46

36.1K 820 61
                                    

"BAKIT hindi mo kasama ang asawa mo, hijo?" Si Beatriz na kausap ang anak sa telepono. 

"Gusto kong makita si Billie. Nangako kang isasama mo siya sa pagluwas mo."

"Hindi mabuti para kay Billie ang bumiyahe, 'Ma," sagot niya makaraan ang ilang sandaling pag-iisip. "Nasa first month na siya ng last trimester niya. Hindi nga sana ako luluwas kung hindi lang iniradyo ng papa na gusto ni Nick na ayusin ko ang problema sa Gascon Enterprises." ang tinutukoy niya ay ang kompanyang bagaman pag-aari ni Nick ay na kay Bernard Fortalejo na ang controlling share.

"Sasama ako sa iyo pauwi ng Sto. Cristo, hijo," giit ni Beatriz. "Aba'y nami-miss ko na ang mga apo ko sa villa bukod pa sa gusto kong makita't makausap ang asawa mo..."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lance at napilitang sumang-ayon. Nang hapong iyon ay dumating si Beatriz sa opisina. Labag man sa loob ay hindi niya magawang magsalita nang malamang kasama si Franco na uuwi sa Sto. Cristo.

SI BILLIE ay napatingala sa ere. Sa siwang ng makapal na mga puno ay natanaw at naririnig niya ang chopper sa himpapawid. That must be her husband. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya at binilisan ang pagpapatakbo sa minamanehong pickup patungo sa villa. Pitong buwan na ang tiyan niya at hindi na niya kayang mangabayo maliban pa sa hindi papayag si Lance.

Sa loob ng dalawang buwan ay hindi umalis ng Sto. Cristo si Lance maliban nitong nakaraang dalawang araw kung saan si Franco mismo ang nagpatawag. At wala siyang pagsidlan sa tuwa. 

Lalong wala siyang masasabi sa pakikitungo nito sa kanya bagaman paminsan-minsan ay nakikita niya itong nakatingin sa malayo. Maraming alalahanin ang pumapasok sa isip niya tuwing nakikita niyang ganoon ang asawa. Subalit hindi niya gustong lagyan ng lambong ang pagbabago ng pakikitungo nito. She loved him so much na handa siyang makibagay rito.

Pagdating niya sa villa ay naroon na ang chopper. Nagmamadali siyang bumaba at pumasok sa loob. Papanhik na siya sa itaas nang mapunang nakabukas nang bahagya ang library at mamataan si Franco. Muling bumaba at lumakad patungo sa library.

"Papa..."

"Billie, hija," nakangiting bati ni Franco. Mabilis na lumapit si Billie at yumakap sa biyenan. "How have you been?"

"I'm fine," nakangiting sagot niya. "Ang mama?"

"Nasa itaas at kalaro marahil ng dalawang bata. Patungo kaming talaga sa kabila upang dalawin ka." Inakbayan siya nito at dinala sa may bintana. "I was really worried about you, hija. Natakot akong totoong baka malaman ni Lance ang tungkol sa—" hindi nito natapos ang sasabihin dahil bumukas nang maluwang ang pinto.

"Ano ang ikinatatakot mong malaman ko, Papa?"

Sabay na napalingon ang dalawa. Biglang tila may sumuntok sa dibdib ni Billie sa galit na nasa mukha ng asawa. Though his voice as deceptively soft and calm, she knew Lance was at his most dangerous. Tulad ng isang mabining hangin bago ang pagdating ng bagyo. Sandali siyang nalito at kinabahan.

"Oh, nothing, Lance," kalmanteng sagot ni Franco. "Alam kong may kasalanan ako sa iyo, hijo, at totoong natakot akong—"

"Have you really no decency at all?" he said furiously. "Hanggang dito ba naman? Inilayo ko na si Billie sa iyo. I have learned to forgive you both at ipinangako ko sa sarili kong magsisimula kaming mamuhay tulad sa isang tunay na mag-asawa." bagaman naguguluhan sa mga sinasabi ay nilapitan ni Billie ang asawa at hinawakan sa braso. 

"Then there's no need to be angry, Lance. Patawarin mo ang papa at—"

"At ikaw?" Namumula ang mukha nito sa galit. "Wala ka na ba talagang kahihiyan at pagsasaalang-alang sa mama? Nariyan lang sa itaas ang mama at anumang sandali ay maaari niyang makita kayo ng papa. Hindi ko kayo patatawaring pareho kung may mangyaring masama sa mama dahil sa inyo!"

"A-ano ba ang sinasabi mo?" naguguluhang tingala niya sa asawa.

"Let's stop playing fools, Billie. Pinilit kong kalimutan ang tungkol sa relasyon mo sa sarili kong ama and gave you the benefit of the doubt and another chance. But I'd rather kill you than hurt my own mother!"

Nanlaki ang mga mata niya as the words registered. "P-pinag—pinaghihinalaan mong may r-relasyon kami ng..." hindi niya masabi-sabi nang deretso ang mga salita, nilingon niya si Franco sa hindi makapaniwalang tinig. "...ng papa?"

"Shut up!" wika nito sa nagpipigil na tinig. Hinawakan sa braso ang asawa. "Let's get out of this house bago pa bumaba ang mama. Many crimes had been committed for less and killing you now for having an affair with my father is justice! At sa mismong pamamahay ng mama!"

"Lawrence!" Si Franco na hindi makapaniwalang umabot sa ganoon ang kaisipan ng anak. "Bago ka mag-isip ng masama'y pakinggan mo muna ako..."

Akmang magsasalita si Lance subalit naunahan na ito ni Billie. "Huwag, Papa," she said in cold fury habang ang mga mata ay matiim na nakatitig sa asawa. She was horrified and had never been angrier in her whole life that her voice trembled. "I have been asking myself a hundred times what made me fall in love with you," wika niya sa pagitan ng pagtatagis ng mga ngipin. 

"...when you're nothing but an asshole!" At sa isang kisap-mata ay isang sampal ang dumapo sa mukha ni Lance na bagaman nabigla ay tinangka siyang hawakan. Mabilis na umatras si Billie. "F— you, Lance Navarro! Try to come near me and I'll kill you myself!" Pagkasabi niyon ay mabilis na tumalikod si Billie at lumabas ng library.

Si Beatriz na nakatayo sa may malapit sa pinto ay akmang pipigilin ang manugang subalit halos takbuhin ni Billie ang malaking pinto ng villa palabas.

Si Lance ay tinangkang habulin ang asawa nang hawakan siya sa braso ni Beatriz. "Pakinggan mo muna ang sasabihin ng papa mo sa iyo, Lance," mahinahon nitong sabi. Hindi agad nakakilos si Lance. Nahati sa ina at asawa ang pag-aalala. May narinig ba ang mama niya?

"Ano ang dapat kong marinig? Hindi ko na alam kung ano ang iisipin! My wife is out there in anger at baka mapaano siya."

"Billie Rose is stronger than you thought, Lance," ani Beatriz.

"Mama, please..."

"Did you really think na may relasyon ang papa mo sa asawa mo? Shame on you, Lawrence Navarro!" akusa ni Beatriz sa tonong pinagsamang amusement at galit. Hindi makuhang magsalita ni Lance. Hindi nakatitiyak kung matutuwang hindi naniniwala si Beatriz.

"I admit I enjoyed what I did, Lance." si Franco sa seryosong tono. "until that accident. Tinakot mo ako nang husto. I wouldn't forgive myself kung may nangyari sa iyo...."Nagsalubong ang mga kilay niya. "What is this? Ano ang gusto mong sabihin?"

"Nasa silid ko si Billie nang madaling-araw na iyon dahil kinausap siya ng mama mo nang mag-overseas call si Beatriz. Kabababa lang niya ng telepono nang tumawag ka. I added the endearment for the effect...."

Parang gustong sumabog ang ulo niya sa narinig. Sa pinagsamang relief at galit sa ama. Niyuko ang ina. "And I was so worried for you, iyon pala'y—"

"Thank you so much for caring, Lance." banayad na ngumiti si Beatriz at idinagdag. "And so jealous, too, with your own father. Ye of little faith!"

"I don't believe this!" Gusto niyang magalit sa ina pero hindi iyon magkapuwang sa dibdib. Nilingon ang ama. "You've been making a fool of me," he accused angrily.

"No, son. I helped you get to your senses and see for yourself how lucky you are with your wife."

Pagkarinig sa sinabi ng ama ay ibinalya ni Lance ang pinto pabukas at nagmamadaling lumabas. Sa kuwadra siya nagtuloy at inilabas si Shadow. Kulang na lang ay paliparin iyon.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon