6

30.5K 729 42
                                    


TATLONG linggo si Lance sa ospital bago lumabas. Ilang araw lamang ang pinalipas nito sa cottage ranch at ipinilit na ni Alvaro na umuwi ito sa Pilipinas ayon na rin kay Beatriz. Si Franco ay nauna na ng isang linggo.

"Saan ka pupunta?" Si Alvaro sa kapatid nang abutin nito ang crutch sa tabi ng upuan.

Umangat ang kilay ng binata. "We're more or less thirty thousand feet above sea level, saan sa palagay mo ako pupunta?" sarkastikong wika niya.

"If you're going to the john, sasamahan kita." akmang tatayo si Alvaro subalit tumalim ang mukha ni Lance.

"Really, Alvaro, tinalo ko pa ang naputulan ng mga binti sa ginagawa mo. O, baka naman akala mo ay six years old ako. Let me remind you, I'm twenty-six..."

"You don't have to be sarcastic," kalmanteng sagot ng nakatatandang lalaki. "Nag-aalala lang akong—"

"Thanks a lot!" galit nitong sinabi sa pabulong na paraan dahil may ilang pasaherong nakatingin sa kanila.

Sandaling sinundan ng tanaw ni Alvaro ang kapatid bago naiiling na isinandal ang sarili sa headrest. He must have been acting like a big nanny and knowing Lance, naturally he would resent it. Siya man itong nasa kalagayan ng kapatid ay ganoon din marahil ang ikikilos.

Nagpasalamat na lang itong naiwan sa Texas si Nick upang siyang humalili sa trabaho ni Lance sa planta. Kung nagkataon ay lalong nag-iinit ang ulo ni Lance kung dalawa pa silang tila yaya ng binata. Though they couldn't help worrying, they were all devastated to what happened to him. 

Tila may bahagi ng mga katawan nila ang nabalda nang mangyari ang aksidente.

Nasa labas na ng comfort room si Lance nang papasok naman si Billie. Pareho pang nahinto sa paghakbang ang dalawa at saglit na nagtama ang mga paningin.

Bahagyang nabigla si Lance subalit hindi ipinakita iyon. Sa halip ay naroon ang animosity sa mukha na hinagod ng tingin ang kabuuan ng mestizang babae na sa tingin nito ay typical american teenager. Untamed brown curls na pilit humihiwalay sa tirintas niya. So different from the long straight and silky black hair that he so admired.

Mga matang may shade ng pinaka-light blue na nakita niya sa buong buhay niya and framed by thick dark brown lashes. Upturned nose and seductive lips that curled at one corner dahil sa pagpipigil ng ngiti. And a few freckles across the bridge of her nose na sa tingin ni Lance ay bumubuo ng mukhang kay harot-harot tingnan.

Kakaibang-kakaiba sa mukhang kabisado ng isip nito. Jewel had soft jaw, mysterious dark eyes, honeyed skin... and matured looking.

Nang bumaba ang mga mata ng binata ay nagsalubong ang mga kilay pagkakita sa pinong blond hair sa mapuputing braso ng dalaga na ipinagkurus niya sa dibdib.

Hindi mapigil ni Billie ang amusement at lumapad ang ngiti. Lalong naningkit ang mga mata ni Lance.

"What's funny?" inis nitong tanong.

"You are funny," she grinned and shrugged her shoulders. "You surveyed me up and down as if I am some kind of merchandise and decided that I am not to your liking..."

"As a matter of fact, you are right," he drawled irritably. Kasabay niyon ay nag-flash sa isip ang anyo ni Quinn habang hinahalikan nito ang dalagita habang ang isang kamay ay nasa ilalim ng palda ng babaeng ito.

Pagkatapos ay ang panunuya ni Quinn sa kanya. Sa sulok ng isip ni Lance ay kay Quinn ito nagagalit at nadadamay lang ang dalagitang ito na kung tutuusin ay wala siyang pakialam kung ano man ang ginagawa nila ni Quinn sa loob ng hospital room ng huli.

Tuluyang natawa si Billie sa halip na mainsulto. "Thanks a lot. I probably am not your type, Lawrence Navarro. And thank the gods, you are not mine either. I hate men with dark skin, kind of dirty... yuck," pabulong na lang halos ang huling sinabi and made a face while her eyes sparkled in merriment sa kabiglaang nasa mukha ng binata.

"I'd prefer your father ten times over kaysa sa iyo. You're nothing like him. Franco Navarro is handsomer, fairer and responsible..." nakangising dagdag-tudyo ni Billie kasabay ng pagtulak sa pinto ng comfort room at pumasok.

Sandaling natilihan si Lance. Kilala siya ng babae. At Pilipina bagaman may American accent sa tagalog. Somehow, she seemed familiar, hindi dahil nakita na niya ito sa ospital. Hindi nga lang niya mahagip sa isip kung saan pa niya nakita ang babae.

Nasa upuan na uli siya at inabot ang peryodiko sa harap. "Nakita mo ba ang kausap ko kanina?" tanong niya kay Alvaro makalipas ang ilang sandali bagaman hindi nakatingin sa kapatid kundi sa diyaryong binuklat.

"Yeah, why?"

"Do you know her?"

"Hindi ko napansin. Bukod sa malayo ay nakaharap sa iyo ang babae. Bakit ba?"Umiling ang binata. "Nothing. Some permissive Amerisian..." bulong niya na pinagpatuloy ang pagbabasa. Si Alvaro ay ini-recline ang upuan at inihanda ang sarili para umidlip.

Si Billie ay nag-iisip pa rin nang bumalik sa upuan. Nasa deluxe ang magkapatid na Navarro at nasa economy naman sila ng daddy niya. Bagaman ang lavatory ay mas malapit sa kinalalagyan nila kaysa sa ibang panig ng eroplano.

"Daddy, did you know that the Navarro's are on board?" tanong niya sa ama.

"No," tipid na sagot ni Luis na hindi nagmulat ng mga mata at nanatiling nakahilig sa upuan.

Gusto pa sana niyang magtanong pero minabuting huwag na lang. Ipinagtataka niya ang biglaang pag-uwi na ito ng daddy niya sa Pilipinas at kasama siya. Nang tanungin niya kung bakit sila uuwi ay wala itong isinagot maliban sa may aasikasuhin at kailangang kasama siya.

Muli niyang ikinabit ang seat belt at inihanda ang sarili sa mahabang pagtulog.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon