08 - Visions

1K 62 0
                                    

Kung anak ni Lewis at Maddie si Erika ay bakit nila iniwan sa poder ni Eron ang bata? Dahil ba hindi totoong nagtanan silang dalawa? Kung patay na si Mallen ay nasaan si Lewis?

Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko napansing nakasimangot na pala si Erika habang nakatitig sa akin.

"Did you inhale some kind drugs while I was asleep?" kunot-noong tanong n'ya sa akin.

Aba! May nalalaman ng drugs-drugs ang batang 'to!

Matapos ang ilang araw na pahinga ni Erika ay bumalik din kami kaagad sa klase. Katulad ng ipinangako ni Kamilla ay pinatingnan n'ya si Erika sa kaibigan n'yang psychiatrist. Once a week ang appointment ni Erika sa doctor. Hindi naman s'ya umangal 'don kaya panatag akong mahiging okay ang mental health n'ya.

"Tapos ka na ba sa pinapasagutan ko sa'yo?"

"Oo, kanina pa. Lutang ka kasi kaya hindi mo napansin," pagtataray n'ya.

Atleast bumalik na sa dati n'yang sarili si Erika. Huwag lang s'yang sosobra sa paga-attitude n'ya sa akin dahil baka ako naman ang pumatol sa kanya bukod sa demonyong nakabuntot sa kanya.

Matapos ang naging engkwentro ko sa diyablo ay hindi ko na ulit ito muling nakita o naramdaman. Nakakatakot dahil hindi namin alam kung kelan ulit ito aatake.

"Erika, dinadala mo ba palagi ang ibinigay ko sa'yong rosaryo?"

"Hmm. Regarding pala sa bagay na 'yon. I-I can't find it."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya. "Wala pang isang linggo 'yon sa'yo pero winala mo na kaagad. Gan'yan ka ba kagalit sa akin para hindi mo ingatan ang mga bagay na ibinigay ko sa'yo?" dismayadong tanong ko sa kanya.

"It's not what you think. Hindi ko sinadyang walain ang rosary mo. Marami nang dumaan na rosaryo and blessed items sa akin pero bigla na lang 'yon nawawala kapag sandali kong itinatabi," paliwanag n'ya sa akin.

Ikinalma ko ang sarili ko. "Okay."

"Are you mad?"

"I'm not mad. I'm just disappointed." Napabuga ako ng hangin.

Nasasayangan lang ako dahil pinaghirapan 'yong gawin ni Tito Mateo para sa akin. Akala ko kasi ay iingatan 'yon ni Erika kaya ipinagkatiwala ko 'yon sa kanya. Nakaka-dissappoint lang na malamang nawawala iyon.

HABANG nakababad ang katawan ko sa bathtub ay hindi ko pa rin mapigilang isipin ang mga napag-usapan namin ni Kamilla. Ang dami kong tanong na gustong hingan ng kasagutan pero ayoko namang ratratin s'ya ng madaming tanong. Baka isipin n'ya chismosa ako. Nakakahiya naman.

Ipinikit ko ang mga mata ko para i-relax ang isipan ko. Sumasakit lang ang ulo ko kakaisip ng mga kung ano-ano. Sa trabaho ko lang dapat ako naka-focus pero heto ako't gusting malaman ang misteryo sa mansyon at pamilyang 'to.

Mabilis akong napadilat ang mga mata nang maramdamang may gumagapang na kung ano sa braso ko.

"Ahhhh!" sigaw ko ng makitang may gumagapang na ipis sa braso ko. Natigil lang ako sa pagtili ng lumipad ito palayo sa akin.

Feeling butterfly ang peste!

Nandidiri kong sinabon ng paulit-ulit ang braso ko bago umalis sa bathtub. Palabas na ako ng banyo nang muli akong napasigaw dahil sa napakadaming ipis na nagkalat sa buong banyo. Muntik pa akong madapa habang tumatakbo palabas.

Bukod sa multo ay pangalawa ang ipis sa mga kinatatakutan ko.

Kaagad kong isinara ang pinto ng banyo pero muli akong napasigaw ng makita ang ilan pang ipis na nagkalat sa kwarto ko. Hindi na ako nag-atubiling lumabas ng kwarto dahil sa takto. Saktong paglabas ko ay s'ya ring pagdaan ni Eron.

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon