nya.

Tumahimik na lang ako at tumingin sa labas ng bintana. Tumigil sya agad ng mapansing tumahimik na ako. Masama bang di ko yun alam.

"Hey, sorry na" biglang sabi nya. Nanatili akong walang imik at nakatingin pa rin sa bintana.

Ilang minuto lang ay tumigil na sya sa pangungulit na sorry na kaya marahan akong tumingin sa kanya. Ngunit bago pa ko makakilos his lips already occupied mine. Kaagad nya kong hinalikan pagkalingon na pagkalingon ko. My heart beat skip for a second dahil sa ginawa nya. At gaya ng inaasahan lahat ng inis ko ay agad na naglaho.

"Sorry na Chariza" nag-aalala niyang sabi pagkabitaw na pagkabitaw ng labi naming dalwa.

"A-ayos na y-yun kuya C-Cleo" nauutal kong sagot. Mabilis na nagliwanag ang mukha nya dahil sa sagot ko.

"Di ka na galit?" masaya nyang tanong saka hinawakan ang kamay ko.

"Di naman po ako galit" simple kong tugon na kinangiti nya.

Ilang saglit lang pinaandar na nya yung sasakyan. Makaraan ang kalahating oras ay narating na namin yung gusali na tinitirhan ni Mica.

Pagkatigil na pagkatigil noong kotse ay agad akong bumaba at nagtungo na sa pintuan ng gusali ng biglang may humawak sa kamay ko.

"Wait for me Chariza. Bat ka na lang biglang nang-iiwan" puno ng emosyong tanong ni kuya Cleo. Nakabakas ang inis sa mukha nya.

"Alam k-ko n-naman p-po yung k-kwarto" katwiran ko pero wala man lang yung epekto at lalo pang nangunot yung noo nya.  

"Kahit na!! Maraming lalaki dyan, Pano kung..... Basta aalis ka ng kasama ako" tumango na lang ako bilang sagot at di na umimik pa.

Kaagad kaming pumasok sa loob ng hotel at napansin ko agad ang mga titig ng tao sa amin. Ang iba pa sa kanila ay nagbubulungan na parang may kung ano.

Nagpatuloy lang kami hanggang sa makarating at makapasok sa loob noong magic room este elevator. Pansin ko ang gulat sa mga mata noong kasabay namin habang nakatitig sa kanya. Parang may kung ano ang kumurot sa dibdin ko ng makita yung isang babaing nagpapapansin sa kanya.

Bahagya kong napansin ang repleksyon noong babae sa pintuan ng elevator sa harap ni kuya Cleo habang marahan nitong inilalabas ang hita nito. Uminit agad ang ulo ko sa asar doon sa babae. Naiinis ako sa kanya na di ko maintindihan.

Agad kong pinisil yung kamay ni kuya Cleo ng mapansing lalapit na sana yung babae. Nanlalaki ang matang tumingin sa akin na tinatanong kung bakit.

"Bakit yun—"

Mabilis kong nilapat ang labi ko sa labi nya dahilan para di nya matuloy yung sasabihin nya. Then slowly ginalaw nya ang labi nya sa labi ko na tinugon ko naman. Kita ko sa sulok ng mata ko yung disappointment noong babae at gulat noong mga kasabay namin. Marahan kong ipinikit ang mata ko at ninamnam ang labi nya. Sinabayan ko iyong halik nya ng maalala ko na nasa elevator kami.

Agad kong kinalas ang labi namin na kinagulat niya, pansin ko ang pagkabitin niya dahil sa ginawa ko. Mabilis akong tumungo sa hiya na kinahagikhik ni kuya Cleo.

"Baby, Sa susunod wag mo kong hahalikan sa elevator at baka mahubaran kita. Sa kwarto ko na lang uli mamaya" natatawa nyang tugon saka lalo akong hinila palapit sa kanya.

*****
-Dreamcatcher_ABZ

My Possessive Gay Actor (Possessive Gay Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon