15

30.7K 755 20
                                    

SHE jolted from her reverie nang marinig ang katok sa pinto.

"Who is it?" sigaw niya.

"Room service, ma'am..."

Muli niyang ibinalik ang blouse at nagmamadaling binuksan ang pinto. Ipinasok ng roomboy ang cart na may dalang pagkaing in-order niya. Kumuha siya ng pera sa bag at ibinigay rito bilang tip. Ilang sandali pa ay nag-iisa na siyang muli.

Tinitigan niya ang pagkain and all of a sudden ay nawalan siya ng gana. Kinuha ang munting telephone directory niya sa bag. Dinampot ang telepono at humingi ng outside line. Ilang sandali pa ay nagri-ring na ang telepono sa FNC. At pagkatapos ay ang boses ng operator.

"FNC International, good afternoon..."

Tumikhim siya bago nagsalita. "M-may I speak to Mr. Lance Navarro, please..."

"One moment," narinig niyang sagot nito at alam niyang ikinokonekta siya nito sa office ng lalaki.

"Mr. Navarro's office, may I help you..." ang kabilang linya. Husky ang boses. Natitiyak niya, ang sekretarya.

"Is... is..." nautal siya. "I w-wish to speak to Mr. Lance Navarro..."

"Ow..." ang kabilang linya. Sa dalawang letrang salitang iyon ay nakahimig siya ng pang-uuyam. Marahil ay itinuturing nitong isa lang siya sa mga babaeng mayamaya ay gustong makausap si Lance.

"I am very sorry, Miss, but I cannot put you through him. Mr. Navarro is in the middle of an important meeting right now and cannot be disturbed. May I have your message, please?" Itinago ng politeness ang mockery sa tinig nito.

"Nevermind," at ibinaba na niya ang telepono. Hating the secretary who must have only done her duty keeping Lance Navarro from callers-at-bay. Hating herself for sounding like an uncertain woman-friend.

Sa inis niya ay pinagbuntunan ang pagkain sa tray. Na dahil gutom naman siyang talaga ay naubos niya. Pagkatapos ay tinawagan si Luke na niyaya siyang mag-dinner sila sa labas.

"I'll pick you up at seven thirty," wika nito na hindi alam na nasa hotel siya.

"Naka-check in ako sa Manila Penn, Luke."

"What?"

"I'll meet you at the lobby around seven thirty and I'll explain later..." iyon lang at ibinaba na ang telepono. Hindi na niya hinintay na makapagtanong pa ang kasintahan.

Kasintahan? Ano ang karapatan niyang magkaroon ng kasintahan? She is very much married sa kabila ng katotohanang mula nang araw na ikasal sila ay hindi na sila nagkita pang muli ni Lance.

Pero hindi ba at iyon ang dahilan kaya siya narito sa Pilipinas ngayon? Ang sabihin kay Lance na pakawalan na siya sa pagkakatali rito at mag-file ng legal separation o annulment. Kung alinman ang akma. Lance never contacted her for the past three years and six months sa kabila ng katotohanang ilang beses din itong bumalik sa Houston mula noon.

Hindi iilang beses niya itong nakikita at nababasa sa mga society page kasama ang kung sino-sinong famous personalities. May mga magasin at peryodikong Pilipino rin ang nakararating sa Texas at paminsan-minsan ay nababasa niya ito. At sa nakalipas na mga taon ay hindi lang ang jet-setting at ang pagiging society debonair ang nababasa niya. Isa na rin itong matagumpay at iginagalang na negosyante just like Nick. But her cousin maintained his distance and privacy at malayo sa mapanuring mga mata ng paparazzi.

Kung bakit hindi siya nito kinontak man lang upang mapawalang-bisa ang kanilang kasal ay hindi niya alam. At hindi rin nito sinagot ang dalawang sulat niya rito sa nakalipas na buwan upang ipaalam na kailangan nilang mag-usap. Didn't his status bother him? Hindi pa ba nakakatagpo ng talagang gustong pakasalan ang bunsong lalaki ni Franco Navarro?

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon