07 - Mallen

1K 71 1
                                    

Halos wala ng mapaglagyan ang salompas sa likod at balikat ko dahil sa sakit ng buo kong katawan. Walanghiyang demonyong 'yon! Mapapatos din kita one of this day! Maghintay ka!

Hmm. Mallen?

Ang pangalang 'yon, narinig ko na 'yon sa panaginip ko. S'ya ang babae chapel.

Pagbukas ko ng pinto ay kaagad na bumungad sa harap ko si Eron. Halos mapatalon pa ako sa gulat ng makita s'yang nakatayo sa harap ng pinto ko.

"I need to talk to you," maawtoridad n'yang saad.

Tumango lang ako bilang sagot at pinapasok s'ya sa loob ng kwarto ko.

Napatampal ako ng noo ng makita ang mga nagkalat na kandila sa sahig. Mabilis kong binuksan ang mga kurtina para mas lumiwanag ang kwarto saka ko pinulot isa-isa ang mga scented candle sa lapag.

Nakita kong nakatingin s'ya sa helmet na nakapatong sa higaan ko. Nagtataka siguro s'ya kung bakit ako may yuping helmet.

"T-Tungkol po saan ang pag-uusapan natin?" magalang kong tanong na kumuha sa atensyon n'ya.

"About what you said earlier."

Naniniwala na ba s'ya sa akin?

"I don't want to hear those kind of nonsense ever again. Ayoko ng marinig ang nga ganoong bagay kagaya ng Lady of Jardin na usap-usapan dito sa loob ng mansyon ko. I don't want anyone to spread rumors about my house and what happened to Erika is just an accident. Walang multo sa pamamahay ko. And ghost...they don't exist."

Mabilis ko s'yang hinarangan bago pa man s'ya makalapit sa pinto at makalabas.

Hindi ko mapigilang mainis. Para kasing sinasabi n'yang kasinungalingan lang ang lumabas sa bibig ko ng sabihin ko sa kanyang nakakakita ako ng multo.

"Kailangan ng tulong ni Erika! Hindi multo ang nakabuntot sa kanya kundi isang-"

"I don't think you're feeling well Ms. Merida," pagputol n'ya sa akin.

"Oo! Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko!"

Kung alam n'ya lang ang sakit ng katawan na inabot dahil sa pagbalibag sa akin ng demonyong iyon.

"Mr. Thomas, siguro ay iniisip mo na nababaliw na ako pero totoo lahat ng mga sinasabi ko!"

Bakit ba ang tigas ng pader na nakaharang sa lalaking 'to?! Dapat pala ay isinama ko s'ya sa pagharap ko sa demonyong humahabol sa anak n'ya kanina para nakita n'yang totoo ang mga sinasabi ko.

Pwes, kung ayaw n'yang maniwala ay papatunayan ko 'yon sa kanya. Kailangan ko munang malaman kung sino si Mallen!

Matapos ang naging pag-uusap namin ni Eron ay mas lalo lang akong ginanahan na ungkatin ang patungkol sa totoong pagkatao ni Mallen at nang iba pang misteryo hindi lang sa bahay na 'to kundi pati na rin sa mag-amang Thomas.

Gusto kong tanungin si Madam Ruth at ate Claire patungkol kay Mallen pero parang hindi magandang ideya kung didiretsuhin ko sila kaya naman si Denise na lang ang pinatawag ko. Baka kasi may alam s'ya sa babaing iyon since simula pagkabata ay dito na s'ya nakatira sa mansyon.

"Ms. Merida, bakit n'yo po pala ako pinatawag?" magalang na tanong ni Denise sa akin pagpasok n'ya sa kwarto ko.

"May itatanong lang sana ako, Denise," panimula ko. "May kilala ka bang nagngangalang Mallen na dating nakatira rito sa mansyon?"

"Mallen? Wala po," sagot n'ya.

"G-Ganun ba?" dismayadong saad ko saka ako malalim na napabuntong hininga.

"Bakit n'yo po pala naitanong?"

Kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa mga nalalaman ko ay baka isipin n'yang nababaliw ako. Lola n'ya si Madam Ruth kaya baka 'yon ang maging dahilan ng matanda para tuluyan na anong mapalayas dito kung sakali man na ilaglag n'ya ako.

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon