Texas
NAKAHILERA ang mga sasakyang pangkarera. Lahat ay naghihintay sa hudyat upang tuluyang patakbuhin ang nagrerebolusyong mga sasakyan.
Nang ibaba ang isang triangle flag bilang hudyat ng simula ng karera ay tila isang choreographed dance na sabay-sabay na tumakbo ang mga racing cars. Nilunod ng sigawan ng mga tao ang tunog ng mga makina. Ang mga advertisement ng mga kilalang sasakyan at pangalan ng oil companies at kung ano-ano pang produkto ay nakahilera sa tagiliran ng stadium.
Nag-uunahan ang mga racing cars. Bawat isa ay nagmamadali. Lahat ay gustong maunang umabot sa finish line.
Nasa ikatlo ang numero 11. Malapit na nitong abutan ang nasa unahan, ang numero 5. Sa dulo ay isang sharp curve ang tinutumbok. At ang nasa unahang numero 5 ay hindi gustong palampasin ang numero 11. Itinodo ng driver ng 11 ang accelerator upang malampasan ang nasa una pagdating sa curve.
Sa tuwing binabalak na mag-overtake ng number 11 ay humaharang ang 5. Hanggang sa pareho silang matapat sa isa't isa. Lumingon ang driver ng numero 11 sa katabing sasakyan at nakita nito ang isang malademonyong ngiti mula sa kabilang driver.
Malapit na sila sa sharp curve nang gumilid ang nasa unahan at halos tumabi. Ang sadya ay pitikin sa tagiliran ang numero 11. Impatiently, sinikap ng numero 11 na itodo ang takbo upang lampasan ang numero 5. He was cursing under his breath. Alam na nitong gusto siyang itabi. Sa mismong sandali ring iyon ay kinabig ng numero 5 ang manibela pakanan upang ang hulihan nito ay masagi at masadsad sa kurbada ang numero 11.
Which he successfully did.
Nawala sa balanse ang no. 11. Masyadong mabilis upang makontrol ang manibela. Ang mabilis nitong pagkabig upang iiwas sa no. 5 ang racing car ang nagpangyari upang sumadsad ito sa shoulder ng racing track. Tumaob nang tatlong beses bago huminto at halos mabunggo sa wall.
Naghiyawan ang mga tao sa grandstand na nakita sa hawak na mga teleskopyo ang nangyayari. Ang number 5 ay sumadsad din sa tabi at hindi na makabalik sa racetrack.
Sa TV screen ay napatayo ang mga nanonood. Mula sa tumaob na sasakyan ay nagpipilit na lumabas ang driver nito. Inching away from his racing car. Halos pagapang itong lumayo mula sa tumaob na sasakyan. Wala pang dalawang metro ang nagagapang nito nang mag-apoy at sumabog ang sasakyang pangkarera kasabay ng pagbagsak at pagkawala ng malay ng driver.
Manila
PINUKAW si Beatriz ng sunod-sunod na pagtunog ng telepono. Nilinga nito ang asawang umungol at nagigising din sa tunog ng telepono sa may night table.
Inabot ni Beatriz ang phone at inaantok pang sinagot.
"Hello..."
"'Ma..."
"Jennifer?" Nagising nang tuluyan ang diwa ni Beatriz. Nasa Houston ang bunsong anak kasama si Zandro para sa honeymoon ng mga ito. They got married only three weeks ago. At tuloy upang panoorin ang championship race ni Lance.
They would have gone, too, kung hindi lang siya sinusumpong ng arthritis at hindi makabubuting nasa malamig siyang bansa. Si Franco ay hindi gustong iwan siya.
"Hija... ano ang resulta ng race? Nakakuha ba ng puwesto ang kapatid mo?" excited na tanong ni Beatriz sa kabila ng bahagya pang antok.
"'Ma..." si Jenny na humihikbi at nanginginig ang tinig na sinulyapan ang asawang nakasandal sa dingding in grim face.
Nagsalubong ang mga kilay ni Beatriz pagkarinig sa garalgal na tinig ng anak.
"Are you crying, Jennifer?" kinakabahang tanong nito.
"N-nasa... nasa ospital si Lance, Mama..."
"W-what?!"
"He—he crashed during the race... at hindi matiyak ng mga doktor kung... kung... mababalda si Lance..."
"No!" hiyaw ni Beatriz na agad ding nahinto dahil pinangapusan ng hininga. Nabitiwan ang telepono at sinapo ang dibdib.
Si Franco ay nagising sa pagbagsak ng asawa sa katawan nito.
"Beatriz!"
BINABASA MO ANG
Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceWhen Lance Navarro whispered "I do..." Erika Rose saw hatred and contempt in his eyes. Pero hindi doon natapos ang galit ng bunsong lalaki ni Franco Navarro. Minutes after the forced wedding, dinala siya nito sa kaibigang tattoo artist and to her ho...