Prologue:
Chariza POV
Mabilis akong bumaba ng bus at nagpalinga linga dito sa binabaan ko. Unang beses ko lang makarating dito sa syudad kaya di ako pamilyar sa mga bagay bagay dito. Hinanap agad ng mata ko yung kaibigan ko na dito na nakatira. Bibigyan nya daw ako dito ng trabaho na talagang malaki ang kita."Chariza!!" biglang sigaw ng isang boses mula sa may kalayuhan. Kaagad kong nilingon yung direksyon kung saan galing yung boses. Nakita ko agad si Mica na papalapit sa akin. Si Mica yung kaibigan ko na tutulong sa aking mabigyan ng trabaho. Nakatira din sya sa nayon namin kaya magkakilala talaga kami.
"Mica!!" balik sigaw ko sa kanya sabay kaway. Ngumiti sya sa akin saka mabilis akong nilapitan.
Hinawakan nya agad yung braso ko pagkalapit na pagkalapit nya saka ako hinila paalis. Pumara agad sya ng kotse saka ako pinasakay sa loob.
"Musta na Mica?" tanong ko. Sumulyap sa akin yung mapungay nyang mata dahil sa make-up na nakalagay sa mukha nya.
"Ayos lang naman" saka nya tiningnan yung katawan ko at sinuri yun ng mabuti. Isinawalang bahala ko na lang yung ginawa nya.
"Sa probinsya ba musta na?" biglang tanong nya kaya lumingon ako sa kanya ng direkta. Noon ko lang napagmasdan yung mukha nya na sobrang kapal ng koloreteng nakalagay. Nakasuot din sya ng dress na above the knee pero siguro yun ang uso dito sa syudad.
"Ayos lang din sa probinsya, walang pinagbago" masaya kong sagot sa kanya pero mukhang di sya interisado.
Di na sya sumagot pa kaya di na rin ako umimik. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at pinagmasdan yung mga nagtatayugang gusali na nadadaanan namin.
May iba kay Mica na di ko masabi. Parang nagbago na sya. Pero ano yun? Siguro naninibago lang ako kasi its almost one year na noong huli kaming nagkitang dalawa.
Ilang minuto lang ay huminto yung sinasakyan namin kaya tiningnan ko yung gusali sa harap namin. Nagbayad agad si Mica doon sa nagmamaneho saka bumaba. Mabilis akong bumaba at humabol sa kanya.
"Dito ang condo ko" walang ganang sabi ni Mica sa akin. Di ko na sya sinagot dahil di ko alam yung sinabi nya.
Naglakad kami papasok doon sa gusali at nagtungo doon sa kwartong kusang sumasara yung pinto. Astig!
Biglang nanlaki yung mga mata ko dahil pagbukas noong pinto ay nasa ibang lugar na kaming dalawa. Di ko pinahalatang nagulat ako doon sa magic room.
Lumabas agad si Mica mula doon kaya mabilis akong humabol sa kanya. Lumapit sya sa isang pinto ng kwarto at binuksan iyon. Pumasok sya sa loob kaya pumasok na rin ako.
"This is my room..... Ikaw muna ang bahala dito, matulog ka na kasi mamaya mapapagod ka" nakangising sabi nya saka lumabas ng kwarto. Pang gabi pala ang trabaho namin.
*****
Hey!!
Ito na ang prologue..... Sana may nagbababasa 💓
Vote and comment
-Dreamcatcher_ABZ-
BINABASA MO ANG
My Possessive Gay Actor (Possessive Gay Series)
RastgeleA Gay fall to a woman? But not just a gay Mr.Cleo John Kenneth Fuentes. A well-known actor, businessman, bachelor. A perfect man that anyone wants. But what if one day he meet a woman in a bar that make his cock erected for the first time. A One N...