15 - Intimate

1K 62 2
                                    

Sa tanang buhay ko ay ito ang unang beses na naging intimate ako sa isang lalaki.

NBSB ako. No boyfriend since birth, never been touch and never been kiss. Gulat kayo noh? Kahit ako ay nagulat rin dahil sa 27 years of existence ko sa mundong 'to ay ngayon lang...as in ngayon lang ako naka-experience na mahalikan.

Ligawin ako sa amin pero walang kahit na sinong lalaki ang nakakaporma sa akin dahil bantay sarado ako ni Tito Mateo at Lola Veron.

Ako kasi ang prinsess nila kaya ayaw nila akong nakikitang nasasaktan. Sobra-sobra na ang natatanggap kong stress sa mga multo kaya ayaw na nila 'yong madagdagan pa. Iyon ang rason kung bakit single ako hanggang ngayon.

"E-Eron," utal kong tawag sa pangalan n'ya.

"Hmm?"

Napakapit ako sa kwelyo n'ya nang siilin n'yang muli ng halik ang labi ko. Hindi ko mapigilang mapaungol dahil sa masarap na hatid ng labi n'ya sa akin pero nang mapagtanto kong mali ang nangyayari ngayon sa amin ay mahina ko s'yang itinulak. Akala ko ay magagawa kong makalayo sa kanya pero nagkamali ako. Muli n'yang hinuli ang labi ko saka n'ya hinawakan ang batok ko para mas laliman pa ang iginagawad n'yang halik sa akin.

Gumanti ako ng halik sa kanya. Kahit alam kong mali ay hindi ko maitatangging gusto ko ang nangyayari sa aming dalawa ngayon. I love the way he kisses me. Hindi marahas kundi maingat at masarap.

Sorry tito at lola, pero marupok ang prinsesa ninyo.

"Does this mean you like me too?" Nakangiting tanong n'ya nang maghiwalay ang labi naming dalawa.

Itatanong pa ba 'yan? Obvious naman!

Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg n'ya habang hinahabol ang hininga ko. Bukod 'don ay nahihiya rin akong harapin s'ya.

Sinuportahan ni Eron ang katawan ko para parehas kaming mapahiga sa maliit n'yang sofa. Halos nakapatong na ang kalahati kong katawan sa kanya habang nakapaunan ang ulo ko sa matigas n'yang dibdib.

"E-Eron."

"Hmm?" usal n'ya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri n'ya.

"S-Sigirado ka ba sa nararamdaman mo para sa'akin? Gusto mo ba talaga ako?" Hindi lang kasi talaga ako makapaniwalang magkakagusto sa akin ang boss ko.

"Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka? Do you want me to announce it to everyone? I don't mind."

Mabilis akong napa-angat ng tingin sa kanya dahil sa sinabi n'ya. "Don't tell anyone. H-Huwag muna!" Tarantang pahayag ko.

Mahina s'yang tumawa saka n'ya pinatakan ng halik ang noo ko. Hindi ko tuloy mapigilang mapatulala sa kanya dahil sa nasaksihan ko ngayon. May sweet side rin pala ang lalaking 'to.

"Stop staring at me. Do you want me to kiss you again?" tanong n'ya suot ang mapaglarong ngiti sa labi n'ya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya. Iiwas na sana ako ng tingin sa kanya nang hulihin n'ya ang pisngi ko at hagkang muli ang labi ko.

Ang hilig n'ya talagang mangnakaw ng halik.

Para akong nauupos na kandila dahil sa mainit n'yang paghalik sa akin. Ramdam ko rin ang kamay n'yang humahaplos sa likuran ko na mas lalong nagpadagdag ng init sa katawan ko.

"Do you want me to continue?" tanong n'ya sa akin.

Wala sa sariling napatango ako bilang sagot kanya. Wala na akong maisip na dahilan para pigilan pa ang nararamdaman ko. Ayoko munang mag-isip ng mga kung ano-ano. Sa ngayon ay kami na munang dalawa ni Eron.

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon