09 - The List

1K 64 0
                                    

Sandali akong nag-ipon ng lakas bago bumangon sa kamang kinahihigaan ko. Gusto kong magbabad sa malamig na tubig dahil sa mainit na pakiramdam na dulot ng lagnat ko.

Ilang araw na ba akong tulog at walang ligo? Napapunas ako sa noo ko bago mapalingon sa lalaking kasama ko sa kwarto.

Ano ang ginagawa ng isang 'to rito?

"Ilang araw na akong walang malay?" matamlay at namamaos kong tanong kay Eron na nakaupo sa upuang katabi ng kama ko.

"2 days," sagot n'ya habang nananatili sa binabasa n'yang libro ang atensyon n'ya.

Hindi na nakakapagtaka. Sa tuwing nagkakasakit kasi ako ay inaabot minsan ng halos apat na araw ang tulog ko.

"Nasaan si Erika?" sunod kong tanong sa kanya.

"She's with Kamilla. Pumunta sila sa bayan para bumili ng gamit mo."

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto.

Kung tanungin ko kaya s'ya ng patungkol kay Mallen? Masesesante ba ako kapag ginawa ko 'yon?

"I heard you; you kept calling Mallen's name while you were asleep."

Si Eron na ang bumasag sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Napa-angat ako nga tingin sa kanya at tiningnan kung anong reaksyon n'ya. Tsk. Blanko pa rin. Humugot muna ako ng hangin bago lakas-loob na tanungin si Eron ng isang bagay na alam kong ayaw n'yang marinig.

Bahala na!

"Sigurado ka bang iniwan ka ni Mallen para sa ibang lalaki?"

"Did Kamilla told you that?" balik na tanong n'ya sa akin.

"Naniniwala ka bang magagawa 'yon sa'yo ng asawa mo?"

"What the hell are you trying to say?" Tumaas ang tono ng pananalita n'ya.

"I don't think she could do that to you, Eron."

"You don't know anything." Madiin n'yang hinawakan ang magkabila kong braso para maiharap ako sa kanya. "You don't know any slightest thing about us. I don't know what Kamilla told you but that doesn't mean you know everything!"

"Si Mallen. Lagi s'yang nagpapakita sa panaginip ko." Halos pabulong na saad ko.

Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak sa akin ni Eron.

"I don't' think na alam mo lahat ng hirap na pinagdaan n'ya nang iwan mo s'ya sa poder ng mga magulang mo pero hinintay ka n'ya, Eron."

Ako ang nasasaktan para kay Mallen. Bakit kailangan n'yang danasin ang mga paghihirap na 'yon?

"W-What do you mean?"

"S-She's dead," nanginginig ang labing pahayag ko. Tuluyan na akong binitawan ni Eron bago tumalikod sa akin at marahas na mapahilamos ng mukha.

"T-That's nonsense!"

"Patay-"

"Stop!"

Nanlilisik ang mga mata n'ya sa galit ng lingunin n'ya ako. Hindi ko s'ya masisisi kung iyon ang mararamdaman n'ya. Wala akong pruweba na patay na talaga si Mallen at isa pa, bakit ko nga ba pinapakialaman ang personal n'yang buhay? Wala akong Karapatan.

"I don't want to see your face again," pahayag n'ya bago s'ya tuluyang lumabas ng kwarto.

Ayan kasi Merida! Dahil sa pangingialam mo sa buhay nang may buhay ay nawalan ka tuloy ang trabaho. Gaga ka rin 'e!

PARANG binagsakan ng pader ang mukha ni Erika ng pumasok ito sa kwarto ko. "What happened between you and dad? Bakit bigla ka na lang aalis, huh?" sunod-sunod na tanong n'ya sa akin.

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon