10 - The Priest

1K 71 2
                                    

"Sinong detective ang nag-imbestiga sa kaso ni Mallen?" tanong ko kay Eron.

Nandito ako ngayon sa opisina n'ya at nakaupo sa maliit na sofa na kaharap lang office table n'ya.

We are currently reviewing Mallen's case. Hindi ko alam kung paano nakuha ni Eron ang mga files na 'to sa mga pulis. Lahat ng nakuhang ebidensya at impormasyon sa imbestigasyon ay hawak namin ngayon. Hindi ito ang original files pero sobrang makakatulong ang mga ito sa amin.

"Detective Jorge Garcia. He's a family friend," sagot n'ya habang nakapako ang tingin sa hawak n'yang brown folder.

"Family friend? Do you trust him?" sunod kong tanong sa kanya.

"Mas pinagkakatiwalaan ko s'ya kesa sa'yo," sagot n'ya na ikinasimangot ko. Sinamaan ko s'ya ng tingin pero kaagad din akong ngumiti ng mag-angat s'ya ng tingin sa akin.

"Ilang taon ka na?" sunod kong tanong sa kanya.

"Is that necessary to the investigation?" kunot-noong tanong n'ya sa akin.

"Y-Yes." Hindi naman talaga 'yon kailangan. Wala lang, gusto ko lang talagang malaman kung ilang taon na s'ya.

"34."

Seryoso? Bakit parang nasa early 20's lang ang itsura n'ya? Ano kayang beauty routine ng lalaking 'to?

Tumango lang ako saka muling ibinalik ang tingin ko sa hawak kong mga papel. Hindi pa ako nagsisimulang magtanong ng mga bagay-bagay patungkol sa asawa n'ya pero parang highblood na kaagad s'ya.

Lumapit ako sa maliit na mesa kung saan may nakapatong na mamahaling pitcher at baso saka ako nagsalin ng malamig na tubig at dinala 'yon sa kanya.

"Heto po, pampalamig ng ulo."

Pwede mo ring ibuhos sa ulo mo para mas effective!

Makakakuha ba ako ng maayos na sagot sa lalaking 'to nang hindi n'ya ako pinapatay ng tingin n'ya? I doubt it.

Huminga ako ng malalim bago magsimulang magtanong. Hindi ko na lang pinansin ang seryoso n'yang tingin sa akin.

"Hand written love letters and diary ang naging ibidensya ng mga pulis para sabihing may relasyon si Lewis and Mallen. Well, para sa akin mabilis lang gumawa ng ganun at isilid sa kwarto ni Lewis."

"Are you telling me that they planted the evidence at Lewis room?" tanong ni Eron.

"Possible. Not sure," nagkibit-balikat ako. "Pero aminin mo, malaki ang posibilidad na ganun nga ang ginawa ng suspect. Sino ba ang nakahanap ng mga 'yon sa kwarto ni Lewis? Was it Detective Jorge?"

"Oo. I'm with him when he found the diary and the letters, kaya imposibling s'ya ang naglagay nun 'don."

"Nakita mo bang kinuha n'ya sa orihinal na pinalalagyan nito ang mga ebidensya?"

"Hawak na n'ya ang mga sulat."

"Hindi mo ba s'ya pinaghinalaan na baka kasabwat s'ya ng totoong pumatay kay Maddie."

"No. It doesn't make sense. Why would he do that?"

"Baka may nag-utos sa kanya. It's just a theory. Wala pa tayong ebidensya na magpapatunay na ginawa n'ya nga 'yon. Let's list down all the possibilities."

Nakita ko ang malalim na pagbuga ng hangin ni Eron bago isandal sa backrest ng swivel chair n'ya ang likuran n'ya at mariin akong titigan.

"Paano mo nasabing maraming pinagdaanan ang asawa ko noong wala ako sa tabi n'ya? Your statement really bothers me." Napa-ayos ako ng upo dahil sa tanong ni Eron.

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon