22 - Old Room

1.3K 69 14
                                    

"Sigurado ka bang maayos na ang pakiramdam mo, 'nak?" puno ng pag-aalalang tanong sa akin ni Tito Mateo.

Matapos ang halos dal'wang linggo kong pamamalagi sa hospital ay sa wakas, pinayagan na ako ng doktor ko na umuwi kahapon.

Samantala, ngayong araw ang uwi nina Lola Veron at Tito Mateo dahil maayos naman na ang lagay ko.

"Opo nga, tito," natatawang sagot ko. Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses n'ya na iyon na itanong sa akin simula pa kaninang pag-alis namin sa mansyon.

"Tumigil ka na nga, Mateo," suway ni lola sa kanya. Lumapit sa akin si lola saka n'ya hinawakan ang magkabila kong kamay. "Mag-iingat ka apo. Huwag mo kaming pababalikin diyo kung nakaratay ka na naman sa hospital. Mas magiging masaya ako kung kasal na ang babalikan namin ng tito mo," pahayag ni lola ni ikinangiwi ko.

Bumaling s'ya kay Eron saka n'ya ito nginitian with matching thumbs up pa. Nag-init ang mukha ko dahil sa ginawa ni lola. Para kasing may ipinapahiwatig s'ya sa ngiti n'yang iyon.

Si lola talaga.

"Ipagpaumanhin mo hijo kung hihingi ako ng pabor sa'yo pero maaari mo bang masigurado sa akin na hindi na ulit malalagay sa alanganin ang buhay ng apo ko?"

"Her safety is my priority. Don't worry, I'll make sure that it will never happen again," magalang na sagot ni Eron.

"Mabuti naman kung ganun. Oh s'ya! Aalis na kami," deklara ni lola. "Merida, balitaan mo kaagad kami tungkol sa kasal ninyo," pang-aasar pa ni lola.

"La!"

Hindi ko mapigilang malungkot habang pinapanood ang papalayong ferry na sinasakyan nina Lola Veron at Tito Mateo. Gan'tong-gan'to rin ang pakiramdam ko nang unang beses akong umalis sa amin.

Napa-angat ako ng tingin kay Eron nang maramdaman ang braso n'ya sa bewang ko.

"Let's go?" tanong n'ya sa akin kaya tumango ako bilang sagot.

Inalalayan ako ni Eron papasok sa passenger seat. Akala ko ay isasara n'ya na ang pintong katabi ko pero nagulat ako ng dumukwang s'ya saka n'ya pinatakan ng halik ang labi ko.  "We'll visit them soon." Nakangiti n'yang pahayag.

"T-Talaga?"

"Yup. Kaya 'wag ka ng sumimangot," saad n'ya habang masuyong hinahaplos ang pisngi ko.

Nakakapanibago naman ang lalaking 'to. Baka naman ginagawa n'ya lang 'to para mapapayag n'ya akong sa kwarto n'ya lumungga.

"Eron, hindi ako magi-stay sa kwarto mo," saad ko.

"Merida," bumuntonghininga s'ya. Gusto kong matawa dahil sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon n'ya.

"My decision is final. Kung ayaw mong magalit ako sa'yo ay susundin mo ang gusto ko."

Tumalikod s'ya sa akin saka s'ya mahinang napamura. Nakita ko ang ginagawa nitong pag-hilot sa kanyang sintudo bago muling humarap sa akin at hawakan ang kamay ko.

"Fine, pero sa bagong kwarto ka ni Erika tutuloy. Katabi lang 'yon ng kwarto ko kaya mababantayan ko kayong dalawa ng mabuti."

"Deal," sagot ko.

Mababantayan ko rin si Erika kung nasa iisang kwarto lang kaming dalawa.

PAGDATING sa mansyon ay kaagad kong inayos ang mga gamit ko para sa paglipat sa kwarto ni Erika. Sana lang ay makuha ko kaagad ang loob ng bata. Isa iyon sa dahilan kung bakit pumayag ako sa gusto ni Eron.

Nalipat ang tingin ko sa pinto nang may kumatok. Kaagad akong tumayo saka ito pinagbuksan.

Si Erika.

"Uhmm. D-Do you need help?" nahihiyang tanong n'ya sa akin. Hindi s'ya makatitig sa akin ng diretso at hindi rin napakali ang magkahawak n'yang mga kamay.

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon