"DON'T do this to me, Lance," pakiusap niya rito sa huling sandali. Nasa pilot's seat na si Lance at binubuhay na ang makina ng helicopter. The rotors were turning habang isinusuot nito ang aviator sunglasses. "Ano ang gagawin ko sa Sto. Cristo sa kalagayan ko?"
"You're a horse breaker, aren't you?" sarkastikong sagot nito while he slipped on his headset. "Malaking bagay ang kaalaman mo sa asyenda at sa rancho. Tinitiyak ko sa iyo, Billie Rose, hindi mo kaiinipan ang mga araw sa magkarugtong na lupain. Your service is very much needed there."
Naningkit ang mga mata niya. Naubos ang lahat ng pagtitimpi. "Kung inaakala mong maikukulong mo ako sa Sto. Cristo ay nagkakamali ka!"
He sneered. "You want to bet on that?" Isang nang-uuyam na ngiti ang pinakawalan nito. "Kung sakali mang makakatakas ka sa asyenda ay saan ka pupunta? Nasa akin ang passport mo."
Biglang napayuko sa bag niya si Billie. Mabilis na binuksan at hinanap ang passport subalit wala iyon doon. "You despicable son of a— give me back my passport!" bulyaw niya rito. "Wala kang karapatang itago iyon!"
Hindi sumagot si Lance at nag-concentrate sa pagpipiloto. Si Billie ay nagpupuyos ang dibdib na tumanaw sa labas ng chopper. Sa mga kuwa-kuwadradong taniman ng palay sa ibaba na lumiliit habang tumataas sila. Ano man ang sabihin niya ay balewala sa lalaking ito. It was wiser to remain silent. Ang tanging pag-asa na lang niya ay si Nana Tonya at Tata Resting. Hihingi siya ng tulong sa mga ito na ihatid siya sa kabisera hanggang sa may pantalan. At sa sandaling makarating siya sa Maynila ay tatawagan niya si Nick.
"Matatanda na ang mga katiwala ni Nick, Billie Rose," ani Lance makalipas ang ilang sandali.
"Hindi mo gugustuhing mawalan sila ng tirahan. You may be a Montaño at matagal silang naglingkod sa ama mo, but I am more closer to them kaysa sa iyo. Gagawin nila ang anumang iuutos ko," dugtong nito na tila nahuhulaan ang nasa isip niya.
Napahugot ng paghinga si Billie. "I can't believe you are Franco's son! And I hate you, Lawrence Navarro!"
Pagkabanggit sa pangalan ng ama ay tila lalong sinisigahan ang dibdib ni Lance sa galit. His nostrils flared that Billie thought he was breathing out fire.
"Ano na nga iyong sinabi mo sa akin years ago? We're a match. Pare-pareho tayong walang delicadeza. Masahol pa tayo sa hayop, 'di ba?" Galit na galit ito na sa palagay ni Billie ay may apoy na nagsisiklab sa loob ng katawan nito.
"I don't know what you're talking about. Ni hindi kita naiintindihan..." magkakasama ang panlulumo, galit at kalituhan sa isip niya.
"You can play dumb and innocent hanggang gusto mo," patuloy ni Lance. "But I won't touch you again. Iyan ang itanim mo sa isip mo!"
"Why, thank you, my dear husband," she mocked in equal anger. "Ganoon mo ako kadaling pinagsawaan? And I thought you can't get enough of me and that you want my sweet, soft, and beautiful body? Hindi ba't iyon ang ibinubulong mo sa akin sa tatlong beses na pag-aangkin mo?"
"I probably thought you were somebody else," he said coldly.
"You—!" Kumawala ang kamay ni Billie Rose bago pa niya napigil ang sarili. Naging sanhi iyon upang sandaling mawalan ng control sa manibela si Lance at tumagilid ang chopper.
Agad na nakabawi si Lance at muling umayos ang lipad ng helicopter. Si Billie ay gustong umiyak sa galit at sama ng loob sa oras na iyon subalit pinigilan ang sarili.
Lance hated himself for the outright lie pero hindi nito aaminin iyon. Ano ang malay nito at baka sa panahong nagtatalik sila ay si Franco Navarro ang laman ng isip ni Billie Rose.
He felt like laughing. How I wish your wife will break your heart as you did mine! Ano kaya ang iisipin at sasabihin ni Charry sa sandaling malaman nito ang damdamin niya ngayon? She'll probably laugh to her heart's content.
BINABASA MO ANG
Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceWhen Lance Navarro whispered "I do..." Erika Rose saw hatred and contempt in his eyes. Pero hindi doon natapos ang galit ng bunsong lalaki ni Franco Navarro. Minutes after the forced wedding, dinala siya nito sa kaibigang tattoo artist and to her ho...