14 - Confess

1K 64 1
                                    

"Kave!" tawag ko sa kanya nang makita s'ya sa hardin.

"Hi, Merida. Where's Erika?" nakangiting tanong n'ya sa akin. Ang gwapo n'ya kahit simpleng white t-shirt at pants lang ang suot n'ya. Kaya crush ko 'to 'e.

"Kasama ni ate Claire. It's her afternoon nap," sagot ko saka sumabay sa paglalakad sa kanya.

"Gusto mo bang sumama sa akin lumabas bukas?" Out of the blue na tanong ni Kave. Sumulyap s'ya sa akin saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"H-Huh?" wala sa sariling usal ko.

Date ba ang ibig n'yang sabihin.

"Wala pa kasi akong nabibiling pangregalo para kay Erika. I really need your help in choosing the best gift for her."

Walangya! Pa-asa! Akala ko pa naman niyayaya n'ya na akong makipag-date sa kanya.

Oo nga pala. Birthday na ni Erika sa susunod na araw. Kailangan ko rin bumili ng ipangre-regalo ko sa kanya. Ano kayang magandang ibigay sa batang 'yon? 'Yong hindi n'ya malalait.

"Sure. May naisip ka na bang ipangreregalo mo?" tanong ko.

Umiling lang s'ya bilang sagot bago n'ya iabot sa akin ang isang puting bulaklak na hawak n'ya.

"I found it kanina. Wait," kinuha n'ya ulit sa akin ang bulaklak saka n'ya 'yon inilagay sa taas ng tenga ko. "You looked beautiful," papuri n'ya dahilan para uminit ang magkabila kong pisngi.

"S-Salamat."

"I'll fetch you tomorrow," pahayag n'ya bago s'ya tuluyang magpaalam na aalis na.

Mabait si Kave. Minsan ay iniisip kong imposibleng sangkot s'ya sa pagkawala ni Mallen at Lewis. Maganda kasi ang mga ipinapakita n'yang ugali, hindi lang kay Erika at sa akin kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Ito ang hirap sa akin. Mabilis akong magtiwala. Hindi ko alam kung ano ang totoo at hindi sa ipinapakita sa akin ng isang tao. In short, hindi ako marunong mag-judge. Kung ano ang nakikita ko ay 'yon ang papaniwalaan ko.

Papasok na ako sa mansyon nang mahagip ng mga mata ko si Denise na nakatanaw sa akin. Mabilis s'yang umiwas at naglakad papalayo nang magtama ang mga mata naming dalawa. Sinundan ko s'ya pero kaagad din s'yang nawala sa paningin ko. Tinungo ko ang isang daan na posibling tinahak n'ya pero lumusot lang ako sa isa pang pasilyo. Ang bilis n'ya namang maglakad.

Nakakapagtakang iniiwasan ako ni Denise. Dati naman ay nginingitian n'ya ako o 'di naman kaya ay kinakawayan kapag nagkakasalubong kaming dalawa pero ngayon ay bigla s'yang naging mailap sa hindi ko malamang dahilan.

Natigil ako sa paglalakad nang makita si Denise at Eron na nag-uusap hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Nagtago ako sa isang poste at pinagmasdan silang dalawa. Bakas sa mukha nilang dalawa na seryoso ang pinag-uusapan nila.

My curiosity is killing me. I think they're talking something important.

"MAY DATE ba kayo ni Uncle?" Bungad na tanong ni Erika pagpasok n'ya sa kwarto ko. Basta-basta na lang itong pumasok nang hindi man lang kumakatok.

Walang duda! Magka-ugali talaga sila ni Eron.

"Shh ka lang. Baka may makarinig sa'yo. Tsaka paano mo naman nasabing date 'to 'e nagpapasama lang naman sa akin ang tito mo na mamalengke. Walang malisya 'yon sa akin," depensa ko.

"Mamamalengke lang pala kayo' e bakit nag-effort ka pa na kulutin ang dulo ng buhok mo... and high heels? Really?" kunot-noong tanong ni Erika.

Mabilis kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Kahit hindi na ako magpaganda ay alam ko namang maganda na ako pero mas lalo ata akong gumanda dahil sa make-up at curly hairstyle ko. Napangiwi ako ng makita ang repleksyon ko sa salamin. Kinuha ko ang wet wipes ko saka binura ang makapal kong make-up.

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon