"Merida! Bilisan mo! Baka maiwan ka na ng ferry!" sigaw ni Tito Mateo.
Mabilis kong isinabit sa balikat ko ang sling bag ko at hinila ang maletang dadalhin ko. "Tito! Patulong naman po, paki baba po ng maleta ko."
Hindi kinaya ng powers ko ang bigat ng maleta kaya tumawag na ako ng reinforcement. Narinig ko ang mabibigat na yabag ni tito paakyat ng hagdang gawa sa kahoy.
Naku! Siguradong nakakunot na naman ang noo ng tito ko.
"Nagpaalam ka na ba kay mama?" tanong ni tito kaya umiling ako bilang sagot. "Hay naku. Ang bagal-bagal mong kumilos. Puntahan mo na si mama. Hindi ka hihintayin ng ferry kaya kung ayaw mong maiwan ay bilis-bilisan mo naman! Ang batang 'to talaga!" Dismayang pahayag n'ya. "Paano ka ngayong malayo ka na sa amin?"
"Tito naman 'e! Hindi na ako bata!" Nakangusong sabi ko. Lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso n'ya. "Wag n'yo po akong laging iisipin ah. Baka hindi ako makatulog tuwing gabi n'yan." I giggled.
"Mag-iingat ka 'ron, Merida. Wala kami ng lola mo sa tabi mo para bantayan ka. Ang lampa mo pa naman minsan," mapang-asar na pahayag ni tito. Umakbay s'ya sa akin bago ako nito halikan sa tuktok ng ulo ko. "O s'ya! Puntahan mo na ang lola mo."
Walong taong gulang palang ako noong iwan ako ni mama at papa kina Tito Mateo at Lola Veron. Matapos kasi maghiwalay ang mga magulang ko ay nag-asawa na ang mga ito at bumuo ng kanya-kanya nilang pamilya nang hindi ako kasama. Simula nun ay si Tito Mateo na ang tumayong tatay ko na s'yang pinsan ni papa at si lola Veron naman ang tumayong nanay ko. Walang asawa at anak si Tito Mateo kaya sa'kin talaga umikot ang mundo n'ya.
Kung itatanong n'yo kung masaya ako, aba'y oo naman! Wala akong sama ng loob sa mga magulang ko. Pasalamat pa nga ako sa kanila kasi napunta ako sa poder nina Tito Mateo at lola Veron. Hindi kasi nila akong itinuturing na iba. Pamilya at anak, iyon ako para sa kanila.
Patakbo akong pumunta sa kwarto ni lola.
"Lola!" Naabutan ko s'yang nakaupo sa dulo ng kama n'ya hawak ang isang helmet. "Lola, aalis na po ako."
"Merida, apo! 'Wag kang atat, heto dalhin mo 'to." Sabay abot n'ya sa'kin ng helmet na kulay pink. May naka imprint pa na mukha ni Patrick the starfish dito.
"Ano namang gagawin ko rito? Wala naman po akong motor o bike," puno ng pagtatakang tanong ko.
Ibabalik ko na sana kay lola ang helmet ng hampasin n'ya ako sa braso.
"Lola naman 'e."
"Kahit wala kang motor o bike lagi mo 'yang isusuot! Paano kung walang sumalo sa'yo kapag hinimatay ka? Aba'y siguradong tigok ka n'yan apo! Hindi bakal 'yang ulo mo para pabayaan mo lang!" Sermon ni lola na ikinatawa ko na lang. "Kasi naman! Ba't ba kailangan mo pang umalis?"
Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay ni lola saka ko inihilig ang ulo ko sa balikat n'ya.
"Lola diba napag-usapan na natin 'to? Kailangan natin ng pera para mabayaran natin 'tong mansyon mo."
"Mansyon ka d'yan!" Natatawang saad n'ya sabay hampas na naman sa braso ko. Brutal talaga ng lola ko!
"Hahaha! Basta lola, babalik ako kapag nabayaran ko na ang bahay. Hindi na pweding magtrabaho si Tito Mateo dahil mahina na ang puso n'ya kaya ako na lang muna ang didiskarte." Lumapit ako kay lola at niyakap s'ya ng mahigpit. "Alagaan mong mabuti ang sarili mo, lola."
"Oo naman, apo. Gusto ko pang makita ang magiging apo ko sa tuhod," nakangising pahayag n'ya.
"Hahaha! Gagawan ko yan ng paraan, 'la," natatawang tugon ko bago humiwalay sa pagkakayakap sa kanya at halikan s'ya sa noo.
BINABASA MO ANG
Lady of Jardin
HorrorCasa de Jardin, isang lumang mansyon na matatagpuan sa tutok ng bundok sa Isla Katalim. Ang bahay ay pagmamay-ari ng isang byudo at mayamang lalaki na nagngangalang Eron Thomas. Sa paghahanap n'ya nang maaaring mag-alaga sa anak na si Erika ay doon...