Chapter 12:
Chariza POV
Kaagad akong tumigil at kumaway kay Andrew. Gulat ding napahinto si kuya Cleo at tumingin sa akin. Si Andrew ay kabaranggay ko. Magkaibigan kami pero noong lumuwas sya dito sa syudad ay nahinto ang komunikasyon namin.Mukhang napansin nya ko agad at nanlalaki ang matang tumingin sa direksyon ko. Patuloy lang ako sa pagkaway at humakbang para lumapit sa kanya ng biglang may humawak sa braso ko at pigilan ako.
Kaagad akong lumingon doon at nakita ko agad si kuya Cleo na nakakunot ang noo. Tumingin sya uli sa direksyon ni Andrew saka ibinalik ang tingin sakin.
"Kilala mo sya?" sobrang seryoso nyang tanong saka inilagay ang kamay nya sa kamay ko. Agad akong ngumiti at marahang tumango bilang sagot.
"Opo kuya Cleo, kababayan ko sya. Si Andrew." Mas lalong nangunot ang noo nya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Humugot sya ng malalim na hininga at pilit na ngumiti.
"Ah... Okey." Ngumiti ako bilang sagot at ibinalik ang tingin sa direksyon ni Andrew na papalapit na sa direksyon ko.
"Chariza? Ikaw ba yan?" Nanlalaki ang mata nyang tanong. Ngumiti ako ng malaki at kaagad na tumango.
"Oo ako nga ito, Andrew." Ngumiti sya ng malaki at bago pa ko makagalaw, pumulupot agad ang braso nya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
Ramdam ko ang biglang paghigpit ng hawak ni kuya Cleo sa kamay ko. Kakalas na sana ako sa yakap ni Andrew nang nay tumikhim sa likod ko.
"Cleo John Kenneth Fuentes nga pala," biglang sabi ni kuya Cleo. Kita ko ang paglahad ni kuya Cleo ng kamay nya kay Andrew. Kaagad kinalas ni Andrew ang yakap sa akin at tumingin kay kuya Cleo.
"I know you, Andrew Rodriguez." Sabay tanggap nya sa kamay ni kuya Cleo. Pansin ko ang talim ng titigan nilang dalawa. Nalalabasan na rin ang mga litid sa kamay nila. Parang handang makipag away.
"K-kain na p-po t-tayo... Sama k-ka n-na A-Andrew," nauutal kong sabi para maalis ang tensyon na nabubuo sa kanilang dalawa. Sabay silang napatingin sa akin at may kung ano sa mga mata nila. Lunok laway akong ngumiti at marahang lumapit kay kuya Cleo.
Sabay tumango si kuya Cleo at Andrew kaya naglakad kami papasok doon sa restaurant. Pumili agad kami ng table at mabilis na tumabi si kuya Cleo sa akin. Naupo naman sa harap namin si Andrew at direktang tumingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya dahil ramdam ko ang dark aura mula sa tabi ko.
"Musta nga pala Chariza?" Nagtaas ako ng tingin at direktang tumingin kay Andrew. Ngumiti ako at agad ding nag-iwas ng tingin.
"Ayos lang naman." Tumango sya sa sagot ko at nagtaas ng kamay.
Agad may lumapit na lalaki sa amin saka may iniabot. Tiningnan ko agad yung binigay nya at namili doon ng pagkain. I can feel the pressure na namumuo sa kanila kaya mabilis akong namili ng order at sinabi doon sa lumapit na lalaki.
"Ako na ang magbabayad —"
"No!! Ako na, Reserve your money... Ako nang bahala," biglang putol ni Kuya Cleo sa sinabi ni Andrew. Napatingin ako sa kanila na sobrang sama na nang tingin sa isa't isa.
"Ako nang magbabayad para kay Chariza," sobrang seryosong sagot ni Andrew. Pansin ko ang mas lalong pagtalim ng mata nila na kinatakot ko. Nakakuyom na rin ang mga kamao nila at baka magsuntukan sila anytime.
"Ako ang magbabayad kay Chariza, kung ayaw mo. Bayaran mo yung pagkain mo," galit na sagot ni kuya Cleo. Nag-aalala akong tumingin sa kanilang dalawa na sobrang sama na nang titig sa isa't isa.
"Uhm... S-si k-kuya C-Cleo na lang ang magbabayad sa akin," nauutal kong singit saka marahang tumingin sa kanila. Pansin ko ang pagtaas ng sulok ng labi ni kuya Cleo at paghigpit ng hawak nya sa kamay ko.
"Okey fine..." Sagot ni Andrew saka umayos ng upo.
Makaraan lang ang ilang segundo ay dumating na yung order namin. Sabay na hinawakan nina Andrew at Kuya Cleo yung order ko. Lunok laway akong napatingin sa kanilang dalawa na sobrang talim na naman ng titigan.
"Ako na!!" Seryosong sabi ni Andrew at hinila bigla yung pinggan.
"No!! Ako na ang magbibigay." Kinakabahan akong tumingin sa kay kuya Cleo na sobrang dilim na ng ekspresyon.
Kaagad akong tumayo at hinawakan yung pinggan ko. Mabilis kong hinila yun at pinatong sa pwesto ko. Nanlalaki ang matang napatingin sila sa kin kaya mabilis akong umupo. Di ko sila pinansin at sumubo na lang.
"Chariza pano kaya kung bumisita ka sa apartment ko," biglang sabi ni Andrew kaya nagtaas ako ng tingin sa kanya.
"No she won't!" Napalingon ako kaya kuya Cleo na sobrang seryoso na nang emosyon.
"I'm not talking to you Mr. Fuentes," naiinis na tugon ni Andrew. Kinakabahan uli akong lumingon kay kuya Cleo at hinigpitan yung hawak sa kamay nya.
Kaagad akong ngumiti na kinakalma nang ekspresyon nya. Huminga ako ng malalin saka tumingin kay Andrew na seryosong nakatingin sa amin.
"Sorry Andrew baka di ako makapunta sa inyo,"seryoso kong sagot saka umiwas ng tingin. Marahan syang tumango at pilit na ngumiti. Umayos sya ng upo at direktang tumingin sa mata ko.
"Okey lang... By the way saan ka nga pala nakatira?" Nahihiya akong tumingin kay kuya Cleo na seryosong nakatingin kay Andrew.
"She's living with me," seryosong sagot ni kuya Cleo na kinatingin sa kanya ni Andrew. Marahan syang tumango saka agad na tumayo.
"Oh... Okey, punta na pala ko... May gagawin pa ko eh" sagot ni Andrew saka naglahad ng kamay. Tumayo din agad si kuya Cleo saka tinanggap yung kamay ni Andrew.
"Sige Chariza." Ngumiti ako sa kanya saka kumaway bago umalis.
Huminga ako ng malalim bago humarap sa direksyon ni kuya Cleo. Sobrang seryoso nyang nakatingin sa akin at may kung anong emosyon sa mata nya na di ko mabasa.
Ibinalik ko yung tingin doon sa pagkain at agad na sumubo. Ramdam ko pa rin ang tingin nya sa akin kaya sobrang nagwawala yung puso ko.
"Kaibigan mo talaga sya." Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya na sobrang seryosong nakatingin sa akin.
"Opo... Kaibigan ko sya" tumango sya at tumingin doon sa pagkain nya. Pasimple akong napangiti dahil doon sa reaksyon nya.
"I don't like him as your friend" napatingin uli ako sa kanya at pilit na ngumiti.
"Crush nyo yata eh" nanloloko kong sagot. Nag-angat sya ng tingin at tumingin sa akin nang masama.
"I'm serious Chariza... Ayaw ko sa kanya. The way he look to you, yung yakap nya, yung hawak nya at lahat ng ginagawa nya. I hate it" gulat akong tumingin sa mukha nya at sobrang seryoso noon.
"Selos kayo noh... Tama ba?" Tumungo ako sa sinabi ko at medyo hinigpitan yung hawak ko.
"Yes I'm—"
Pinutol ko yung sasabihin nya at agad nilapat yung labi ko sa labi nya. Iniangat ko agad ang labi ko at nahihiyang umiiwas ng tingin.
"D-don't be jealous I'm your's"
"Sayo lang rin ako Chariza" lumingon ako sa kanya at bago ko pa makita ang mukha nya, lumapat na ang labi nya sa labi ko. May kung ano sa halik na yun and I love it.
*****
Dreamcatcher_ABZ
BINABASA MO ANG
My Possessive Gay Actor (Possessive Gay Series)
RandomA Gay fall to a woman? But not just a gay Mr.Cleo John Kenneth Fuentes. A well-known actor, businessman, bachelor. A perfect man that anyone wants. But what if one day he meet a woman in a bar that make his cock erected for the first time. A One N...