"Ang lalim ng iniisip natin ah." Mabilis akong napalingon sa lalaking nagsalita sa likuran ko. Makita ko si Raul na tulak-tulak ang isang construction cart na naglalaman ng mga gagamitin n'ya sa paghahardin.
"Hindi naman."
Linggo ngayon kaya day-off ko. Napagpasyahan kong pumunta muna ng hardin para magliwaliw, kung liwaliw nga ba ang ginagawa kong pagtulala rito.
"Talaga ba? Muntik na ngang tumulo laway mo 'e," biro ni Raul. " Nakita mo ba si Denise?" tanong n'ya sa akin.
Isang pilyang ngiti ang gumuhit sa labi ko ng marinig ang tanong n'ya. Napakamot s'ya ng batok, halatang nahiya sa akin.
"Nililigawan mo ba si Denise?"
"Iyon na nga ang problema ko, Ms. Merida. Hindi pa ako nagsisimulang mangligaw pero mukhang basted na ako."
Sa totoo lang ay gwapo naman si Raul. Tall, black and handsome to be exact! Siguro ay umitim lang s'ya dahil lagi s'yang nasa arawan.
Nagkwentuhan muna kami ni Raul ng ilang minuto bago magpaalam sa isa't isa. Halos dalawang taon n'ya na palang sinusuyo si Denise pero lagi naman daw s'ya nitong nilalayuan. Kawawang binata!
Nagpasya akong hanapin ang chapel dito sa mansyon. Gusto ko sana magsimba pero kailangan ko pang pumunta ng bayan at bumyahe nang pagkalayo-layo para lang magawa 'yon. Wala naman akong sasakyan kaya hanggang chapel na muna ako.
Mag-isa lang ako dahil kasama ni Ms. Kamilla ngayon si Erika sa bayan. Nag-bonding ang mag-tita. Inimbetahan din naman ako ni Kamilla na sumama sa kanila pero tinanggihan ko s'ya. Oras nilang magtita ngayon araw kaya ayaw kong maging sagabal.
Dapat pala ay tinanong ko na kanina kay Raul kung nasaan ang chapel. Sa sobrang laki ng mansyon ay baka bukas pa ako makarating 'don.
Habang naglalakad ay nakita ko si Eron at Kave na magkausap sa hallway. Nakangiting nagkukwento si Kave samantalang wala pa rin pagbabago sa ekspresyon ng gwapong mukha ni Eron. Tatalikod na sana ako para umalis ng bigla akong tawagin ni Kave.
Ang lakas ng radar ng isang 'to.
"Merida," tawag ni Kave sa akin. Wala akong choice kundi ang lumapit sa kanila. "Kamusta?"
"Okay lang naman," tipid kong sagot sa kanya.
"How about Erika?" sunod n'yang tanong sa akin.
"She's a sweet and intelligent girl. Hindi ako nahihirapang magturo sa kanya dahil matalino s'yang bata," sagot ko. Maldita at ma-attitude nga lang.
"You're right. Matalino nga ang batang 'yon. Mana sa akin, diba Eron?" pabirong pahayag ni Kave.
Wala kaming nakitang pagbabago sa ekspresyon ni Eron. Kahit ata sunugin s'ya ng buhay ay blanko pa rin ang magiging reaksyon n'ya.
"Saan ka nga pala papunta?" Pag-iiba ni Kave ng usapan.
"Sa chapel pero naliligaw ata ako," pag-amin ko.
"I know where the chapel. I'll come with you. Eron, gusto mo bang sumama?" pag-aya ni Kave sa boss kong mukhang mas matigas pa sa bato.
"No."
See? Taong bato nga s'ya.
"Okay. Let's go, Merida." Sumunod ako kay Kave.
Akala ko ay bad timing na makita ko sila pero hindi naman pala dahil mismong si Kave na ang magtuturo sa akin kung nasaan ang chapel na halos kalahating oras ko ng hinahanap.
"Halos magdadalawang linggo ka na rito sa mansyon. Congrats! You broke the record!"
Napalingon ako dahil sa sinabi ni Kave.
BINABASA MO ANG
Lady of Jardin
HorrorCasa de Jardin, isang lumang mansyon na matatagpuan sa tutok ng bundok sa Isla Katalim. Ang bahay ay pagmamay-ari ng isang byudo at mayamang lalaki na nagngangalang Eron Thomas. Sa paghahanap n'ya nang maaaring mag-alaga sa anak na si Erika ay doon...