18 - Trust Issues

1K 57 8
                                    

"Anong meron sa inyo ni Denise? Bakit magkasama kayo sa greenhouse kahapon at bakit yinakap mo s'ya? Paki-explain!" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Nanatiling walang emosyon ang mukha n'ya habang nakatitig ng mariin sa akin. Hanggang ngayon ay tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit ako nahulog sa iceberg na 'to. Self, paki-explain.

"She's helping me with the case. I just comforted her that day," sagot n'ya.

"B-Bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi lang tayong dalawa ang nagtutulungan sa kasong 'to?"

"Do I have to?" tanong ni Eron na nagpa-igting ng panga ko.

Do I have too? Syempre!

Kung gusto n'ya talagang mapadali ang pag-iimbestiga namin sa kaso ni Mallen at Lewis ay dapat sinabi n'ya kaagad sa akin para mapagtulungan 'yon naming tatlo.

He doesn't trust me.

Tama! Wala pa rin s'yang tiwala sa akin kaya hindi n'ya nagawang sabihin na nakasali rito si Denise. Mas may tiwala s'ya kay Denise kesa sa akin. Pagak akong napatawa nang ma-realize ang sagot sa tanong ko.

Sa panaginip lang ako naka-base kaya imposibleng makuha ko ang tiwala n'ya ng ganun kabilis. Bakit ang laki ng tiwala kong paniniwalaan n'ya ako?

Porket ba may nangyari na sa aming dalawa kaya todo expect naman ako sa kanya?

Ang tanga mo, Merida. 

"Merida," tawag n'ya sa akin.

"It's okay Eron. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin sa akin lahat. I get it now. Hindi ka pa rin naniniwala sa kakayahan ko." Aalis na sana ako nang muli ko s'yang nilingunin. "Miscarriage. Namatay ang unang anak ninyo ni Mallen bago pa man ito maisiling. Mallen made me see it."

Nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Eron. Do you believe now? Kung hindi pa rin ay bahala ka na sa buhay mo! Umalis ako at lumabas ng kwarto n'ya nang hindi hinihintay ang sunod n'yang sasabihin.

"Merida," tawag sa akin ni Denise kaya mabilis akong napalingon sa kanya. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

Sinundan ko s'ya hanggang sa makarating kami sa maids quarter. Ito ang unang beses na makapasok ako rito.

Kung titingnang mabuti ay para lang itong normal na bahay. Ang kaibahan nga lang ay nasa basement ito ng mansyon. Hindi mo nga aakalaing basement ito at maids quarter dahil sa kompletong mga kagamitang nandirito. Matagal na silang naninilbihan sa mga Thomas kaya naman ipinagkatiwala na sa kanila ang lugar na 'to.

"Nabanggit na ba sa'yo ni Eron?" tanong ni Denise.

"Ang alin?" pagmamaang-maangan ko kahit ang totoo ay alam ko na ang tinutukoy n'ya.

"Two years ago nang bigla na lang nawala ang kapatid ko at si Ms. Madeline. Ayon sa imbestigasyon ay nagsama sila at nagtanan pero hindi ako naniniwalang magagawa nila 'yon. Lumaki ako rito sa mansyon kaya alam ko ang mga sekreto ng pamilya Thomas. Saksi ako sa lahat ng mga napagdaanang paghihirap ni Mallen sa kamay ni Susan at Don Pabio at lahat nang 'yon ay alam din ni Eron," pahayag ni Denise.

Tsk. Ang galing pala umarte ni Eron. Akala ko ay wala talaga s'yang alam patungkol sa mga pinagdaanan ng asawa n'ya pero nagkamali ako. Ang galing ng acting n'ya! Bwisit s'ya! Pinagmukha n'ya akong tanga.

Umarte ba s'ya na parang walang alam para lang subukan ako?

"Halos isang taon na namin pinagtutulungan ni Eron ang kaso ni Lewis at Mallen pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming lead. Nang sabihin mo kay Eron ang teyorya mo na maaaring sangkot si Detective Jorge sa pagkawala ng dalawa ay doon na muling umandar ang kaso. Pinagkakatiwalaan ng pamilya Thomas si Detective Jorge kaya hindi kami naghinala sa kanya noon."

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon