Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang naikot ang kwarto ko habang dina-dial ang numero ni Fr. Wilson. Gusto kong alamin sa kanya kung posibling hindi sa isang bagay nakakabit ang pagkatalo ng demonyong banta sa buhay ni Erika.
Paano kung isa pa lang tao ang pinakaiingat-ingatan ni Susan noong nabubuhay pa ito?
Paano kung si Erika 'yon?
Hindi ko naman maaaring sunugin si Erika ng buhay para lang mapuksa ang demonyong 'yon.
Napabuntonghininga ako nang muling maputol ang ginawa kong pagtawag kay Fr. Wilson. Apektado ang signal dito sa mansyon dahil sa malakas na pag-ulan.
Madami ang bumabagabag ngayon sa akin. Hindi ko alam kung saan magsisimula at kung ano ang uunahin. Ang kaso ba ni Mallen o ang demonyong banta sa buhay ni Erika? Ang hirap pumili lalo na pareho itong importante at dapat na pagtuonan ng pansin.
Nabaling ang tingin ko sa pinto nang marinig ang ilang mahihinang katok sa labas. Pinagbuksan ko kung sino ito at bumungad nga sa harap ko si Erika. Hila-hila n'ya ang malaki n'yang unan habang kinukusot ang inaantok n'yang mga mata.
"Can I sleep here?"
"Sure," tipid kong sagot sa kanya saka ko s'ya inalalayan paakyat sa kama ko.
"I had a bad dream." Tumagilid s'ya ng higa paharap sa akin habang yakap-yakap ang unan n'ya.
"Ano 'yon?"
"I saw a black lady laying next to me. Nakakatakot s'ya. Ginagamit n'ya ang mahahaba at matatalim n'yang kuko sa paghaplos sa mukha ko. Gusto kong sumigaw pero natatakot ako na baka saksakin n'ya ako gamit ang kuko n'ya. I can't clearly see her face dahil nga madilim pero kitang-kita ko ang buhaghag at mahaba n'yang buhok. Alam mo ba ang nakakapagtaka? Her smell. Pamilyar sa akin ang amoy n'ya. Katulad ng amoy ni Grannie pero may halong bad smell," pahayag nito.
Ayoko nang maulit ulit ang mga nangyari kanina kay Erika. Ako lang ang nakakaalam sa sitwasyon n'ya kaya mas magiging masakit para sa akin kapag may nangyaring masama sa kanya.
"Naalala mo ba kung paano ka napunta sa ilalim ng kama mo?" tanong ko sa kanya.
"Huh? I can't remember. Nagising ako kanina sa higaan ko."
"It's okay. Matulog ka na ulit."
"You looked stress. Hindi ka pa ba matutulog?" tanong n'ya sa akin.
"Matutulog na rin," sagot ko bago mahiga sa tabi n'ya.
NAALIMPUNGATAN ako nang may marinig akong humihikbi. Pagbangon ko ay doon ko nakita si Erika na nakatalikod sa akin habang nakaupo sa gilid ng kama ko.
"Erika," namamaos kong tawag sa kanya. "May problema ba?" tanong ko. Hinawakan ko s'ya sa balikat para iharap s'ya sa akin pero laking gulat ako nang makitang hawak-hawak n'ya ang music box na itinago ko.
Paano n'ya 'yon nahanap? Itinago ko iyon sa loob ng maleta ko.
"A-All this time nasayo lang pala ang music box ko." Bakas sa boses n'ya ang pagkadisgusto sa akin habang mahigpit ang pagkakahawak sa music box n'ya. "I trusted you! Alam mo kung gaano ka-importante sa akin ang bagay na 'to tapos kukunin mo lang ng walang paalam?! I hate you!"
"E-Erika. Let me explain." Mahinahon kong saad pero mabilis s'yang tumalon pababa ng kama at padabog na lumabas ng kwarto ko.
Wala ako sa sarili habang naglakad papunta sa study room. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Sigurado akong hindi ako mapapatawad ni Erika ng ganun kadali dahil katulad ng sinabi n'ya, alam ko kung gaano kaimportante ang music box na 'yon sa kanya pero nagawa ko pa rin 'yon kunin ng walang paalam.
BINABASA MO ANG
Lady of Jardin
HorrorCasa de Jardin, isang lumang mansyon na matatagpuan sa tutok ng bundok sa Isla Katalim. Ang bahay ay pagmamay-ari ng isang byudo at mayamang lalaki na nagngangalang Eron Thomas. Sa paghahanap n'ya nang maaaring mag-alaga sa anak na si Erika ay doon...