Chapter 11:
Chariza POV
Dali daling bumaba sa sasakyan si kuya Cleo at umikot sa pwesto ko. Mabilis nya kong pinagbuksan ng pinto at inalalayang bumaba. Iniikot ko agad ang paningin ko sa gusaling nasa harap. Napakatayog at napakalaki nito. Marami ring tao dito na pumapasok sa loob noon."Kuya Cleo ano pong ginagawa natin dito? Hospital ba yan? May sakit kayo? Bat di nyo sinabi agad" nag-aalala kong tanong na kinahalakhak nya. Nangunot agad ang noo ko dahil sa pagtawa nya. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Di naman ako nagbibiro. Yung lolo ko dinala namin sa hospital dahil may sakit.
Sinamaan ko sya ng tingin na kinatigil nya sa pagtawa. Tumingin sya sa mata ko at hinawakan ang kamay ko.
"Hahaha... M-mall yan C-Chariza" natatawa nyang sagot na kinatango ko. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. Bakit kasi napaka over reacted ko.
"Tara na!" nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya ng bigla nya kong hatakin papalapit doon sa mall.
Diretso lang syang naglakad habang hila hila ako. Napansin ko agad ang gulat sa mukha ng mga nakatingin saming tao. Ang ilan pa sa kanila ay kumukuha ng litrato.
Dali dali akong humabol sa kanyang mga hakbang. Sumabay ako sa paglalakad. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang makarating sa malaking pintuan. Umayos agad ng tayo yung bantay doon.
"Good morning sir... Have a nice day" bati nito kay kuya Cleo. Tumango lang si kuya Cleo saka binitawan ang kamay ko. Nagpatuloy siya sa pagpasok. Susunod na sana ako ng pigilan ako noong lalaki sa braso.
"Wait lang ma—"
"Don't touch her! She's with me" gulat na napabitaw yung lalaki sa akin. Nahintakutan siyang tumango kay kuya Cleo.
Sobrang seryoso na nang mukha ni kuya Cleo na masama ang tingin doon sa lalaki.
Humakbang ng isang hakbang si kuya Cleo palapit sakin. Inilagay nya agad ang braso nya sa batok ko at inakbayan ako. Sobrang dilim ng ekspresyon ng mukha nya.
"Come on, Let's go" bakas ang otoridad sa boses nya dahilan para mapilitan akong tumango.
Nagsimula uli kaming maglakad hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa loob. Nanatili lang akong nakatungo dahil sa takot. Ramdam ko ang mas lalo niyang paghapit sakin palapit sa kanya.
"S-sorry po" nauutal kong sabi sabay taas ng tingin sa kanya. Tumaas ang gilid ng labi nya ngunit sandali lang yun. Tumingin sya ng direkta sa akin saka umiling.
"It's not your fault. It's mine, dapat di kita binitawan doon... Naasar lang ako doon sa gwardya dahil sa ginawa nya, Ako lang ang may karapatang humawak sayo" mahina akong napatawa dahil sa sagot nya. Ang cute nya magselos. Nangunot agad ang noo nya dahil sa pagtawa ko.
"What? Bat ka tumatawa?" umiwas ako ng tingin. Bahagya kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Marami na ang nakatingin sa amin ngayon. Di ko alam kung bakit.
"Wala po... Don't worry sayo lang talaga ako" tumingin ako sa mata nya at itinaas ang gilid ng labi ko. Mabilis na namula ang pisngi nya. Nagbaba sya ng tingin at lalong dumikit sakin.
"I'm also just for you, Chariza" biglang sabi nya at bago pa ko makaimil lumapat ang mainit at malambot nyang labi sa labi ko. Mabilis din nya iyong binawi at matamis syang ngumiti.
Muli kong iniikot ang paningin ko. May mga tao nang nakapalibot samin. May nakaawang na ang labi at ang iba ay halos lumuwa na ang mata habang nakatingin samin ni kuya Cleo.
May nagpipicture at nagvivideo na rin. May ilang nagbubulungan habang nakatingin samin.
Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Nagbaba ako mg tingin at lalong sumiksik kay kuya Cleo. Agad akong hinatak paalis ni kuya Cleo. Mabagal lang syang humakbang habang hawak ang kamay ko. May dumating na ring mga nakauniform kagaya nang gwardya doon sa may pinto at pinaalis yung mga tao.
Patuloy lang kami sa paglalakad. Bahagya akong sumusulyal sa paligid, sobrang laki nitong mall. Dire diretso lang kami sa paglalakad hanggang sa may makita akong isang malaking larawan na pumukaw sa akin.
"Kuya Cleo ikaw ba yun?" Bigla kong sabi saka itinuro yung isang larawan. Napatingin sya agad doon saka ngumiti. Nilapitan agad namin yung larawan nya kaya mas nasuri ko yun agad. Tumingin uli ako sa kanya na sobra nang nagtataka habang nakatingin sakin.
"Why? May problema ba sa picture ko? Gwapo ba? Dyan ka baliw na baliw" natatawa nyang sabi sabay kindat sakin. Nakakaloko akong tumingin sa kanya at ibinalik ang tingin doon sa katawan.
"Mas gwapo pa yung picture kaysa sa personal. At mas hot at sexy pang tingnan" nangunot bigla ang noo nya sa sinabi ko saka tumingin sa akin ng diretso. Nginitian ko lang sya ng nakakaasar para dagdagan ang inis nya.
"Mas hot pala ha! Mamaya ka sakin sa kama. Di kita papatayuin bukas"
Tumawa ako sa sinabi nya at mas binigyan sya ng nakakaasar na tingin.
"Ano pong sabi mo kanina? Baliw na baliw ako sayo. Di kaya" mas lalong nangunot ang noo nya na halatang pinipigilan ang inis. Ngumisi lang ako sa pangungunot ng noo nya at umiwas ng tingin.
"Kayo kaya kuya Cleo ang baliw na baliw sakin" sumulyap ako sa mukha nya na sobrang seryoso na. Lunok laway akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nya. Galit na yata sya.
"Biro lang naman po yu—"
"Oo baliw na baliw ako sayo Chariza" umawang ang labi kong napatingin sa kanya. Nag-iwas agad ako ng tingin kasi iba na ang bilis ng heartbeat ko. Pero bago ko pa mailayo ang mukha ko. Nahawakan nya ang baba ko at pinigilan iyon. Pigil ang hiningang tumingin ako sa mata nya na sobrang seryoso.
Pinilit kong labanan ang ilang at tumitig lang sa mata nya. May kung anong emosyon doon na di ko mabasa.
"I like you Chariza... Gusto kita" gulat akong napatingin sa kanya kahit medyo disappointed ako. Bakit hindi I love you pero it's better than nothing. Maganda nang simula yun.
Ngumiti ako saka inilapat ang labi ko sa masarap nyang labi. Mukhang nagulat sya sa paghalik ko sa kanya kaya binawi ko rin agad.
Seryoso akong tumitig sa mata nya saka ngumiti ng mas matamis kesa dati.
"I like you too" nanlalaki ang mata nyang yumakap sa akin at parang batang tinadtad ng halik ang mukha ko.
"Kuya Cleo tama na" saway ko dahil di pa rin sya tumitigil. Huminto sya agad at parang batang tumingin sa mata ko.
"Sorry na Chariza. Ang sarap mo kasi, gusto na tuloy kitang kainin"
Natatakot akong tumingin sa kanya na kinatawa nya. Aswang ba sya at kakainin nya ko.
"Hahaha... Cute!! That's not ang ibig kong sabihin" kampante akong ngumiti saka humawak uli sa kamay nya.
Nagsimula uli kaming maglakad habang patingin tingin doon sa paligid. Ang dami ng tinitinda dito. Sayang lang wala akong pera pambili.
"Gutom ka na ba?" agad nyang sabi. Bigla akong tumigil at tumingin sa kanya. Marahan akong tumango habang hinihimas ang tiyan ko.
"Opo gutom na ko" natatawa syang napakamot sa ulo saka iniikot ang tingin.
"Okey kakain na tayo" masaya akong yumakap sa kanya na kinatawa nya. Agad din akong kumalas kasi gutom na talaga ako.
Agad kaming naglakad papasok doon sa isang kainan. Isang pamilyar na mukha ang dumako sa gilid ng mata ko.
Si Andrew...
*****
Dreamcatcher_ABZ
So ayun, naaasar ako kina Chariza at Cleo. Puro PDF🤣 kiss at yakap lagi. Respeto naman sakin🤣
BINABASA MO ANG
My Possessive Gay Actor (Possessive Gay Series)
RandomA Gay fall to a woman? But not just a gay Mr.Cleo John Kenneth Fuentes. A well-known actor, businessman, bachelor. A perfect man that anyone wants. But what if one day he meet a woman in a bar that make his cock erected for the first time. A One N...