Sa murang edad ay maagang iniwan si Erika ng sarili n'yang ina para sa ibang lalaki. Kahit gaano pa katigas ang ulo ng batang 'to ay hindi ko mapigilang maawa sa kanya.
"Pwede ba! Stop staring at me. Para kang tanga!" Reklamo ni Erika.
Nagbago na ang nararamdaman ko, hindi na pala ako naaawa sa kanya. Walong taong gulang palang s'ya pero parang sampung bibig na ng demonyo ang nakasapi sa kanya.
Mabilis kong binawi ang tingin ko kay Erika.
"Tapos ka na ba?" tipid ang ngiti kong tanong sa kanya.
May pinapasagutan kasi ako sa kanyang test questionnaire para malaman ko kung hanggang saan ang kaalaman n'ya. Alam kong matalinong bata si Erika at sana lang ay magamit n'ya 'yon hindi lang sa pagsagot ng pabalang sa akin kundi pati na rin sa pag-aaral.
"Can't you see na ang dami-dami nito? Ayoko na! Ang sakit nito sa ulo." Itinulak n'ya palayo ang questionnaire at padabog na ibinagsak ang hawak na lapis sa lamesa.
Pagak akong napatawa dahil sa ikinilos n'ya. Kinuha ko ang module at tiningnan kung gaano karami ang nasagutan n'ya. Hindi man lang n'ya nakalahating sagutan ang test. Imbis na gamitin ang utak ay mas nangibabaw ang katamaran n'ya.
"Alam kong matalino kang bata pero hindi mo tinutulungan ang sarili mo, Erika. Ano bang mapapala mo sa pagsusungit sa akin?"
Imbis na sagutin ang tanong ko ay inismiran n'ya lang ako.
"Binayaran ako ng papa mo para turuan ka. Kung iniisip mo na may iba akong intensyon sa pagpasok dito ay doon ka nagkakamali," paglilinaw ko sa kanya.
Hindi ko nga alam na ganun pala kagwapo ang tatay n'ya bago ako pumasok sa trabahong 'to. Magalit s'ya kapag nilandi ko na ang tatay n'ya. Atleast understood ang dahilan n'ya hindi ganitong magtataray at magagalit s'ya sa akin dahil lang sa mali n'yang akala. Hindi pa nga ako nagsisimula 'e.
Pero kidding aside, seryoso ako na mapabuti si Erika.
"Shut up! Hindi kita nanay para pangaralan ako! Get lost!" sigaw n'ya bago s'ya tumakbo palabas at iwanan ako.
Napabuntonghininga na lang ako dahil sa naging asal ni Erika. Mukhang mahihirapan ako sa batang 'yon. Isinandal ko ang likuran ko sa upuan pero mabilis din akong napatayo ng may dumamping hangin sa tenga ko. Mabilis akong tumakbo papalabas ng study room para maiwasan kung ano man ang pwede kong makita sa loob.
Malalaki ang mga hakbang ko habang binabaybay ang mahabang pasilyo pero kaagad din akong napahinto ng makita ko si Erika na nakasilip sa isang kwarto.
"Erika!" tawag ko sa kanya. Napalingon s'ya sa akin bago muling tumakbo papalayo.
Napatigil ako sa tapat ng kwarto na kaninang sinisilip ni Erika. Dahil sa kuryusidad ay napasilip din ako sa loob. Nakita ko si sir Eron na may kausap na babae.
"Ms. Merida." Halos mapatalon ako sa gulat nang sumulpot bigla sa likuran ko si Denise.
"Ano pong ginagawa n'yo r'yan?"
"H-Hinahanap ko si Erika. Tinakbuhan n'ya kasi ako bigla. Nakita mo ba s'ya?"
"Tinakbuhan ka ni Erika?"
Napatalon na talaga ako sa gulat ng marinig ang baritonong boses ni Sir Eron sa likuran ko. Mabilis akong napalingon sa kanya.
"O-Opo."
"Denise, call Claire and help her find Erika," utos ni Sir Eron kay Denise.
"Yes, Sir."
Kaagad na umalis si Denise para gawin ang ipinag-uutos ng boss n'ya. Susunod na rin sana ako kay Denise nang kausapin ako ng magandang babae na kasama ni Sir Eron.
BINABASA MO ANG
Lady of Jardin
HorrorCasa de Jardin, isang lumang mansyon na matatagpuan sa tutok ng bundok sa Isla Katalim. Ang bahay ay pagmamay-ari ng isang byudo at mayamang lalaki na nagngangalang Eron Thomas. Sa paghahanap n'ya nang maaaring mag-alaga sa anak na si Erika ay doon...