04 - Danger

1.1K 69 2
                                    

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay kaagad kong tinungo ang kwarto ni Erika para i-check ang lagay n'ya. Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa aninong 'yon. Nag-aalala rin ako na baka may gawin na naman ito kay Erika.

Pagbukas ko palang ng pinto sa kwarto ni Erika ay ramdam ko na ang negatibo nitong presensya sa loob. Nagsimulang manginig ang kamay ko na nakahawak sa doorknob. Kailangan kong malaman ang totoong motibo nito kay Erika dahil kung hindi, hindi nito titigilan ang bata hanggang sa mapatay n'ya ito.

Ito ang unang beses na gagawin ko ito, ang humarap sa isang espirito...o demonyo.

Mag-aala sais palang ng umaga kaya hindi pa ganun kaliwanag ang paligid. Tulog na tulog si Erika habang nakatayo sa tabi nito ang malaking itim na anino.

Napahakbang ako paatras dahil sa matinding takot. Hindi ko ata kaya. Sila ang kahinaan ko at kahit kelan ay hindi ko sila magagawang harapin nang buo ang loob ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Mabilis akong napalingon sa nagsalita sa likuran ko.

Si Eron.

"G-Gusto ko lang i-check ang lagay ni Erika."

Muli kong inilipat ang tingin ko sa anino pero wala na ito 'ron. Naunang pumasok sa akin si Eron sa loob kaya sumunod na ako sa kanya.

"Humihingi ko ako nang paumanhin sa nangyaring aksidente kahapon. Kasalanan ko dahil hindi ko s'ya nabantayan ng maigi," pahayag ko. Napaayos ako ng tayo nang lingunin n'ya ako.

"It's her fault. Kung hindi ka n'ya tinakbuhan edi sana'y walang nangyaring masama sa kanya. Other than that, bakit s'ya nasa kwarto mo? I think she's plotting something kagaya ng mga ginawa n'ya sa iba n'ya pang naunang guro para mapaalis ang nga ito. She planted a bomb resulting in her own accident. What happened to her is her own fault, " seryosong pahayag ni sir Eron.

Mahigpit akong napakuyom ng mga kamao dahil sa narinig ko mula kay Sir Eron.

Paano n'ya nagagawang sabihin 'yon? S'ya lang ang magulang na imbis na mag-alala sa anak ay taliwas pa ang sasabihin nito laban sa bata. Mukhang tama nga ako. Wala nga talaga s'yang malasakit kay Erika!

Hindi na lang ako umimik. Kinimkim ko na lang ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya.

"ERIKA, sigurado ka ba talagang maayos na ang pakiramdam mo? Pwede naman nating ituloy 'to bukas. Magpahinga ka na muna ngayon," pahayag ko.

Kasalukuyan n'yang tinatapos ang questionnaire na iniwan n'ya kahapon. Nagulat ako kanina ng wala pang alas-otso ng maabutan ko s'yang nasa study room at nauna pa sa akin.

"I'm fine," tipid n'yang sagot kaya naman hinayaan ko na lang s'ya.

Inilabas ko mula sa bulsa ko ang binditadong rosaryo na gawa ni tito Mateo. Proteksyon ito para sa mga masasamang espirito at sa tingin ko ay mas kailangan ito ni Erika kesa sa akin.

"Ano 'to?" nakakunot ang noo n'yang tanong sa akin nang ilagay ko sa harap n'ya ang rosaryo.

"Don't tell me ngayon ka lang nakakita ng rosaryo."

"Of course not!"

"Bakit ka nagtatanong kung alam mo naman pala," natatawang saad ko kaya mas lalong kumunot ang noo n'ya. "Lagi mo 'yang dadalhin kahit saan ka man pumunta dahil proteksyon 'yan sa kagaya mong lapitin ng disgrasya."

"What do you mean?" mataray na tanong n'ya. Ayan na naman, nagtataray na naman s'ya.

"Narinig kong palagi kang nadidisgrasya."

"Hindi kaya!" giit n'ya.

"Kung ganun ay lampa ka lang talaga."

"Hindi!" Depensa n'ya. Halos mamula ang mukha n'ya sa inis sa akin.

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon